Angela
Kunting kunti na lang at mag tatama na ang aming labi nang biglang tumunog ang aking cellphone.
Agad kaming nag hiwalay at
namumula pareho ang aming mga pisngi.Kinuha ko naman ang cellphone ko at na bwe bwesit na tinignan kung sino itong isturbo na ito. Siguruhin nya lang na importante ang sasabihin nito pag ganitong nabitin ako.
Nakita ko na si kuya Lance ang tumatawag.
"Hello kuya, anong kailangan mo?" Ang naaasar na tanung ko dito at lumayo saglit sa kitchen at pumunta nang salas
"Wow mukhang mainit ang ulo nang prinsesa namin ah" Sabi nito
"Isturbo ka kasi, kunting kunti na lang kasi eh." Ang medyo inis kong sabi sa kanya.
"Oh eh anu ba kasing ginagawa mo at bakit nasabi mo na isturbo ako. ?"
"Wala,! Maya ka na nga lang tumawag at busy pa ako ngayon. Ako na lang ang tatawag sa iyo maya. Alam ko naman na about sa mga babae mo lang yang sasabihin mo." Sabay baba nang phone at di na hinintay pang maka sagot si kuya.
Sanay naman na sa akin yun, Lalo na sa ugali ko. Sabi pa nga nya sa akin eh. Malas daw ang magiging asawa ko, dahil nga raw masama ang ugali ko.
Sabi ko naman dito. Eh asa kanya na yon kung di nya mamahalin ang lahat sa akin eh mabuti pang tumanda mag isa. Kaysa naman mag aasawa ako na pilit babaguhin kung ano ako.
Tama naman diba. Dapat mahalin tayo nang buo. Hindi yung babaguhin ka nya kasi ayaw nya sa ugali mo.
Patapus na rin si Montenegro ng mabalikan ko sya sa kusina.
Tinuloy nya na kasi yung iniwan ko kanina na babanlawan.
Di ito sa akin ngayon maka tingin nang diritso nang akin itong tignan. Medyo namumula pa rin ang mukha nito.
"Pag tapos mo dyan eh pumunta kana dito sa Salas ha at mag uusap na tayo."
"Sige po Ma'am, mag huhugas lang po ako saglit nang kamay"
Andito na ako sa Salas at hinihintay ko na lang si Montenegro. Binuksan ko na rin yung tv at nanood nang the penthouse.
Maya lang eh lumabas na rin si Montenegro. "Maupo ka dito sa tabi ko at nang mag ka rinigan tayo."
"Nakausap ko kanina si Dean at pumayag sya na gagawin kitang Student Assistant ko simula sa Monday."
"Kaya lahat nang free time mo eh dapat mag rereport ka sa akin. Hihingi na rin ako bukas nang schedule mo sa regestrar para alam ko kung kailan ang mga free time mo." Tuloy tuloy kong sabi sa kanya na tahimik lang naman.
"Eh Ma'am wala naman po kayong na banggit sa akin na mag eh SA ako. Ang alam ko po na nag eh SA ay yung mga scholar at mga students na gusto nang extra income."
" Kaya nga sinasabi ko na sa iyo ngaun para alam mo. May sahud naman akong ibibigay sayo ah. Bakit ayaw mo ba?" Sabay tingin ko dito nang masama.
"Ikaw ang gusto kong kunin eh. May reklamo kaba?" Kung may reklamo ka eh si Dean na lang ang kausapin mo." Pataray ko pang sabi dito sabay irap. Ewan ko lang kung mag reklamo pa talaga ito.
"Hindi naman sa ganun Ma'am. Medyo na bigla lang po ako."
"Good, mabuti at nag kakaintindihan tayo. Ayaw ko pa naman eh yung paulit ulit na paliwanag. Mabuti naman at madali ka lang pa lang kausap."
"Sa lunch break pala eh ako na ang bahala sa lunch natin at mag dadala na lang ako nang pagkain natin para di na tayo pupunta pa nang canteen." Maya andoon nanaman ang hitad na yon at mag mapuri na masarap daw kuno ang luto nya. Ang bulong ko na lang na nasabi
"P-pwede po ba Ma'am na di na lang po ako sasabay sa inyo na mag lunch. Nakakahiya po kasi eh. Tsaka inaalala ko po kasi na walang kasama si Jasmine." Pakiusap nito sa akin na syempre di ko papayagan. Anu sya sinuswerte, kaya nga kinuha ko syang SA ko para di sya nawawala sa paningin ko. Tapus ngayon mag sasabi sya ng ganito sa akin. Masaya sya kung papayagan ko....
"Hindi pwede," ang masungit na sabi ko dito. Tsaka nabanggit din sa akin ni Ma'am Athena nyo na kukunin nya rin daw si Cordova na SA nya. Kaya wag ka nang marami pang dahilan Montenegro. Nag kakaintindihan na ba tayo?"
"Huwag mo nang dagdagan ang init nang ulo ko," pag babanta ko pa dito.
"Baka pag ako napikon sa iyo eh maka tikim ka na nang sampal sa akin."
Bigla naman itong nanahimik na lang at parang maamong tupa na naka tingin lang sa akin. Halata ditona natakot nga sya. Gusto ko sanang ngumiti at success ang naisip kong plano.
Kaya lang baka mag duda, at bigla na lang mag back out.
"At isa pa nga pala. Pag tayo na lang dalawa eh Angela na lang ang itawag mo sa akin. Feeling ko kasi eh ang tanda ko na pag tinatawag mo akong Ms. Mondragon o Ma'am Angela."
"Pero pag may mga kasama tayo eh natural Ma'am o Ms. ang itatawag mo sa akin ha."
"And again, ayaw ko ng paulit ulit na paliwanag. Nag kakaintindihan ba tayo?"
"Eh hindi po ba at nakakahiya naman sa part ko na di po kayo tawagin na Ma'am at Ms. Professor ko po kasi kayo eh." Tuloy tuloy nitong sabi
Bigla kong binagsak ang aking kamay sa may table na lumikha dito ng malakas na tunog na syang ikinagulat nito.
"Anu na ngang sinabi ko kanina ha Montenegro?!!!" Ang pasigaw kong sabi dito at nag didilim ang aura na tinitigan sya nang masama.
"Sabi ko nga po eh Angela ang itatawag ko sa inyo pag tayo lang dalawa." Ang nahihintakutan pa rin na sabi nito.
Agad naman itong lumapit sa akin at hinaplos haplos ang likod ko na para bang pinapakalma ako.
Nanigas naman bigla ako sa kanyang ginawa.
Dahan dahan na nag angat ako nang aking ulo at muling nag tama ang aming mga mata.
Maya lang eh tinitigan ko naman ang mapupula nitong mga labi. Sa di ko na rin mapigilan pa ang aking sarili eh kusang gumalaw ang aming mga katawan para mas lumapit pa sa isat isa.
Nag kakaamuyan na kami nang mga hininga. Kunting kunti na lang eh mag lalapat na ang aming mga labi. Kunting isud pa......
BINABASA MO ANG
Ms. Angela Mondragon
RomanceTamara Sid Montenegro isang transfer student from States maganda, mabait, matalino at mayaman. Na love at first sight sa una pa lang nilang pagkikita ni Ms. Angela Angela Mondragon isang kilalang terror na Professor, maganda, mayaman, matalino at ma...