Chapter 5

9K 365 21
                                    

Angela


Mga bandang 7pm na ng dumating si Montenegro. Sakto lang din at patapos na ako sa niluluto ko.

Nag luto kasi ako ng limang putahi para may pag pilian sya, Kung di nya man bet yung ibang niluto ko. Kaya medyo natagalan din ako sa pag luluto eh.

"Magandang gabi po Ma'am Angela." Naka ngiting bati nito sa akin sabay abot ng dala niyang bouquet ng bulaklak.

Agad ko naman itong kinuha mula dito saka sya pinaupo  saglit sa couch dito sa living room at umakyat muna ako sa kwarto ko para magpalit ng suot.

Medyo nahihiya din naman ako kahit papano. Amoy ulam na kasi ako eh.

Nagbabasa siya ng magazine ng maabutan ko ito sa baba.

"Ms. Montenegro", tawag pansin ko dito.

Saglit lang ha at maghahain na ako, para makakain na rin tayo habang mainit pa ang mga niluto ko. Hindi na kasi masarap pag medyo lumamig na.  Paalam ko ulit dito.

Agad naman itong tumayo at sinabi "tulungan na po kita Ma'am." Na agad ko namang tinanggihan. "Umupo ka lang dyan Montenegro. Bisita kita kaya huwag na makulit ok." Sabay taas dito ng kilay.

Bigla naman itong umupo, mukhang natakot ko pa ata sa akin.

Hindi ko maiwasang humanga sa ganda nito magdala ng damit. Tulad na lang ngayon naka pants lang naman ito at white shirt pero bagay pa rin dito ang suot nya.

Kahit naman ata mukhang basahan na ang ipasuot dito ay magmumukhang mamahalin pa rin basta ito ang nag suot.

Dinaig pa nga nito ang ibang mga models na nakikita ko. Nang makapag hain na tinawag ko na ito mula sa may sala.

"Montenegro halika na. Kain na Tayo," pag aaya  ko dito.

Nakangiti naman itong tumayo agad at sumunod na sa akin.

Nang makarating sa dining table, nakita kong namamangha itong nakatingin sa mga niluto ko.

"Niluto mo lahat ito Ma'am?" Ang namamangha pa ring tanong nito sa akin.

"Oo, bakit? May iba ka pa bang nakitang tao dito na pwedeng magluto ng mga yan."  Pambabara kong sagot dito. Duh nakita na ngang kaming dalawa lang dito tapos kung makapag tanong parang tanga lang.

"Sabi ko nga po ikaw lahat nagluto nito. Pero ang dami naman po nito Ma'am. Pano po natin mauubos ang lahat ng yan?" Di parin makapaniwala na tanong nito sa akin.

"Aba di ko na problema yon. Ikaw na ang may problema nyan kung paano mo mauubos lahat yan." Sagot ko dito. Lihim naman akong napangiti ng mapansin kong tinignan ako nito ng di makapaniwala.

Tahimik lang kami na kumakain nang biglang magtanong ito sa akin.

"Ma'am kayo lang po ba mag isang nakatira dito? Asan po ang parents nyo?" Feeling close na tanong nito sa akin.

"Di ko obligasyon na sagutin ang mga tanong mo Montenegro, masyado siyang personal."

"Di naman porke at tinulungan mo ako ay pwede mo na ring paghimasukan pa ang aking personal na buhay." Pabalang na sagot ko dito.

Alam kong maldita talaga ako at hindi ko itatanggi pa iyon . At ang pinakaayaw ko ay ang  pinanghihimasukan  ang aking personal na buhay. Tanging malalapit na kaibigan ko lang ang pinag kwekwentuhan ko ng buhay ko. 

Pinaka ayaw ko pa naman na tinatanong ako ng mga bagay na ganyan. Kaya pasensya siya at naka tikim na naman sya ng kamalditahan ko.

"Sorry po Ma'am." Sabi nito at yumuko na lang. Mukhang napahiya ata sa pambabara ko sa kanya. Pinag patuloy naman na nito ang pagkain nya. Pero napansin ko na medyo di na sya ganun kagana katulad kanina.

Maya ay naubos na rin nito ang pagkain nya sa plato nito. At di na umulit ulit na kumuha. Ramdam ko rin na hindi na rin ito nag balak na kausapin pa ako. Hindi na rin sya ganun kasaya na katulad kaninang pag dating nito.

Mukhang nasobrahan ko ata na binara siya kanina. Halata na kasi sa kilos nito na ayaw na akong kausapin pa.

Nang mapansin nya na ubos na rin yung nasa plato ko na pagkain ay agad na itong nag sabi na aalis na siya.

Nagdahilan pa ito na may biglaan na pupuntahan.

"Ma'am Angela di na rin po ako magtatagal at may iba pa po kasi akong pupuntahan eh."

"Maraming salamat po sa masarap na pagkain."  Sabay tayo na nito sa hapagkainan.

Halatang halata dito na gustong gusto na talagang umalis.

Tumayo naman na ako agad nang mapansin ko na paalis na talaga sya.

Agad ko syang hinila sa kanyang braso upang mapigilan ko sya sa pag alis.

Bigla na lang ako nakaramdam ng parang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan. Tapos sinabayan pa ng pagbilis ng tibok nang puso ko.

Ramdam ko rin na parang nabigla rin si Montenegro sa aking ginawang paghawak dito.

Agad ko namanginalis ang pagkakahawak ko sa kanya.

Ano ba tong nangyayari sa akin at nakakaramdam ako nang ganito ngayon?

"Maya ka na umalis, sorry nga pala sa nasabi ko kanina. Ayaw ko lang naman kasi na pinag uusapan ang personal kong buhay eh. Sana maintindihan mo yun." Paghingi ko ng depensa dito

Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Dahil madalang pa sa patak nang ulan akong humingi ng sorry sa isang tao.

Pero dito kay Montenegro ay parang napakadali lang na sabihin ko ito dito.
Feeling ko kasi na ayaw kong makita siyang malungkot.

"Pasensya na rin po Ma'am sa inasal ko kanina. Di lang po kasi ako sanay na sinasabihan ng ganun."

"Hayaan nyo po Ma'am sa susunod di na po mauulit."

"Mauna na rin po ako Ma'am at late na rin kasi tsaka may sasaglitan pa po kasi ako. Nag text po kasi si Mommy na may pinabibili pa po kasi siya sa akin."

"O sya sige na at mukhang di ka naman na mapipigilan pa." Nasabi ko na lang dito

Hinatid ko siya hanggang sa may gate ng bahay.

Patalikod na sana sya nang bigla ko syang hinalikan sa kanyang pisngi sabay sabing ingat ka. At biglang sara ng gate at pasok sa loob ng bahay nang walang lingon lingon.

Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Di ko alam kung bakit ko ginawa yon. Basta bigla na lang gumalaw ang aking katawan.

Iniisip ko pa ngayon kung paano ko siya haharapin bukas.






Ms. Angela MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon