Tamara Sid
Lumipas na ang mahigit 2 buwan. Sa nakalipas na mga buwan na iyon ay talagang ginawa ko ang lahat ng paraan para lang maiwasan kahit paano si Ma'am Angela.
Natatakot kasi ako sa nararamdaman ko para sa dito. Ayaw kong kunsintihin itong nararamdaman ko kaya habang kaya ko pang supilin ay pipigilan ko.
Pansin ko rin na parang iniiwasan niya na rin ako. Sa klase nga ay saka lang ako tatawagin nito kung wala na talaga siyang mapiga na sagot sa mga classmates ko.
Si Jasmine nga ang favorite nito na tawagin. Pero may mga time na di rin kaya talaga sagutan. Kaya no choice na siya kundi ako ang tawagin.
Hindi na rin naman ako tulad nang dati na nag re recites talaga. Diba nga kasi iniiwasan ko na rin sya.
Kumakain na kami nang lunch dito sa canteen nang may biglang lumapit sa amin na isang magandang babae.
"Hi! Pwede bang maki upo? Wala na kasing bakanteng table eh" pa cute na tanongi nito sa amin ni Jasmine.
Agad ko naman nilibot ang aking paningin at napansin ko nga na wala na ring bakante talaga.
Pwera na lang sa table nang mga Prof na medyo may mga bakante pa. Pero syempre walang magtatangka na maki share ng table sa kanila.
Hello! Yung grupo kaya nila Ma'am Angela yon. Baka gusto mo na habang kumakain ka ay pinapanood ka nila at masama ang tingin sayo. Baka hindi ka pa matunawan pag nagkataon.
"Oo naman walang problema Miss." Pagkasabi ko nun ay umupo naman ito kaagad sa harapan namin ni Jasmine.
Nilabas nito ang baon nyang adobo. Nang makita ko yun ay agad nag ningning ang mga mata namin ni Jasmine. Favorite kasi namin pareho yon.
Masaya na kaming kumakain nila Stacy yung naki share ng table kanina. Binigyan niya rin kami nang baon na ulam kaya tuwang tuwa kami ni Jasmine. Ang sabi pa nga namin kay Stacy na lagi na syang makisabay sa amin tuwing lunch. Syempre para naman maiba din ang lasa ng mga kinakain namin. Lalo pa nga at nag dadala pala ito ng baon nya.
Dahil sa busy kaming kumakain ay hindi ko napansin na may dalawang magagandang mata ang masamang nakatingin sa pwesto namin.
Nakarinig na lang kami bigla nang padabog na pagbagsak ng kutsara sa table ng mga professor.
Nakita ko na masama ang tingin sa amin nila Miss Athena at Miss Angela. Ano na naman kayang problema ng mga ito? Hindi nalang muna sila kumain dyan at umalis na kaagad para naman makahinga ng maluwag mga estudyante dito.
Tumayo na ang dalawang professor at dumiretso sa table namin. Nilapitan ako agad ni Ma'am Angela.
"Pagkatapos mong kumain sumunod ka kaagad sa room ko ha. Huwag mo akong paghintayin nang matagal." May panggigigil na sabi nito sa akin.
"At kung makipaglandian ka ay huwag naman dito sa canteen, nakakasira kayo ng appetite." Sabay irap at lumakad na paalis.
Napakunot noo na lang ako pag kaalis nila Ma'am. Pansin ko rin na medyo namutla naman ang itsura ni Jasmine.
"Ah Stacy una na kami sayo ha, bukas na lang ulit at may sasabihin atang importante sila Ma'am." Sabay na paalam namin dito ni Jasmine.
Sabay na kaming pumunta ni Jasmine sa faculty. Dumiretso na ako sa room ni Ma'am Angela. Agad naman akong kumatok pag tapat ko sa room nito. "pasok!" Dinig kong sabi nya. Mahahalata mo sa boses nito na galit siya.
Pagpasok ko ay agad akong kwenelyuhan at sinandal sa pinto ni Ma'am Angela.
"Ano yung kanina ha Montenegro?" Madilim ang awrang tanong nito sa akin.
"Ano po ang ibig nyong sabihin Ma'am?" Ang nagtataka kong tanong dito na di makatingin sa kanya. Napakalapit kasi nito sa akin kaya naman amoy na amoy ko dito ang kanyang natural scents na humalo sa medyo sweet nitong pabango.
"Huwag ka ng mag maang maangan pa Montenegro. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko. " Inis nitong tugon sa akin
Nag tatakang napatingin na ako dito nang tuluyan. Di ko kasi alam kung ano ba ang ikinagalit niya. Eh kumakain lang naman kami kanina nung bigla na lang sila lumapit sa amin ni Jasmine.
Naiinis pa rin na unti unting lumayo na ito sa akin at umupo na lang sa kanyang upuan.
Kapag daka ay bigla ulit itong nagsalita.
"Sino yung kalandian mo kanina? Girlfriend mo ba yon." Tanong nito sa akin.
"Po!" Ang nagulat kong sabi dito. "Naku hindi po Ma'am. Naki share lang sya nang table kanina kasi nga wala ng bakanteng lamesa." Paliwanag ko dito kahit medyo naguguluhan pa rin.
"Eh bakit iba yung tingin ko kanina? Tapos sarap na sarap ka pa sa niluto niyang ulam, na mukha namang maputla at kinulang sa toyo." Inis pa rin nitong talak sa akin
"Masarap naman po sya ah. Tsaka favorite ko kasi yon Ma'am, Sabi nya nga kanina ay lagi nya na kaming ipag luluto nang ulam ni Jasmine." Bida ko pang sabi kay Ma'am.
Agad namang dumilim ang aura nito at binagsak sa table ang kanyang kamay.
"At pumayag ka naman na ipagluto ka nang malanding iyon?" Sigaw nito sa akin na syang kina piksi ko. Di kasi ako sanay na nasisigawan.
Di ko alam kong bakit galit na galit itong si Ma'am, eh wala naman akong makitang mali o dahilan para magalit ito.
"Bakit po ba kayo nagagalit Ma'am?" Nang di na nakatiis na tanong ko dito.
Agad naman itong natigilan sa tanong ko. "Di ko kailangang mag explain sayo Montenegro." Pa suplada pang sabi nito.
"Mula bukas dito ka na dumiretso sa room ko pag lunch. Nagkakaintindihan ba tayo Montenegro?" Taas kilay pang sabi nya.
"Ha? Eh bat naman po kailangan ko na pumunta dito Ma'am? May mga ipapagawa po ba kayo?" Nag tataka ko pa ring tanong.
"Basta sundin mo na lang ang sinabi ko. Hihintayin kita dito sa room ko tuwing lunch at ayaw ko na nang marami pang tanong."
"Pwede ka nang lumabas ng room ko at marami pa akong gagawin." Ang pagtataboy niya sa akin.
Di parin makapaniwala na lumabas na ako sa kwarto nya.
"And one more thing pa pala Montenegro. Huwag na huwag kong makikita na may kaharutan ka dyan ha. Malilintikan kana talaga sa akin." Pahabol pa nitong bilin sa akin.
Napapantastikuhan na lumabas na lang ako sa office nya.
BINABASA MO ANG
Ms. Angela Mondragon
RomanceTamara Sid Montenegro isang transfer student from States maganda, mabait, matalino at mayaman. Na love at first sight sa una pa lang nilang pagkikita ni Ms. Angela Angela Mondragon isang kilalang terror na Professor, maganda, mayaman, matalino at ma...