Epilogue

13.5K 411 65
                                    


Tamara


"Love gising!!! mukhang manganganak na ata ako." Dinig kong sigaw sa akin ng asawa ko habang tinatapik ang aking mukha.



Mabilis pa sa alas kwarto na agad akong bumangon sa kama at nag mamadaling lumabas ng kwarto at dumiretso sa kotse saka ito mabilis na binuhay.


Pag lingon ko sa kabilang upuan upang ikabit sana ang seatbelt nito pero bigla na lang ako napakamot sa ulo ko ng maalala na di ko nga pala sya naisabay pag labas ko ng bahay.



Kaya nag mamadali ulit akong binalikan ito sa loob. Nasalubong ko si loves na palabas na ng aming kwarto at masama ang tingin sa akin.



Kainis naman  talaga ganito ba ang nararamdaman ng lahat ng manganganak ang asawa? Parang mas ako pa ang kinakabahan kaysa dito eh.


Agad ko syang nilapitan at inalalayan sya sa pag lalakad nito ng mabagal.



Nag sabi na kasi ako dito last week pa na sa ospital na kami mag lagi at kabwanan nya na kasi. Pero ayaw nya at di nya raw kaya ang amoy doon. Kaya wala akong magagawa isa lang akong mabuting asawa nito.


"Ano ka ba naman Tamara at bakit sobrang lamig ng kamay mo at nanginginig pa. Hello ako itong manganganak at hindi ikaw." Pang aasar pa nito sa akin habang hawak hawak nito ang kanyang tyan.


"Love di mo ako masisisi eh nag aalala lang naman ako sa iyo. First baby kaya natin ito." Sagot ko dito habang inaalalayan pa rin sya sa pag lalakad.



Maya lang ay lumabas sa kanyang kwarto si manang at nag mamadali na tinulungan kami nito.



"Manang paki gising na lang po si Mang Nestor at kailangan na namin madala sa hospital si Ma'am nyo at manganganak na." Nag mamadali kong sabi dito. 



Agad naman itong umalis sa aking harapan upang punatahan si Mang Nestor sa kwarto nito.



Buti na lang talaga at naka ready na yung gamit nito sa kotse nung nakaraang Linggo pa. Talagang di ko na inalis pa iyon doon.



Maya lang ay humahangos ng dumating si Mang Nestor at nilapitan kami agad.



"Paki ayos na lang po yung kotse asa garahe pa po kasi." Nasabi ko na lang dito.



Nang makalabas na kami ng bahay ay agad ko na sinakay si Love sa kotse at inayos na rin ito doon. Sa backseat na kami sumakay at nag mamadali nang pumunta sa ospital.



Tinawagan ko na rin yung doctor na mag papa anak dito.



Nag sabi naman agad ito na ipahahanda ang emergency room para sa amin.



Hay ganito pala ang feeling ng manganganak ang asawa. Di mo alam kung kakabahan ka na excited. Basta nag halo na sya.



Nang balingan ko ng tingin si Love ay kita ko dito ang tinitiis nitong hirap at sakit.



"Love saglit na lang at malapit na tayo sa ospital." Sabi ko dito habang haplos haplos ang kanyang mukha.


Ngumiwi lang naman ito sa akin at inirapan ako. Hay apaka sungit pa rin talaga.


Nang makarating kami sa ospital ay agad na itong dinala sa emergency room pinaiwan na rin ako sa labas ng doctor at di na pinayagan pa na pumasok.



Maya lang ay nag datingan na rin sila Jasmine kasama nito ang buntis nitong asawa na si Ma'am Athena.



"Musta na si Angela Tamara?" Agad na tanong sa akin ni Ma'am Athena.



"Nasa loob pa sya at di pa tapos manganak." Kinakabahan na sagot ko dito.



Lumapit naman sa akin si Jasmine at tinapik na lang ako sa balikat. " Magiging successful ang panganganak ni Ma'am Angela. Kaya huwag ka ng kabahan masyado dyan. Baka maya mahimatay kana eh. Tignan mo nga yang sarili mo mukha kang uminom ng suka sa pagka putla." Birong pang aasar nito sa akin.


Agad naman itong binatukan ni Ma'am Athena. " Imbis na palakasin mo loob nyang kaibigan mo eh kung anong kalukuhan yang pinag sasabi mo. Umopo ka nga lang dyan at manahimik." Sabi dito ni Ma'am Athena.



Di ko naman maiwasang di mapa tawa ng malakas ng makita kong parang maamong tupa na umupo si Jasmine sa tabi ko.



Sinamaan lang naman ako nito ng tingin. Maya ay nag si datingan na rin ang mga parents ko at parents rin ni Love. Pati na rin yung ibang mga friends nito kaya sobrang gulo tuloy dahil mukhang mas excited pa silang makita ang baby namin kaysa sa akin.



Maya lang ay lumabas na rin si dra. na nag paanak kay love at naka ngiting sinabi sa amin na successful ang panganganak nito at maya lang ay pwede na kaming pumasok sa loob.



Di ko naman maiwasang makahinga ng maluwag sa aking nalaman. Sobrang excited na akong makita ang mag ina ko.



Nang sabihin ng nurse na pwede na kaming pumasok sa loob ay nagmadali na ako. Kita ko kay Love ang pagud sa itsura nito pag pasok ko pa lang.



Agad ko itong nginitian at nag mamadaling lumapit dito. " Pagud ang mukhang nginitian din ako nito pabalik. "Love tignan mo yung baby atin halos nakuha nya sayo lahat. Nakakainis ilong lang ang nakuha sa akin." Reklamo nito agad pag lapit ko sa kanya.



Nakangiting hinalikan ko na lang ang noo nito saka binalingan ng tingin ang baby girl namin.


Agad na lang tumulo ang luha ko ng makita ko ang anak namin. Sobrang liit pa nito na mamula mula at parang pag binuhat mo ay may possibility na mabalian ito.



Tama nga si Love halos carbon copy ko sya. Parang little version ko nung baby pa ako.



Thank you Love. Naluluhang sabi ko dito at niyakap na lang ulit ito ng mahigpit. Di ko kayang e express ang sayang nararamdaman ko. Sobrang thankful ako na si Ms. Angela Mondragon Montenegro ang naka bihag ng puso ko at syang asawa ko na  ngayon.


____________
Salamat po sa nag support ng story ko na ito na naka abot hanggang dulo.

Special thanks na rin po pala kay lods ninewrites  sa pag edit ng maayos na cover ng mga stories ko. Thanks po lods sa wakas ay mabibihisan ko na rin ng maayos na cover ang mga stories ko.

Kahit na alam ko na sobrang busy mong tao ay naglaan ka pa rin ng iyong time para dito.

Ms. Angela MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon