Chapter 10

8.8K 345 15
                                    

Tamara Sid

Naglalakad na ako pabalik sa next subject ko. Katatapus lang ako makausap ni Ma'am Angela kanina about doon sa nangyari sa canteen.

Hanggang ngayon eh naguguluhan pa rin ako sa aming napag usapan. Di ko kasi ma gets kung bakit sya nagagalit.

Hindi ko na nga lang tinanung pa at natatakot din ako na mag tanung pa. Baka kasi humaba pa ang usapan at di ko na mapigilan pa ang sarili ko at maka gawa ako nang sa tingin ko ay ikapapahamak ko.

Sobrang pag titimpi na nga ang aking ginawa sa aking sarili para lang di maakit sa kanya.

Lalo na kanina nung kwenilyuhan nya ako, grabi sobrang lapit nya pa naman at amoy ko pa ang kanyang napakabangong amoy na nakakaadik.

Eh dagdag mo pa ang mga labi nitong parang laging nag aanyaya na tikman ko, mukha kasing masarap eh.

Kahit nga yung mga mata nito na laging nag liliyab sa galit pag tumingin eh iba ang dating sa akin. Feeling ko eh inaakit ako nang mga tingin nito.

Kaya naman laking pasasalamat ko talaga nang sabihin nya sa aking pwede na akong lumabas.

Kasi pag nagtagal pa ako doon eh, baka may mangyari pang kakaiba.

Halos sabay lang kaming dumating sa classroom ni Jasmine, pansin ko dito ang mapula nitong pisngi na medyo namamaga. Parang sinampal ata. Bakat pa kasi ang five fingers sa kaliwang pisngi nito eh.

Mukhang galit na galit ang nanampal dito.

"Oh napano ka?" Ang usisa ko dito. Di naman ito sumagot at bumuntong hininga lang.

"Pumunta ka lang sa room ni Ma'am Athena eh nagkaroon ka na nang ganyan. Don't tell me na si Ma'am ang may gawa sa iyo nyan? May pag dududang dagdag ko pa dito.

"Hayaan mo na lang muna ako Sid at masama ang pakiramdam ko. Ang matamlay na sabi nito sa akin.

Nag aalalang hinawakan ko naman agad ang noo nito at dinama kung mainit nga sya.

"Medyo mainit ka nga, halika sa clinic at nang matignan ka nila doon. At nang magamot na rin yang namamaga mong pisngi" sabay tayo at hila ko sa kanya para di na maka tangi pa.

"Di na lang kaya ako pumasok sa next subject natin Sid. Ang suggestion nya sa akin habang nag lalakad kami pa puntang clinic.

"Mag patingin ka muna, tapos pag di mo na talaga kaya eh hatid na lang kita sa inyo. Iwan mo na lang muna dito yang car mo at pakuha mo na lang sa driver nyo."

"Di naman kita papayagan na mag drive mag isa noh. Kargo ko pa kung may mangyaring masama sayo. Ang seryosong sabi ko sa kanya.

Nanggaling ka lang kay Ms Athena, nagkasakit kana agad. Ang nanunudyo ko pang sabi dito.

Alam ko naman na malakas ang tama nito kay Ms. Athena eh. Ang alam siguro nya eh di ko napapansin ang pag titig nito sa teacher namin. Lalo na pag di nakatingin si Ma'am sa kanya.

Nahihiya lang siguro sya na umamin sa akin oh baka hanggang ngayon eh di nya pa napapansin sa sarili nya iyon.

"Huwag mo na nga akong kulitin sa anak ni satanas na iyon. Kala mo naman lahat may gusto sa kanya. Kung di lang sya maganda sa tingin ko para na syang basura sa sobrang sama ng ugali. Nakakainis lang talaga. Ang litanya nito sa akin na may pa compas compas pa ng kamay.

Napangiti na lang ako sa mga sinabi nito. Kasi wala eh masama nga talaga ugali nilang mag babarkada na teacher.

"Sos baka naman kasi hinalikan mo nanaman kaya ka nasampal ulit." Dagdag kong pang iinis dito.

Ang cute lang kasi ng itsura nito pag naaasar. Sobrang pula na lalo ng mukha nito na kuntudo pa sa simangot.

" The nerve! Di ko pinangarap na halikan ang mga katulad nyang anak ni satanas. Baka mahawaan pa ako nang kasungitan nya pag ginawa ko iyon." Inis na sabi pa nito.

"Anong sinabi mo Cordova!!!? Ako ba ang tinutukoy mo ha!!!?? Ang nanginginig sa galit na sabi ni Ms. Athena dito."

"Umayos ka nang sagot mo, at baka hindi lang sampal ang abutin mo sa akin. Kapal nang mukha mo ha!!!" Ang galit na galit na litanya dito ni Ma'am Athena.

Kasama pa naman nito ang  tatlo nitong barkadang kasing ugali din nito. Na masama din ang tingin sa amin ni Jasmine.

Agad naman nanlaki at lalong na mutla ang itsura ni Jasmine nang malingunan nya ang mga ito.

Sabagay kung ako rin siguro nasa sitwasyon nya eh baka nahimatay pa ako

"A-hhh e-hhh M-aaammm A-thenna hin-di naman po kayo ang tinutukoy ko eh. Yun pong kasambahay nila Sid yung pinag uusapan namin." Ang nauutal na sabi nito kay Ma'am na may kasama pang panginig ang boses.

Puta, takot na takot talaga sya. Gusto ko sanang matawa, Kaya lang baka ako ang balingan nila eh. Buti nga at di nila kasama si Ma'am Angela eh. Baka na hot set na rin ako pag nagkataon.

"Inaasar nya po kasi ako doon sa kasambahay nila na may gusto daw po ako doon." Ang dagdag na paliwanag pa nito.

Agad naman akong binalingan nang tingin ni Ma'am Athena sa nag tatanung na tingin.

"Totoo ba itong sinabi nang kutong lupang ito ha Montenegro? Ang pasungit na tanung sa akin ni Ma'am.

Nakaramdam naman ako nang kurot sa aking likuran.

"O-po Ma'am Athena, nag bibiruan lang po kasi kami kanina. Inaasar ko lang po sya talaga Ma'am."

"Oh eh san naman kayo pupunta nyan at pagala gala pa kayong dalawa? Malapit na matapos ang break time ah."

"Eh Ma'am dadalhin ko lang po si Jasmine sa clinic at masama raw po kasi ang pakiramdam nya. Tsaka pa tignan ko na rin po yung pisngi nya. Namamaga na po kasi eh." Ang diri diritso kong sabi sa kanila.

Parang bigla naman na lumambot ang itsura nito at nilapitan agad si Jasmine at dinama ang leeg nito.

"Montenegro pumasok ka na lang sa iyong subject at ako na ang bahala dito kay Cordova."

Ms. Angela MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon