Chapter 7

8.5K 327 5
                                    

Tamara Sid

Kinabukasan

Maaga akong pumasok ng school at ayaw ko ng ma late. May record na kasi ako nang tardiness kay Ma'am Angela. Tsaka di ko mapigilan ang sarili ko na hindi sya makita agad. 

Ewan ko ba dito sa sarili ko at mula nang kagabi na halikan nya ako sa pisngi ay palagi ko na lang sya naiisip. Kagabi nga bago makatulog siya ang huling nasa isip ko at nung magising naman ko kanina sya agad ang naalala ko. 

Di ko nga alam kung anong nangyari at bakit naging ganun? Dapat na ba akong mag patingin sa Doktor para malaman ko kung bakit ganito? Para habang maaga pa ay maagapan na kung may sakit man ako o wala.

Andito na rin si Jasmine at mukha namang masama ang gising nang isang to. Nakasimangot kasi sya pagpasok pa lang nang room. 

"Oh mukhang masama ang gising natin ah may dalaw ka ba? Tanong ko dito

"Hay naku, Kung yung pag gising ko kanina ay maganda. Nag iba lang nung pagpasok ko dito."

"Alam mo ba kanina sa parking lot. Mag papark na nga sana ako ng kotse ko nang bigla na lang singitan ni Ms. Athena ng kotse nya. Eh matagal na akong nag papark doon."


"Tsaka diba may parking space naman na naka allot sa mga personnel at staff ng school. Pero ewan ko ba doon sa Professor nayon at doon nag park."

"Ni hindi man lang nag sorry sa akin nung mapansin niya ako at sinamaan lang ako nang tingin. Maldita talaga. Di bagay sa kanya ang propesyon nya." Nakasimangot pa ring kwento nito. 

"Di mo lang kayang sagutin si Ma'am eh kasi takot ka." Pang aasar ko lalo dito. 

"Dapat kanina pa lang sinabihan mo na sya agad na di naman doon ang parking nila, kundi para sa mga student na gaya mo ang may karapatan doon."

"Baka naman kasi nung nakita mo na siya, agad nang nabahag yang buntot mo at ngayon na di mo sya kaharap saka ka mag ra runt nang ganyan." Natatawang dagdag ko pa dito. Sarap lang kasi nitong asarin. 

"Nag salita naman ang di rin takot sa professor natin."

"Ikaw nga rin dyan takot ka nga rin kay Ma'am Angela eh. Taasan ka lang nang kilay nun dinaig mo pa ang pinukpokang kuhol." ganting pang aasar naman nito sa akin. 

"Ang sabihin na lang natin ay nakakatakot talaga sila." Hahaha sabay na sabi naming dalawa sabay tawa. 

Maya lang ay dumating na si Ma'am Angela. 

"Oy friend andyan na yung crush mo." Nakangising sabi nito sa akin na pataas taas pa ang kilay. Akala mo naman kinaganda niya ang pag ganyan niya ng kilay parang timang. 

Sinimangutan ko lang naman ito at tumingin na kay Ma'am na nakatingin din pala sa akin ng matiim.

Di ko mabasa sa mukha niya kung anong tumatakbo sa isip nito ngayon. 

Maya lang ay umiwas na ito nang tingin at nag discuss na ng kanyang topic. 

Nakatitig lang ako dito habang nagdidiscuss siya. Di ko maiwasang humanga talaga sa kanya. 

Ang ganda nya naman kasi talaga, Lalo na at naka lugay ngayon ang medyo alon alon at mahaba nitong buhok na bagay sa napakaliit nitong mukha. 

Bagay na bagay din dito ang suot ngayon nitong uniform. Sabagay wala pa akong nakita na suot nito nahindi bumagay sa kanya. 

Tsaka bunos na lang halos ang galing pa nitong magturo. Nakakamangha talaga siya. Kaya nga madalas ay nakatulala lang ako sa kanya na madalas din na yon ang nagiging dahilan ng pagkapahiya ko dito. 

Katulad na ngalang ngayon na nakatulala na naman ako sa kanya habang nag le lecture sya. 

Buti na ngalang at palagi akong nag a advance reading kaya kahit paano nasasagot ko naman ang mga tanong nito. 

Pagkalipas nang kulang 2 oras ay nag dismissed na rin si Ma'am Angela. 

Pansin ko lang kay Ma'am ngayon ay parang di ako masyadong tinignan at pinansin nito na di tulad nang dati na walang meeting ata namin sa kanya na di ako tinawag nito para mag recites. Madalas naman kasi na halos wala din naman na nakakasagot sa mga questions nito. 

Hindi naman sa pagmamayabang  pero parang ganun na nga. Hahaha

Kami na lang nila Jasmine at Ma'am Angela ang natira dito sa room. 

Pansin ko lang na medyo marami itong dala ngayon. May mga nagbigay kasi nang mga projects nila kay Ma'am kanina na galing sa ibang section. 

Agad naman akong tumayo at Nilapitan si Ma'am. 

"Ma'am Angela tulungan ko na po kayo dyan sa mga dala nyo." Alok ko dito sabay dampot ko sa mga projects na nasa table nito. 

Umalis na rin kasi si Jasmine at na si cr na raw kasi ito kanina pa. 

Wala naman ng nagawa si Ma'am nang ma realized nya rin ata na di nya talaga kayang bitbitin ang lahat ng mga yon. 

Naglakad na kami palabas ng room, nakasunod lang naman ako sa kanya dito sa likuran. Kaya kitang kita ko tuloy ang sexy back nito na lalo lang na eemphasize sa pag lalakad nya.

Wala talaga akong makita na kapintas pintas sa itsura ni Ma'am. Pwera na lang syempre sa ugali nito na alam nyo naman na. Kasalungat sa pangalan nito na may pagkakahawig naman sa apelyido nito. 

Pero baka malay nyo. Mapalitan na nang apelyido ko ang last name nya diba? 

Di ko namalayan na napangiti na pala ako sa aking naisip na kalokohan. Hindii ko tuloy napansin na andito na pala kami sa may pinto ng room niya sa faculty. 

Nabunggo ko tuloy si Ma'am nang di sinasadya. Muntikan pang nag bagsakan ang mga dala ko sa lakas ng impact nang pagka bunggo ko sa kanya. 

Inis tuloy itong tumingin sa akin. 

"Tanga ka ba talaga ha Montenegro?" Na bwibwisit nitong tanong sa akin. 

"Oh baka kung saan nanaman ikaw dinala nang iyong diwa kaya di mo napansin na nandito na tayo sa faculty?"

"Sa susunod ay wag ka na lang lumapit sa akin ha at pati ako nadadamay sa katangahan mo." Dagdag pang sermon ni Ma'am sa akin 

Yuko ang ulong di na lang ako umimik, para hindi na humaba pa ang usapan. Di rin naman ako mananalo dito eh. 

Agad ko nang binaba sa table nito ang mga dala ko at dali dali ng nagpaalam dito. 

Napahiya talaga ako sa kanya kanina. Tama naman kasi ito na madalas wala ako sa sarili lalo na pag nakikita ko sya. 




Ms. Angela MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon