TamaraMabilis naman akong lumabas ng cr at kanina pa nag iinit ang pakiramdam ko. Paano naman kasi makita mo ba naman na hubat hubad na naka balandra sa mukha mo ang katawan ng isang dyosang mahal na mahal mo eh baka di ka na maka pag pigil pa at may mangyari na naman sa inyo.
Kung di nga lang sana masakit pa eh baka kahit nung nasa kama palang kami eh di na ako nag papigil pa.
Di ko naman maiwasang ngumiti ng malaki ng bigla ko nanaman maalala ang nangyari kanina. Hay naku mukhang magiging manyak na ata ako ah.
Pero ok lang, sa kanya lang naman eh. Ang sarap nya kasi. Hehehe 😋 itanan ko na lang kaya ang dragonang dyosa na iyon? Hmmm oh di naman kaya ay pikutin ko na at ng di na maka wala pa sa akin.
Pero kasi gusto ko rin may maipag mamalaki na ako sa kanya bago ko sya ayain ng kasal.
Bago muna ang mga kasal na iyan ay gusto ko muna syang makilala ng parents ko. Ganun na rin ang parents nya. Gusto ko na maging legal na kami sa aming mga magulang. Ayaw ko ng maulit pa yung nangyaring iyon at di ko na talaga kakayanin pa.
Maya lang ay nakita ko na syang lumabas ng cr na naka bathrobe na at paunti unti itong nag lalakad palapit sa akin.
Medyo alanganin naman na nginitian ko ito. Sinamaan nya lang naman ako ng tingin nito. Saka inirapan.
"Hay naku Montenegro, pasalamat ka talaga at mahal kita. Pero di kana talaga makakaisa pa sa aking bwisit ka." Sabi nito sa akin at masama pa rin akong tinignan nito.
"Sorry na kasi Love." Pa cute ko namang sabi dito. Ano daw di na ako makakaulit pa? Di pwede yon. Ngayon pa na pinatikim nya na ako ng masarap kaya dapat talaga na ulitin iyon.
"Ito na nga pala love iyong bihisan mo. Di ko pa naman nagagamit ang mga iyan. Mukhang sakto lang naman sa iyo eh." Pag papa cute ko pa ring sabi. Baka umepikto diba eh baka paisahin pa tayo pag natuwa si my Loves.
"Hay naku di mo ako madadaan sa mga pa ganyan mo. Lumabas ka na muna at mag bibihis pa ako. Maya nyan eh manyakin mo pa ako bigla mahirap na." Naka ngisi na nitong sabi sa akin.
Napipilitan naman akong lumabas pansamantala ng aking kwarto at bumaba. Gusto ko kasing magpa dagdag ng luto kila manang at dito kakain si love eh.
" Manang pa luto pa po ng dalawang putahe ng ulam may bisita po kasi ako eh." Sabi ko kay manang ng maabutan ko sya sa kitchen na nag luluto na.
"Sige Tamara ako na ang bahala dito." Ngiting sabi naman sa akin ni manang.
Umakyat na lang ulit ako baka tapos na mag bihis ang dragon eh.
Kumatok muna ako bago pumasok. Mahirap ng mapag bintangan na manyak. Pero sya kaya kanina iyong nauna kaya nga may nangyari sa amin eh.
Pero di ko na lang sasabihin sa kanya baka lalo lang itong mapikon sa akin eh.
"Love tapos ka na bang mag bihis?" Katok kong sabi dito.
"Ok na love, sige pasok ka na." Dinig ko na sabi nya. Kaya pinihit ko na ang handle ng pinto saka ito binuksan.
Tumambad sa akin ang dyosang naka upo sa aking kama sa may nang aakit na tingin.
"Huwag mo akong tignan ng ganyan love." May pag babanta kong sabi sa kanya.
" Bakit anong masama sa tingin ko ha? Para naka ngiti lang eh. Bakit bawal na ba akong ngumiti? Anong gusto mo sumimangot na lang ako?" Pag mamaang maangan na sabi nito sabay kagat ng bahagya sa kanyang labi na syang ikinalunok ko naman.
Hay isa ka talagang malaking tukso Miss Angela Mondragon. Sa isip isip ko.
Grabi din ang isang ito na man trip eh. Lumapit na lang ako dito at di na pinansin pa ang mga pang aakit nitong ginagawa.
Agad kong kinuha ang aking blower at dahan dahan na blower ko ang buhok nito.
"Love dito ka na matulog ha." Pag lalambing ko dito habang sinusuklay ang mabango at itim na itim na mahabang buhok nito. Sana naman pumayag sya. Miss na miss ko kasi talaga sya eh.
Halos isang buwan din kaya kaming hindi na naka pag usap nito at naka pag bonding. Dahil nga sa nangyari.
"Nakakahiya naman love sa parents mo kung dito ako matutulog ngayon. Eh ipapa kilala mo pa lang kaya ako sa kanila maya." Sabi naman nito sa akin.
"Sige na po love. Ok lang naman yun sa kanila eh. Miss na miss lang kasi talaga kita. Almost one month kaya tayong walang connection sa isat-isa." Pamimilit ko pa rin sa kanya.
"Miss na miss din naman kita love. Eh kaya lang nahihiya talaga ako eh. Ganito na lang kaya love. Ikaw na lang ang mag overnight sa bahay paalam ka na lang kila Tita." Suggestion naman nito na todo ang ngiti sa akin.
Napa isip naman ako sa sinabi nito. Mukhang mas mabuti pa nga na doon na lang ako matulog sa kanyang bahay. Na miss ko na rin na pumunta doon eh. Sakto din at walang pasok kaya ok lang na tumambay ako doon.
Sa susunod ko na lang siguro sya aayain na matulog dito pag ok na sya kila Mommy at pag di na sya naiilang sa mga ito.
"Sige love doon na nga lang tayo sa bahay mo. Promise po bonding lang ang gagawin natin." Sabi ko naman dito habang naka yakap na ako sa kanya at naka subsob sa leeg nito ang aking mukha.
Ang bango kasi nito sarap papakin ng kanyang leeg.
BINABASA MO ANG
Ms. Angela Mondragon
RomansaTamara Sid Montenegro isang transfer student from States maganda, mabait, matalino at mayaman. Na love at first sight sa una pa lang nilang pagkikita ni Ms. Angela Angela Mondragon isang kilalang terror na Professor, maganda, mayaman, matalino at ma...