Chapter 32 a

8.5K 280 31
                                    


Tamara Sid


Andito pa rin ako sa condo ni Bea. Yung isa ayon plakda na at naka unan pa talaga sa aking lap.

Grabe ganito pala ito kakulit. Di ako na inform agad. Dahan dahan ko naman sya na binuhat at dinala sa kanyang kwarto at maingat ko itong binaba sa kanyang kama.

Bahagya pa itong gumalaw ng maibaba ko sya. Kinumutan ko na lang at medyo pina hinaan ang kanyang aircon.

Lumabas na ako sa room nito at dumiretso na sa kanyang kusina. Balak ko kasi na ipag luto muna ito bago ako umalis.

Nag aagaw na rin naman ang dilim at liwanag eh. Sakto lang siguro na maka uwi ako sa bahay bago dumating sila Dad.

After ko maka pag luto ay nag iwan na lang ako ng sulat dito na nag sasabing umuwi na ako at initin na lang nito ang mga niluto ko para sa kanya.

Nang maka rating na ako sa bahay ay biglang sinabi sa akin ng guard namin na may nag hihintay daw sa akin sa loob kanina pa.

Nag kibit balikat na lang ako at tumuloy na sa loob ng bahay. Baka si Jasmine lang ito at mang gugulo na naman.

Pag pasok ko sa loob ay dalawang pares ng nag liliyab na mata at isang napaka dilim na aura ng isang dragon ang aking napasukan.

Patay na. Sabi ko na nga dapat nag stay pa ako ng matagal kila Bea eh. Tuloy naabutan ko pa dito ang dragon na ito.

"Saan ka galing Montenegro!!!!??? Kanina pa ako nag hihintay sa iyo dito sa bahay nyo at kahit anino mo ay di ko makita!!!! Saan ka nag tago ha!!!??? Kala mo siguro eh matataguan mo na lang ako ng ganun ganun na lang ha!!!!" Galit na galit nitong sabi sa akin.

Kala ko di na ako tatablan ng pag susungit nito. Pero kasi naka katakot talaga sya ngayon. Galit na galit eh.

"A-hhh e-hhhh ki-kila Bea lang po ako pumunta Ma'am." Pautal utal na sabi ko dito at di maka tingin sa kanya ng deritso feeling ko para akong nag taksil sa kanya.

"Anong sabi mo!!?? Saan ka galing!!??? Kay Bea!!!" Pasigaw nitong sabi sa akin na syang ikina gulat ko at lalong kina nginig ko na sa takot.

Feeling ko eh para nya na akong papatayin sa kanyang pinapakitang aura ngayon. Parang gusto ko ng magtago sa saya ng nanay ko.

Asan na ba kasi sila Mommy para di na maka pag bida bida pa tong si Angela dito sa bahay namin. Ewan ko lang kung maka pag sungit pa yan kung andito na sila Mom.

Maya lang ay bigla na lang ako nitong nilapitan na syang ikinapikit ko lalo. Hinihintay ko na lang na may dumapong suntok oh sampal sa akin.

Pero so far ay wala naman akong naramdaman kaya nag mulat na ako ng mata upang tignan kong ano ba ang ginagawa nya.

Bigla nitong nilapit sa akin ang kanyang mukha at parang aso na inamoy amoy ako nito.

Lalo pa itong nag dilim ang aura ng maamoy ako nito.

"Anong ginawa nya sa iyo at parang naaamoy ko sa iyo ang amoy ng malanding iyon ha Montenegro!!?? Magsabi ka sa akin ng totoo!!!!" Pagigil na sabi nito na dinig ko pa ang pag lagutok ng kanyang mga ngipin dahil sa pang gigigil. Kita ko rin ang pag kuyom lalo ng kanyang mga palad.

"Wala naman kaming ginawa eh. Dinalhan ko lang sya kanina ng pagkain at gamot kasi nga masama ang pakiramdam nya dahil sa hangover." Tuloy tuloy na sabi ko dito

"Tapos niyakap nya lang ako at panay ang singhot nya sa aking leeg. Para ngang tuko kanina kung maka lambitin sa leeg ko eh." Kwento ko pa sa kanya at di ko na mabasa ngayon kung ano ang reaction nya. Naka poker face na ito ngayon sa akin.

"Asan ang kwarto mo?" Malamig na nitong tanong sa akin na syang lalong kinatakot ko. Papatayin nya na ba ako kaya tinatanung nya na kung saan ang room ko

"Tinatanung kita Montenegro, asan ang kwarto mo?!!" Ulit uli nyang tanong sa akin nung di ako umimik sa kanya kanina.

Napipilitan naman na sinabi ko sa taas. Agad naman ako nitong hinila pa akyat at saka ko na lang tinuro dito ang room ko.

Dali nitong binuksan ang aking room at tinulak na lang ako bigla nito papasok na muntik ko ng ikinatumba.

Hinila ako nito agad sa shower room at bigla na lang binuksan ang shower na syang ikina basa ko.

"Angela ano ba!? Bakit mo naman ako biglang binasa?" Di ko mapigilang sigaw ko sa kanya.

"Maligo ka dyang bwisit ka,!!! Mag koskos kang mabuti at dapat di ko na maaamoy sa iyo ang amoy ng malanding iyon.!!!" Ganting sigaw nya at iniwan na ako saka binalibag ang pinto pasara.

Naguguluhang pinagpatuloy ko na lang ang pagligo. Ni locked ko na rin ang pintuan ng shower mahirap na at baka tupakin ulit ang isang iyon at bigla na lang pumasok ulit dito.

Hay kaasar naman oh. Ano ba kasi ang gusto ng dragon na yon at bakit andito to para manggulo. Kaasar talaga hayst

Naku kunsuming pinagpatuloy ko na ang pag ligo at baka magalit pa lalo ang dragon mahirap na.

Nang matapos na ako maligo ay nag suot na lang ako ng bathrobe at wala naman akong dala na pwedeng pamalit ko saka lumabas na ng shower.

Nakita ko syang naka upo sa aking kama at naka poker face pa rin na naka tingin lang sa akin ngayon.

Bumuntong hininga ito at sinabi na "dalian mong mag bihis dyan at mag uusap tayong dalawa." Malamig pa rin na sabi nito sa akin.

















Ms. Angela MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon