Tamara Sid
Nag lalakad na kami ni Jasmine para pumunta ng canteen at mag Lunch ng makasalubong namin ang mga nag gagandahang professor na pinapangunahan syempre ni Ms. Angela Mondragon.
Bagay na bagay sa kanya ang pangalan nya. May mala anghel na mukha at mala dragon na ugali. Bigla akong natawa sa aking naisip.
Hindi ko napansin na nakatingin na pala sila sa akin at naka kunot ang kanilang mga noo mukhang hindi lang si Ms. Angela ang may mala dragon na ugali ah.
"Ano ang nakakatawa Ms. Montenegro?" Masama ang tingin tanong ni Ms. Angela sa akin.
"Ah eh wala po Ma'am. May bigla lang po kasi akong naalala habang nag kwekwentuhan po kami ni Jasmine." nauutal kong sagot dito at pinagpapawisan na rin ang aking mga kamay.
"Siguraduhin mo lang na hindi kami ang iyong pinag tatawanan. Hindi mo gugustuhin na magalit kami sayo." Pagbabanta nito sabay lakad na nila at nag irap pa talaga sila sa akin.
May napansin lang ako na sobrang sama din ng tingin nung isang Prof kay Jasmine.
"Friend bakit parang galit sayo yung isang Professor? Sama makatingin sayo eh. Tingin ko nga gusto kang bugahan ng apoy nun." Natatawang sabi ko dito
"Ganun talaga yon si Ms. Athena. Malaki ang galit sa akin non eh. Mula nung first year college hanggang ngayon." Sagot naman nito sa akin.
"Ano ba kasi ginawa mo at galit na galit sayo." Nahihiwagaan ko namang tanong dito.
"Di ko naman sinasadya na mahalikan sya nun. Yung crush ko talaga na si Raymond sana ang balak kong hahalikan ko nun eh. Pero bigla na lang siya sumulpot noong hinila ko si Raymond para halikan. Hindi ko naman alam na sya pala yung nahila ko. Kasi nakapikit ako nun nang hinalikan ko sya. Eh malay ko ba na sya yung nahila ko. Ayon nakatikim tuloy ako sa kanya nang mag asawang sampal at may kabit pang tulak sa akin. Hindi pa nakuntento at pinag mumura pa ako nang di makain ng aso. Akala mo naman hindi professor kong kumilos at magsalita eh. Sobrang hiya ko kaya noon. Muntikan pa nga sana akong mag drop na. Kung di lang ako nahiya sa parents ko baka nag pa transfer na rin ako nun sa ibang school."
"Mula noon tuwing magkikita at makakasalubong ko sya. Laging ganun na ang tingin nya. May kasama pang pandidiri ha. Hinayaan ko na lang naman. Total kasalanan ko rin kasi eh." Mahabang pag kwento nit sa akin.
"Grabe naman pala ang nangyari sayo noh? Tama lang yan friend huwag mo na lang pansinin. Mananawa din naman yun. Kulang 2 taon na lang naman ang iyong ipag titiis eh. Buti nga di mo nagiging teacher. Dahil kung hindi malamang na pag initan ka nun sa klase ."
"Noong mga nakaraang semester di ko sya naging teacher pero ngayon Sid siya ang next nating Professor kaya good luck na lang sa akin talaga." Ang na pa pa iling niyang kuwento sa akin.
Nang makarating sa canteen ay agad na kaming pumila at nag order na ng foods. Medyo gutom na rin kasi ako ngayon eh.
Nang makuha na namin ang foods eh agad na kaming nag hanap ng mauupuan.
May nakita kaming bakanteng mesa yun nga lang katabi lang sya nang mga dyosang guro na kumakain na rin. Wala nang choice at agad na kaming naupo ni Jasmine.
Habang kumakain kami di ko maiwasang tumingin sa kabilang mesa. Napaka tahimik lang nilang kumain. Kaya ang tahimik din tuloy dito sa canteen at mukhang takot makagawa ng ingay ang mga estudyante.
Nang tumingin ulit ako sa kanila ay nahuli ako ni Ms. Angela na nakatingin sa kanya.
Bigla nya na lang akong tinaasan ng kilay.Agad akong siniko ni Jasmine. "Sid wag mo na lang sila pansinin at baka mamaya ay sitahin pa tayo ng mga yan. Mahirap pa naman sila kausap at napaka tataray." Paninita sa akin ni Jasmine
Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Agad na kami pumunta sa classroom after namin kumain. Baka kasi yong sa unahang upuan na lang ang maging bakanti eh. Buti sana kung hindi rin isang dragon ang teacher na yon.
Madami dami na rin student ng maka pasok kami ni Jasmine. Mukhang mga takot din at halos occupied na lahat ang upuan sa likod.
Buti na lang at may mga bakanti pa sa gitna at lalong lalo na sa unahan. Well good luck na lang talaga ang naka pwesto doon.
Halos mapuno na ang classroom ng dumating si Ms. Saint Claire.
Agad nag salubong ang kilay nito at dumilim ang aura ng mapansin nito ang aking katabi.
Nanginginig naman na humawak sa aking braso si Jasmine. Grabe nakakatakot nga pala talaga siya.
"Anong ginagawa mo ditong manyak ka sa aking subject ha?" Ang sigaw nitong sabi sa aking katabi.
"Ah eh ahm m- Ms. Naka enrolled po kasi ako sa subject na to." Ang nauutal at naka yukong sabi naman ni Jasmine.
"Haist! Ano pa nga ba magagawa ko. Sige umupo ka na. Pero sinisigurado ko sayo na pagsisisihan mo kung bakit nag enroll ka pa sa subject ko." Ang nakangising sabi nito.
Naka hinga kami nang maluwag ng mag dismissed na si Ma'am.
Yung katabi ko ayon at parang ngayon pa lang huminga. Putlang putla eh.
Vacant namin ngayon at nakatambay lang sa may bleachers. Tamang tanaw tanaw lang ng mga magagandang tanawin.
May isa pa kasi kaming subject bago mag uwian.
Mag quarter to five na nang mag palabas ang aming guro. Mukhang may lakad ata at nagmamadaling umalis eh.
"Sige Sid una na ako sayo uwe ah. Kita kits na lang ulit bukas.Oo nga pala kunin ko na cellphone number mo. Tapos add mo na rin ako sa Facebook at Instagram mo ah.
Nang maibigay ko na ang number ko ay agad na akong sumakay sa kotse ko nang makauwi na.
Bigla ko kasi na miss ang kama ko. Sobrang miss na siya ng likod ko.
Nandito na ako nakahiga sa kama ko. Tamang taas lang ng paa sa pader tas scroll lang sa Facebook at Instagram. In add ko na rin pala si Jasmine, baka kasi magtampo pa ang isang yun eh.
Naisipan ko na eh stalk sa IG si Ms. Angela. Kanina pa ako nag hahanap di ko talaga sya makita. Baka wala siguro siyang IG account. Nag try na lang ako sa Facebook baka sakali ito ay mayroon naman sya.
Nakita ko naman agad yung account nya. Grabi naka private talaga.
Di sinasadya at napindot ko yung add friends. Bigla na lang ako nag logout at di ko na kinansel yung friend request ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Angela Mondragon
RomanceTamara Sid Montenegro isang transfer student from States maganda, mabait, matalino at mayaman. Na love at first sight sa una pa lang nilang pagkikita ni Ms. Angela Angela Mondragon isang kilalang terror na Professor, maganda, mayaman, matalino at ma...