Chapter 36

7.7K 262 7
                                    

Angela


Lumipas ang ilang Linggo at palagi na talaga kaming mag kasama ni kuya Lucas. Panay na rin ang tanong sa akin ni Tamara kung bakit lagi kong kasama si kuya Lucas. Madalas ko lang sabihin dito tru text eh binilin sa akin ni dean na gabayan ko muna kasi nga bagong Prof lang ito sa university.


Hanggang ngayon pala ay di ko pa na sasabi kay Tamara ang plano namin nila kuya. Di ko kayang sabihin ito dito. Baka kasi bigla na lang itong gumawa ng hakbang na baka ikapahamak pa nito. Di ko kakayanin pag may nangyaring masama dito.


Tumawag nga pala ulit si kuya at binangit daw ng tauhan nya na nag wo work kay Dad eh di pa rin daw ito tumitigil ng pag papabantay sa akin.


Kaya naka buo kami ng plano nila kuya na palabasin ng girlfriend na ako ni kuya Lucas para tumigil na si Dad sa kanyang ginagawa.


Alam kong masasaktan ng sobra dito si Tamara sa aking gagawin. Di ko alam kong may babalikan pa ba akong Tamara sa gagawin kong ito. Ayaw ko lang talaga na mapahamak pa ito.


Saka na lang ako mag papaliwanag dito pag nasa ayos na ang lahat. Kaya nga sinadya ko talaga na gawin ang bagay na nadatnan nya sa office nung pinuntahan nya ako doon.


Alam ko na sobra itong nasaktan. Kitang kita ko iyon sa kanyang nga mata. Pero kailangan kong tatagan ang aking sarili na tikisin muna ito. Para din naman sa kapakanan nya ang ginagawa kong ito eh.


Ok na, na ako na lang ang masaktan huwag lang ito. Kaya pansamantala eh kailangan ko muna itong palayuin sa akin. Kaya yun na lang ang naisip kong paraan para kusa na syang lalayo.


Sana naman ay di ko pag sisihan pa ang mga ginawa kong ito.


Lumipas pa ang isang Linggo at tuluyan na nga raw na pinahinto na ni Dad ang pag papa espiya sa akin. Pero kapalit naman nito ay ang tuluyan ng pagka wala sa akin ni Love.


Tuluyan na nga ako nitong iniwasan. Ni kahit nga ang tignan ay di na nito ginagawa pa. May nakikita na rin ako na may mga lumalapit na dito na mga babae na ang sasarap e ngudngud sa semento ang mga pag mumukha.


Kaya di ko na nakayanan pa at pumunta na ako ng tuluyan sa bahay namin. Balak ko ng makipag tuos kay Dad. Di ko na kakayanin pa na mag palipas pa ng ilang araw at Linggo na maka gawa si kuya ng paraan.


Habang kaya ko pang makuha si Tamara ay gagawin ko na. Hindi ko hahayaan na tuluyan na itong mawala sa akin.


Pero gusto ko munang maka usap si Mom bago ko harapin ng tuluyan si Dad.


"Mom andyan po ba kayo sa bahay?" Text ko kay Mom


"Oo anak andito ako. Bakit? May problema ba?" Reply naman nya sa akin.


"Pwede ko po ba kayong maka usap? May importante lang po akong sasabihin. On the way na ako Mom."


Nang maka rating na ako sa bahay ay agad akong sinabihan ng kasambahay na asa kwarto daw si Mom at puntahan ko na lang ito doon.


Dali dali naman na akong umakyat at pinuntahan sya.


Kumatok lang ako sabay sabi nh "Mom andito na po ako. Pwede na ba ako pumasok?" Pag inform ko sa kanya.


"Sige anak naka open naman yan pasok ka na dito." Agad naman na akong pumasok at bigla na lang niyakap si Mom pag ka kita ko sa kanya.


Tuluyan na rin akong naiyak ng maramdaman ko ang yakap nito sa akin..


"Anong problema ng baby namin?" Malumanay na tanong sa akin ni Mom sabay hagud sa aking likod.


"Mom si Dad po kasi." Sabay kwento ko dito lahat ng pinag usapan namin ni Dad at lahat ng mg ibang ginagawa nya pa.


"Talaga yang Tatay mo walang pinag ka tandaan. Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin eh di sana di na kayo nag ka layo pa ni Tamara. Ipakilala mo sa akin yang mamanugangin ko na yan ha. Abay ngayon lang kita nakita na nagk ganyan eh. Oh sige huwag nang umiyak pa ha at ako na ang bahala sa Daddy nyo. Subukan lang naman non na di ako aundin at makikita nya sa akin." Tuloy tuloy na sabi ni Mom na syang biglang ikina hinga ko ng maluwag.


Dapat pala sa kanya na ako nag sabi agad ng ganito ng di ko pa sana nasaktan si Love. Sana naman mapatawad nya pa ako.


"Ano nga pala ang buong pangalan nyang mahal mo ay parang familiar ata sa akin." Tanong naman bigla ni Mom


"Tamara Sid Montenegro po Mom. " Naka ngiti at proud na sabi ko naman dito.


"Kung di ako nag kakamali eh anak sya ni Alfredo Montenegro ng Montenegro group of companies?" Medyo naka kunot na ang noong sabi ni Mom.



"Father nya nga po yon Mom. Kilala nyo pala sila?" Medyo may pagtatakang tanong ko naman.


"Oo naman kilalang kilala namin aila ng tatay mong siraulo. Di mo ba alam na mag best friend ang mga yan mula pa noong elementary sila. Hay naku talaga yang Tatay mo gumagawa na naman ng kabalbalan ng di nya alam kung sino ang mga kinakalaban nya." Nakukunsuming sabi naman ni Mom


" oh sya lumakad ka na at puntahan mo na yang si Tamara. Naku nakita ko na yang bata na yan ay talaga namang napaka ganda. Kaya di na ako mag tataka kong bakit nagustuhan mo ang batang iyon." Pag tataboy sa akin ni Mom.


" Mom naman eh. Alam kong maganda si Tamara pero di lang naman iyon ang nagustuhan ko sa kanya eh. Pag nakilala mo yun di lang yan ang masasabi mo kung bakit ko sya nagustuhan."


"Oh sige na layas na, ako na ang bahala sa siraulo mong ama. At mag tutuos pa kami maya." Pag tataboy nya na.


Naka ngiti naman na lumabas na ako ng kwarto nila ng biglang tumawag sa akin ang aking tauhan na nag babantay kay Tamara.


"Ma'am Angela andito po ako sa isang bar at nandito din po sila Ma'am Tamara." Balita nya sa akin na agad ikina kunot ng noo ko. Anung ginagawa non doon?



Ms. Angela MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon