Chapter 16

7.8K 310 38
                                    


Angela


Maaga akong nagising ngayong araw na ito. Mag luluto pa kasi ako nang para sa lunch namin ni Montenegro.


Napapangiti na lang ako habang nag luluto. Feeling ko kasi mag asawa na kami ni Montenegro at pinag hahanda ko sya nang pagkain sa umaga. Para pag gising nya eh sabay kaming kakain.


Di ko maiwasang kiligin sa aking naiisip na scenario namin ni Montenegro.


Feeling ulirang asawa lang ang peg ko ngayon. Hehehe sana naman magustuhan nya ang aking niluto ngayon.


Nang makapagluto na eh kumain na rin ako at nag handa na upang pumasok.


Andito na ako sa parking lot ng school nang makatanggap ako ng text galing kay Montenegro.


" Morning Angela, asan ka na po?" Ang pabebe nitong text sa akin.


Di ko na lang pinag aksayahan pa nang panahon at load na mag reply pa. Asar pa rin kasi ako dito eh. Bakit ba eh nabitin nga kasi ako.


Tumuloy na ako sa aking room dito sa faculty at nag time in muna. Papasok na sana ako sa aking room nang makita ko si Athena na mukhang maganda ang mood niya.


"Hi Athena!, Ganda ng mood natin ngayon ah." Ang bati ko dito


"Ako lang ba ha Angela? Sinagot mo na ba si Montenegro?! "Sabay smirk nito na may kasamang pang aasar na ngiti.


Di ko maiwasang mamula sa sinabi nito. Wala din naman kasing lihiman sa aming mag babarkada kaya alam nila ang mga nangyayari sa amin ni Montenegro.


"Di pa, nanliligaw pa lang sya." Ngiting sabi ko dito.

"Kayo nung si Cordova may progress na ba?"


"Wala pa nga eh. Napaka bagal naman kasi kumilos nang batang iyon. Ako na nga nag bibigay nang hint sa kanya pero halaman talaga, walang pakiramdam. Balak ko na ngang kidnapin yun eh. Kaasar lang kasi."


"Baka wala talagang gusto sa iyo. Pangit ka kasi tapus palagi mo pang tinatakot. Paano ka nun magugustuhan kung ganyan ka.. eh dinaig mo pa ang isang amasona kung maka panakit ka sa kanya." Ang nang aalaska kong sabi sa kanya.


" Oh baka naman may gusto nang iba iyon kaya di ka nya mapansin pansin." Pang aasar ko pa


Agad ko naman napansin na biglang dumilim ang aura nito at parang may kinuha sa kanyang bag. Yung cellphone nya pala tsaka biglang may dinial na number.


Mukhang may tatawagan ata ito.

" Hello,!" Dinig kong sabi nito sa kanyang kausap


"Asan ka? Sumaglit ka dito ngayon sa office ko at may pag uusapan tayo. Wala akong pakialam kung sino man yang teacher mo. Basta pumunta ka ngayon din dito sa office ko. Nag kakaintindihan ba tayo Cordova?!! Dinig kong sigaw nito sa kanyang kausap.


Masama pa rin ang timpla nang mukha nito at nag paalam na sa akin na pupunta na daw sya sa office nya.


Napabuntong hininga nalang ako. Mukhang na triggered ata sya sa sinabi ko kanina na baka may ibang nagugustuhan na ito kaya di sya pinapansin nung bata.


Sabagay kahit naman ako eh ganito din magiging reaction ko pag nalaman kong may ibang nagugustuhan na si Montenegro. Baka nga di ako maka pag timpi at masabunutan ko na agad ang babae nito.


Pumunta na lang ako sa akin room nang makapag handa sa aking first subject.


Mayang second subject ko pa naman sila Montenegro eh.
Lumabas na ako nang kwarto ko at nag lakad na sa hallway pa puntang classroom.

Madali ko lang tinapos ang aking pag tuturo at nag pa activity na lang sa kanila habang hinihintay na matapos ang first period.


Andito na ako sa room nila Montenegro at napansin ko agad ang kanyang pasimpling pag ngiti at kindat sa akin nang mapansin kong naka tingin sya sa akin.


Nag simula na akong mag discuss nang nasa kalagitnaan na ako ng discussion nang may biglang kumatok sa pinto.


Binuksan ko naman ito at nakita ko ang isang delivery man na may dalang bouquet nang tulips.


"Ma'am dito po ba yung room ni Ms. Angela Mondragon?" Ang tanung sa akin nang delivery man.


"Oo dito nga at ako yon. Bakit?" Ang tanung ko dito


"May nag pa deliver po kasi sa inyo nang flowers eh. Ito po sya" sabay abot sa akin nang bouquet


"Paki sign na lang po Ma'am."

After ko mag sign eh umalis na agad yung delivery man. Kunot ang noong binalingan ko si Montenegro nang palihim na tingin.

Kumindat lang naman ito sa akin at di na ako pinansin pa.


Pigil ang ngiti at kilig na nilapag ko na lang sa table yung bulaklak. At pinagpatuloy ko na ang aking lesson.


Alam kong di mag lalakas loob na asarin ako nang aking mga studyante, takot lang nang mga yan.


After ko mag discuss ay nag pa activity na rin lang ako. Palihim ko naman tinignan ang laman nung card.


Lihim na lang akong napangiti nang mabasa ko ang nilalaman non. My god ang sweet naman pala ni Montenegro, nanliligaw pa lang sya nyan ha. Parang gusto ko na ata agad sagutin sya ngayon at baka magbago pa ang isip nito na manligaw.


Nag pa out na ako nang matapus ang activity nila at inaayos ko na ngayon yung aking mga gamit na dadalhin.


"Ma'am tulungan ko na po kayo na mag bitbit nang mga gamit nyo."alok sa akin ni Montenegro sabay dampot nang dala kong laptop at ibang mga libro.

Di naman na ako nag comment pa at hinayaan ko na rin lang sya. Gusto ko rin naman kasi na makausap sya eh.


Nag lalakad na kami ngayon pa puntang faculty. Nang bigla itong magsalita.


"Angela bakit di ka man lang nag rereply sa mga text ko sayo.? Galit ka ba sa akin kasi ninakawan kita nang halik nung umalis ako kagabi sa bahay mo?"


"Please naman oh wag ka na magalit sa akin. Di ko lang naman kasi napigilan ang sarili ko eh. Nakakaadik ka kasing halikan." Ang namumula na nitong sabi sa akin nang nakayuko na lang habang nag lalakad.




Ms. Angela MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon