Chapter 11

8.4K 320 21
                                    

Tamara Sid


Dumiretso na ako dito sa classroom nang sabihin ni Ma'am Athena na sya na lang daw bahala kay Jasmine. Mahirap na baka sa akin naman ibunton nun ang kanyang galit at masampulan ako ng sampal nito.



Balita ko kasi kay Jasmine favorite daw nito ni Ma'am Athena ay ang manampal sabagay nakailan na bang sample ito kay Jasmine diba?



Buti nga at di pa ako nasasampulan ni may labs ng kanyang mag asawang sampal eh. Pero ok lang sa akin na sampalin nya ako, Basta ba ang kapalit non eh maging asawa ko muna sya. Hehehe



Tignan lang natin kung makapag sungit pa iyon pag natikman nya na ako.



Nang makarating ako sa classroom ay may natanggap ako na message galing kay Jasmine.



"Walang hiya ka Tamara, bakit mo ako pinabayaan na lang dito sa anak ni satanas. Paano ako gagaling nito eh hanggang ngayon ang sama pa rin nang tingin sa akin. Feeling ko gusto ako nitong ilibing ng buhay. Pag di mo na ako nakita pa alam mo na kung sino ang ituturo mo ha." Ang basa kong text nya sa akin.



Di ko na sya replyan pa at baka humaba pa ang usapan namin.



Maya pa ay naka tanggap ulit ako nang text. Kala ko ay galing kay Jasmine ulit. Pero new number sya.



Tinignan ko naman kung sino ba itong nag text sa akin.



"Montenegro sa bahay ka maya mag dinner ha. May pag uusapan tayo.
Angela"



Ang nabasa kong sabi sa text. Agad nanlaki ang mata ko nang napag tanto ko kung sino ang nag text. Si Ma'am Angela pala.



Anu naman kaya pag uusapan namin mamaya? Ang kinakabahang sabi ko sa aking isip.



Di ko na rin ni replayan si Ma'am at sakto kasi na dumating na si Sir.



Nag discussed si Sir about sa world history. Isa ito sa medyo na boboringan ko na subject. Sa isip ko kasi bakit kailangan pa na balik balikan natin ang mga nakaraang nangyari na. Kaya di tayo maka move forward dahil ang hilig nating balikan ang mga ito. At kailangan pa talagang pag aralan sya ha.



Parang sa Rizal lang na subject. Mula elementary hanggang high school eh pinag aaralan na sya. Pati ba naman sa college eh may subject pang Rizal? Na need nyo pag pag aralan ang sinulat nito na noli at el fili na nakakasawa na rin.



Oo tumatanaw tayo sa kanila nang utang na loob kasi isa sila sa mga bayani.



Nang manawa na si Sir mag discuss dahil halata naman na wala masyadong nakikinig sa kanya eh nag pa short quiz na lang ito.



Tibay din ni Sir at may gana pa talagang mag pa quiz. Halata naman na babagsak lahat kasi wala nga nakikinig at mga naka talungko na lang iyong iba sa antok.



Buti na lang kahit paanomay alam ako sa topic nya kanina. Tsaka medyo nakinig din naman ako kahit paano. Wag nga lang na may mga numbers ang sagot ngayon at malamang kasama tayo sa makakakuha ng mababang score.




Nang matapos magpa quiz ni Sir ay nag dismissed na rin ito agad. At may balak pa talaga na mag o oral recitation kami sa next meeting sa kanya. Kapal din ng mukha eh. Di na nga kagalingan mag turo may pa oral oral recitation pang nalalaman ang kalbong to. Sarap sabunutan ng hinayupak.



Nang makalabas na si Sir kalbo ay agad na rin akong pumunta sa last subject ko ngayong araw.



Habang nag lalakad eh nag reply na ako kay Jasmine.



"Hoy bruha! Buhay ka pa ba? Ang text ko dito na may kasamang pang aasar.



Maya lang ay nag reply na ito. "Heto buhay pa naman kahit paano."



"Pero di ko lang alam mamaya. Andito kasi ako ngayon sa kotse nya at ihahatid nya na lang raw ako sa bahay. Pagka check up kasi sa akin kanina nang nurse eh nag presenta si Ma'am Athena na ihatid nya na lang raw ako."



"Ah mabait naman pala si Ma'am Athena eh. Tamo at ihahatid ka pa talaga sa inyo.. " nangingiting reply ko dito.



"Enjoy mo na lang na kasama mo ngayon at pinag drive ka pa talaga nang my labs mo" pang asar ko pang text ulit.



"Tigilan mo ako Tamara at masama na ulit ang tingin sa akin ng anak ni satanas. Maya na lang ulit kita reply an ha."



Mabilis lang na natapos ang last subject ko nag palabas na agad si madam, mukhang may lakad ata eh. Masyadong nag mamadali.



Pauwe na ako sa bahay nang may nadaanan akong flower shop.



Agad kong tinigil sa gilid ang aking car at bumaba. Balak ko kasing bumili nang bulaklak ngayon. Para may bitbit man lang ako na maibigay kay Ma'am Angela. Nakakahiya naman kasi na pinag luto nya ulit ako nang dinner tas wala man lang akong dala para sa kanya.



Napili kong bilhin ay ang tulips, Sana magustuhan nya ito sa isip isip ko.



Nang makauwe ng bahay eh tinabi ko lang pansamantala yung flowers at nahiga na sa kama.



Mag papahinga muna ako saglit bago pumunta kila Ma'am.



Para syempre maganda tayo kahit paano sa kanya mamaya diba. Sabagay maaga pa naman eh.



Di ko namalayang naka tulog na ako nang tuluyan at mag 7pm na ng ako ay magising.



Patay! Parang si the flash na ang kilos ko sa sobrang bilis. 5 minutes lang eh naka ligo at nakapag ayos na agad ako ng aking sarili.



Ito nga at nag da drive na ako pa punta  sa bahay nya ngayon. Sana naman di sya magalit at medyo late na ako makakarating.



Saktong 7:20 nang ako ay mag doorbell sa kanyang bahay.



Agad na bumukas ito at bumungad sa akin ang naniningkit na mata ni Ma'am Angela.




Ms. Angela MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon