Chapter 23

7.1K 239 19
                                    


Tamara Sid

Medyo napa haba ata ang tulog ko ah. Tinignan ko saglit yung clock ko dito sa room at mag 7 pm na pala.

Check ko agad yung cp ko at baka nag text na sa akin si love. Sabi ko kasi sa kanya kanina na mag text sya sa akin pag naka uwe na sya. Para di ako nag aalala na baka may nangyari na dito.

Ayaw ko pa naman na maulit iyong nangyari sa kanya nung nasiraan sya ng kanyang sasakyan at napag tripan ng mga tambay.

Agad kong nakita na may mga text na nga ito sa akin. At naka uwe na rin ito sa kanyang bahay.

Napangiti na naman ako ng mabasa kong tinawag nya ulit akong love. Di ko maiwasang kiligin. Ang sweet naman pala kasi nito kahit na madalas eh bumubuga ito ng apoy eh di pa rin maitatago talaga na may pagka sweet din ito kahit paano.

"Sorry love ngayon lang po ako nakapag reply. Naka idlip po kasi ako at kakagising ko lang eh." Reply ko sa kanya.

Bumangon na ako at bumaba na. Naabutan ko pa sila dad na kadarating lang galing sa office.

Agad naman akong nag blessed kay dad at humalik naman sa pisngi ni Mom saka ito niyakap.

Naka sanayan ko na kasi ang ganitong gesture ko sa kanila bilang pag galang.

"Mukhang good mood ata ang aming prinsesa ah." Sabi sa akin ni mommy sabay gulo nito sa aking buhok.

"Masaya lang po ako Mom," sabi ko naman na tudo ang ngiti. Sa kanila ni Dad.

" Dad, mukhang may love life na ata ang ating anak ah. Tignan mo at nangingislap pa ang mga mata. At halatang blooming na blooming eh."

"Mukha nga my. Ganyan na gayan ka noon nung sinagot kita eh." Pang asar naman ni Dad kay Mom.

"Hoy lalaki ang kapal naman ng mukha mo. Kung di lang ako naawa sa iyo noon. Nunka na pansinin kita. Ginayuma mo nga ata ako noon eh." Inis naman na sabi ni Mom kay Dad.

"Joke lang naman my. Ito naman oh di na mabiro. Syempre ako iyong tinutukoy ko na head over heels ako sa iyo." Biglang bawi naman dito ni dad, sabay lapit kay Mom at yinakap ito saka hinalikan sa lips.

Tinalikuran ko na lang sila at mukhang may suyuan pang mangyayari kasi eh. Natutuwa ako dito sa parents ko. Parang di tumatanda, sobrang sweet pa rin kasi sila sa isat-isa. Halata mo na inlove masyado eh.

Baka mainggit lang ako at puntahan ko na lang bigla sa bahay nya si Angela. Hehehe

Dumiretso na lang ako sa kitchen at tinignan kung ano ang niluluto nila para sa dinner namin ngayon.

Nakipag kwentuhan na lang ako kila manang habang pinapanood sila na mag luto. Ayaw naman kasi nila ako patulungin eh. Medyo gutom na rin kasi ako. 

"Senorita mukhang blooming po ata tayo ngayon ah." Panunukso sa akin nila dito sa kusina.

Ganun na ba talaga ako kahalata masyado at parang halos lahat na lang eh napapansin ito.

Iba na siguro talaga ang aura ng isang inlove na tao. Masisisi nyo ba ako eh ikaw ba naman mahalin din ng taong mahal mo. Mapapa sana all ka na lang talaga.

"Di naman po manang, maganda lang po talaga ang araw ko ngayon." Sabi ko na lang sa kanila.

"Sana po eh lagi na lang maganda ang araw nyo senorita nakakahawa po kasi ang vibe nyo eh." Ngiti namang sabi nila sa akin.

Siguro pag ready na si love eh, ipapakilala ko na sya dito sa bahay. Syempre gusto ko na maging legal na kami sa parents namin.

Ok lang naman sa akin kung ayaw nya pang ipaalam sa iba itong relationship namin. Naiintindihan ko naman eh. Alam ko naman kasi ang magiging consequences nito lalo na pag nalaman sa school ang about sa amin.

Kaya sana pumayag sya na kahit manlang sa mga parents namin eh malaman nila. Kahit na after ko na lang mag graduate saka na namin ipapaalam sa public.

Ok kaya kahit sa parents ko pa lang kung di pa sya handa na malaman ng parents nya.

Alam ko naman na support pa rin naman ako nila Dad eh. Kaya malakas ang loob ko na ipakilala sya.

Pero siguro maya sa dinner eh papahapyawan ko na sila. Para naman kahit paano eh may idea na sila.

"Mukhang malayo na po ata ang narating ng isip nyo senorita ah. Naka ngiti lang po kayo dyan na malayo ang tingin. Kanina pa po namin kayo kinakausap eh." Sabi sa akin ni manang na naka ngiti.

Medyo nahiya naman ako sa kanila at ngumiti na rin lang. " May bigla lang akong naisip na nakakatawa manang. Ikaw ha masyado kang issue." Pag bibiro ko na pang sa kanila.

"Patapos na po kasi itong niluluto namin eh tatanungin po sana namin kung mag hahanda na ba kami ng dinner o maya na lang po." Tuloy tuloy na sabi nito sa akin.

"Maya na lang po siguro manang at di pa bumababa sila Mommy. Mukhang may ginagawa pa po ata sila ni Dad. "

"Baka po kasi gumagawa pa sila magiging kapatid ko eh." Di ko napigilang sabi sabay tawa ng malakas.

"Ikaw talagang bata ka. Maya nyan marinig ka nila Ma'am. Lagot ka nanaman sa mommy mo. Sige ka."

"Hayaan na po muna natin sila at mukhang napagod po ata sa office eh." Nasabi ko na lang sa kanila.

"Akyat po muna ako sa kwarto at paki tawag na lang po ako kung kakain na." Bilin ko na lang kila manang at umakyat na ako sa room ko.

Ms. Angela MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon