AngelaPOV naman tayo ni Ma'am Angela para malaman din natin kung bakit nya nagawa iyon kay baby Tamara.
Flashback
Kaka alis lang ni Love dito sa bahay. Galing kasi kaming Antipolo at nag date kami doon.
Nabigla na nga lang ako kanina nung sinundo nya ako dito sa bahay at sinabi nga na may pupuntahan kami. Di ko naman alam na sa Antipolo pala.
Naka ngiting umakyat na ako ng aking kwarto at balak ko na sanang mag linis ng aking katawan ng maka tanggap ako ng text galing kay Dad.
"Angela sumaglit ka dito sa bahay ngayon, may mahalaga tayong pag uusapan." Ang nabasa kong text ni Dad.
Agad naman na akong bumaba ulit at nag drive na patungong bahay namin.
Medyo kinakabahan naman ako. Madalang kasi na mag text sa akin iyang si dad. Tapos mag papa punta pa sa bahay eh ibang level na ng usapan iyon.
May idea naman ako kung bakit like nya ako kausapin. Pero sana naman eh hindi iyon. Nag iingat kaya kami ni Tamara para wala lang maka alam ng relasyon namin. Kaya nga tanging mga kaibigan ko lang at si kuya ang may alam eh.
Hindi na rin ako nag paalam pa kay Love na sasaglit ako sa bahay. Baka kasi mag alala pa ang isang iyon eh. May pagka praning din kasi minsan yon.
Nang makarating na ako sa mansion namin ay agad akong pinag buksan ng gate at sumaludo na sa akin ang aming guard.
Hindi ko na pinasok pa sa garage namin ang car ko at saglit lang naman ako dito eh.
Agad naman akong sinabihan ng kasambahay namin ng makitang pumasok na ako ng bahay.
"Asa Library po si Sir, Ma'am Angela, Kanina pa po kayo hinihintay. Sabi sa akin ng aming kasambahay.
Agad naman akong pumunta sa library at kumatok muna bago pumasok. Kahit paano eh takot pa rin naman ako kay Dad.
Nakita ko sya na seryoso lang na nakatingin sa akin habang umiinom ng alak.
"Umupo ka Angela at may mahalaga tayong pag uusapan." Sabi ni Dad sa akin. Na agad ko namang sinunod.
"Kumusta naman ang iyong pag tuturo? Masaya ka naman ba doon?" Tanong sa akin ni dad
"Masaya naman po ako Dad. Alam nyo naman na dream ko po talaga ang mag turo kahit noon pang bata ako." Seryosong sabi ko naman dito.
"Ano nga po pala ang pag uusapan natin at bakit wala dito si Mom at tayong dalawa lang po" puna ko naman na sabi dito.
Bumuntong hininga ito at may kinuha sa kanyang drawer na envelope at inabot ito sa akin
Nag tataka naman na kinuha ko ito sa kanya. "Buksan mo at tignan mo kung ano ang laman nyan." Seryosong utos nya sa akin
Kinakabahang binuksan ko naman ang envelope at bigla na lang akong namutla sa aking nakitang mga nasa larawan.
"Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa iyo Angela. Pinagbigyan kita dyan sa gusto mo kasi nga yan ang gusto mo, pero ang makipag relasyon ka pa sa estudyante mo ay di ko na kaya pang eh tolerate yan. Ok na rin sana eh pero ang malala pa eh bakit sa babae pa!!??" Galit na galit na sabi nito sa akin.
"Tomboy ka ba ha!?? Di ko alam kung saan na napunta yang utak mong bata ka. Matanda ka na para mag ga ganyan pa. Gusto mo bang mailagay pa sa kahihiyan ang pamilyang ito ha!!???"
"Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa iyo habang wala pang nakakaalam dyan sa lintik na kagaguhang ginawa mo eh hiwalayan mo na ang batang iyan. Huwag mong hayaan na ako pa ang gumawa ng paraan para magka hiwalay kayo." Banta nito sa akin.
"Dad mahal ko po si Tamara di ko kakayanin kung pag hiwalayin nyo kami. Iba na lang po ang hilingin nyo huwag lang iyon. Nag iingat naman kami na walang maka alam nito eh" sabi ko dito habang umiiyak.
"Buo na ang pasya ko. Kusa kang hihiwalay sa kanya oh ako ang gagawa ng paraan upang mag hiwalay kayo? Huwag mo akong subukan Angela, sinasabi ko sa iyo." Madiing sabi sa akin ni Dad sabay tungga ng iniinom nitong alak.
"Di ko alam kung bakit naging ganyan ka Angela. Matalino ka naman eh. Eh bakit alam mo na nga na bawal yang relasyon nyo na yan eh sumigi ka pa rin. Kung di pa ako nag hired para pa bantayan ka eh di ko pa malalaman na may ka imoralan ka na pa lang ginagawa. You disappointed me." Dismayadong sabi sa akin ni Dad sabay iling pa ng ulo nito sa sobrang disappointment.
Lalo naman akong napa iyak sa tinuran ni Dad sa akin. Sobra ko syang nabigo. Pero anong magagawa ko. Mahal na mahal ko si Tamara hindi ko kayang malayo dito. Isipin ko pa lang na wala na kami ay sobrang sakit na sa akin. How much more pa kaya kung totoo na ito.
"Dad please hilingin mo na lang ang iba huwag mo lang kami pag layuin. Please Dad nakikiusap ako sa iyo." Pag mamaka awa ko pa dito. Sabay lapit at luhod sa kanyang harapan.
"Tumayo ka dyan Angela. Di mo na mapa pag bago pa ang aking isip. Ang mali ay mali. Kahit saan mo tignan sobrang mali talaga yang ginagawa nyo." Final na sabi nito sabay tayo na at iniwan na ako nitong mag isa sa library at patuloy pa rin na umiyak.
Panay lang ang iyak ko. Mugto na nga ang mga mata ko sa pag iyak eh. Buti na lang at wala kaming usapan ni Tamara na mag kikita bukas at may pupuntahan daw kasi sila ng Mom nya eh.
Di ko na alam pa ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Angela Mondragon
RomantizmTamara Sid Montenegro isang transfer student from States maganda, mabait, matalino at mayaman. Na love at first sight sa una pa lang nilang pagkikita ni Ms. Angela Angela Mondragon isang kilalang terror na Professor, maganda, mayaman, matalino at ma...