Chapter 44

9K 301 64
                                    

Tamara


Pagkapasok namin ni love sa kanilang living room ay agad kong nakita ang parents nito na matamang naka tingin na sa amin. Lalong lalo na sa akin.

Kita ko ang mariin nitong pag tingin sa akin ng Dad nito mula ulo hanggang paa na para bang isa akong object na ini examine maigi  sa isang microscope.

Di ko naman maiwasang mapa lunok at mas lalong humigpit ang kapit ko kay love.

"Oh andyan na pala kayo Angela, halina kayo at maupo muna dito at di pa tapos mag luto ang ating cook." Sabi sa amin ng Mommy nito.

"Mom,Dad si Tamara po girlfriend ko. Love, sila Mom and Dad nga pala." Pag papakilala sa amin ni love sa isat-isa.

Di ko naman malaman kong kakamayan ko ba sila, yayakapin ko oh mag be beso na lang kami.

Inabot ko na lang ang aking kamay sa kanila. "Magandang gabi po, Ma'am at Sir." Magalang na sabi ko sa kanila at balak na sanang makipagkamay.

"Anong Ma'am at Sir ka dyan Tamara. Tawagin mo na rin kaming Mommy at Daddy dahil hindi ka na iba sa amin. Halika nga ditong bata ka." Naka ngiting sabi sa akin ng Mom ni love sabay yakap sa akin ng mahigpit.

Ganon din naman ang ginawa ng Daddy nya. Niyakap din ako at naka ngiti na rin ito sa akin.

Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib at naka hinga ng maluwag dahil dito.

"Kamukhang kamukha mo nga naman talaga ang Dad mo iha. Alam mo bang parang babaeng version ka ng iyong ama? Kung makikita mo lang mga picture nya noong kabataan pa namin eh maniniwala ka talaga sa sinasabi ko." Pag kwe kwento pa ni Dad sa akin.

"Talaga po Sir? Kamukha ko po si Dad? I thought si Mom po ang kamukha ko, kasi iyon po ang palaging sinasabi ni Mom sa akin." Pag kwento ko naman dito.

"Huwag mo na akong tawaging Sir, Daddy na rin lang at magiging anak ka na rin naman namin pag kinasal na kayo nitong dalaga namin." Ngiting bilin nito sa akin.

"Tsaka wag ka maniwala dyan sa Mom mo di lang talaga matanggap non na wala kang namana sa kanya." Dugtong pang kwento nito

Di ko naman maiwasang mapangiti na lang. Hay buti naman at tanggap na ako ng parents ni love. Wala nang hadlang pa sa relationship namin. Need ko na lang talaga maka graduate para maging totally legal na kami ni love.

Total isang taon na lang naman at ga graduate na ako. Pwede ko ng yayain na magpakasal sya non di naman na siguro sya tatanggi pa. Wala naman ng dahilan pa eh.

"Late na ba ako!?" Dinig kong sigaw ng isang matipunong lalaki na bigla na lang pumasok dito sa kanilang bahay.

"Kuya Lance, buti at naka abot ka pa? Kahit kailan talaga eh late ka palagi." Sabi dito ni love saka ako hinila na nito palapit sa kanyang kuya.

"Sa wakas makikilala ko na rin ang kaisa isang taong iniyakan ng kapatid ko." Ngisi nitong sabi kay love saka ako binalingan ng tingin.

"Lance nga pala bro," sabi nito sa akin saka ako kinamayan at balak pa sanang yakapin ng bigla na lang itong pigilan ni love.

"Ops hanggang kamay lang kayo pwede. Sa akin yan kuya, kaya off limits na yan." Taas kilay nitong sabi sa kuya nya.

"Sis naman di ko aagawin ang love mo. Para yakap lang eh. Napaka possessive mo talaga kahit kailan. Maya nyan kaka ganyan mo eh hiwalayan ka nyan bigla ni Tamara sige ka." Pananakot naman nito kay love.

"Subukan lang naman nyan ni Tamara at tatamaan talaga sa akin yan. Kaya nga gumawa na ako ng paraan para di na maka wala pa sa akin ito eh." Pag bibida naman ni love sa kuya nya.

"Kay Angela lang naman ako eh. Mahal na mahal ko kaya itong dragonang dyosa na ito." Ngiti kong sabi sa kuya nya.

Namalayan ko na lang na sumakit ang aking tagiliran dahil kinurot na pala ako ni love ng di ko namamalayan.

"Oh sya tara na dinning room at naka pag hain na raw sila manang." Biglang singit sa kwentuhan namin na sabi ni Mom.

Hinila naman na ako ni love pa pasok sa kanilang dinning room. Magaan na ang loob ko at feeling at home na nag lakad na kami.

Madami dami rin ang naka haing putahe na halos ay mga favorite ko. Kumain na rin kami habang nag kwekwentuhan.

Di ko naman mapigilan na tignan si love at ngitian ito. Sobrang saya ko lang talaga ngayong araw na ito. Kasi alam ko na talagang tanggap na nila kami.

Pauwe na kami ngayon ni love sa kanyang bahay. Ihahatid ko muna sya bago naman ako umuwe.

Tahimik lang kami habang nakikinig ng music sa aking stereo.

Nang makarating sa kanyang bahay ay agad akong bumaba upang ipag bukas ito ng pinto ng kotse.

"Thanks love," sabi sa akin ni love.

"Masaya ako ngayon love at ok na tayo sa parents mo at parents ko." Sabi ko dito habang hinahatid sya hanggang sa pinto ng kanyang bahay.

"Love, una na po ako. Goodnight po, i love you." Sabi ko dito sabay halik ng mabilis sa kanyang labi.

"Mahal na mahal din kita love. Ingat sa pag drive ha. Text mo ako agad pag naka uwe ka na ha. Good night."

"Sige po love. Pasok ka na muna bago ako umalis." Sabi ko dito habang nakangiti sa kanya.

Tumango naman ito at ng masiguro ko na ok na sya ay saka pa lang ako sumakay ng kotse ko at umalis na.

Ms. Angela MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon