Chapter 14

8K 312 33
                                    

Tamara Sid




Ang lakas ng tibok ng puso ko, habang naka titig lang kay Ma'am Angela. Di ko na kaya pang pigilan ang aking sarili kaya mas nilapit ko pa ang aking mukha sa kanya. Amoy na amoy ko na ang mabango nitong hininga.



Kanina pa kasi ako nag pipigil na huwag syang halikan. Siguro kung di lang may tumawag sa kanya eh na halikan ko na to.



Nang di na maka pag pigil pa tuluyan ko nang tinawid ang aming pagitan.



Magkalapat lang ang aming mga labi na para bang ninanamnam lang ang labi ng bawat isa.Ginalaw ko na ang aking labi at tuluyan nang nakalimot.



Bahagya kong kinagat ang kanyang lower lip sabay sipsip dito. Nag lalabanan na ang aming mga dila na para bang nag papaligsahan kung sino ang mas magaling.



Nang mahuli ko ito ay agad kong sinipsip, narinig ko na napa ungol na lang ito. Tuluyan na akong nadarang sa napa lambot nitong labi at mas hinigit ko pa sya palapit sa akin.



Agad naman nitong inabot ang batok ko at mas pinalalim pa ang aming halikan.



Habol ang hininga ng mag layo ng bahagya ang aming mga labi. Mag kadikit lang ang aming noo at parehong naka pikit lang.



Naka ramdam na lang ako ng pag ka manhid ng aking pisngi, nasampal na pala ako ng di ko namalayan.



Parang ngayon pa lang nag sink in sa akin ang nangyari. Biglang namula ang mukha ko at di na maka tingin ngayon sa kanya ng diritso.



Ayaw ko syang tignan dahil ramdam ko ang madilim nitong aura.



Patay na ang nag lason. Bakit ba di ko na control ang sarili ko. Ngayon ay mas lalo nang nagalit sa akin si Ma'am.



Anu na lang ang iisipin nito, na isa akong manyak.



Lakas loob na nag angat ako nang mukha. Di ko mabasa sa kanyang kung galit ba ito oh hindi. Poker face lang kasi sya.



"Ma'-am, u-we na po ako medyo late na rin po kasi eh" pautal kong sabi dito sabay tayo.



Biglang dumilim ang aura nito at tinignan ako ng matalim.



"At anu sa tingin mo ang ginagawa mo  ha!? Anu yon ganun ganun na lang yon!!!??" Ang sigaw nitong sabi.



"Sa tingin mo talaga eh papayag ako na hindi mo panagutan ang nangyari!!!??"



"Simula bukas mag sisimula ka ng ligawan ako, sa akin lang dapat ang attention mo. At huwag na huwag ko malaman laman na may iba kang nilalandi. Nag kakaintindihan ba tayo Montenegro!!!??"



Napa tanga na lang ako sa kanya at gulat na gulat at di maka paniwala sa kanyang mga sinabi. Ano raw ligawan ko sya? Seryoso ba talaga sya doon???


"Oh bat di kana umimik dyan ha?!! Huwag mo akong susubukan Montenegro, naku sinasabi ko talaga sa iyo."



"E-hh Ma'am, se-seryoso po ba ta-talaga kayu?" Pautal ko pang tanung.



"Bakit sa tingin mo mukha ba akong nag bibiro?"



"Si-ge po Ma'am kung yon ang gusto nyo. Liligawan ko po kayo. Tsaka balak ko rin po talagang gawin na ligawan ka humahanap lang ako nang tyempo na magpaalam sayo Angela." Di ko mapigilan na mapangiti habang sinasabi ko yon. Kinikilig kasi ako.



"Anong ibig mong sabihin sa mga sinabi mo?" Nag tatakang tanung nito sa akin.



"Na love at first sight ata ako sayo eh. Ang ganda ganda mo kasi kahit na masungit ka at may edad na eh di pa rin yon naging sapat para di kita magustuhan." Ang lakas loob ko nang pag tatapat dito.



Kasalanan nya rin naman kasi kung bakit napaamin ako ng wala sa oras.



Napansin ko na lang ang biglang pamumula nang mukha nito pati na ang tenga. Masyado kasi itong maputi kaya mahahalata mo kaagad iyon.



At parang may dumaan pang kakaibang emosyon akong napansin sa kanyang mata na agad din nawala. Baka namalikmata lang siguro ako.



" Anung sabi mo?!! Na masungit at may edad na ako ha??? 27 palang kaya ako, at aminado naman talaga ako sa ugali ko. Mag tiis ka kasi yon na ang ugali ko."



"Kaya nga sabi ko mandin Ma'am Angela eh di naka hadlang iyon para di kita magustuhan. Sa tingin ko pa nga eh mas nagiging hot ka sa paningin ko lalo na pag nag susungit ka."



"Wala ng bawian ha, bukas na bukas start na ako na ligawan ka." Ang paninigurado ko dito. Mahirap na baka biglang magbago ang isip nito.



" Alis na rin ako Angela at masyado ng late, Kita kits na lang bukas ha." Di ko na sya hinintay na magsalita pa at tumayo na ako sa couch.



Napansin ko naman na tumayo na rin ito at sumunod sa akin hangang sa may pinto. Binuksan ko na ito at binalingan na sya nang tingin.



"Mauna na ako ha, mag iingat ka dito. Mag te text ako agad maya pagka dating ko sa bahay. Check mo muna ang mga pinto at bintana bago matulog ha." Ang tuloy tuloy na bilin ko dito. 



Wala naman itong imik at naka tingin lang sa akin na parang di makapaniwala na bigla na lang lumakas ang loob ko na kausapin sya ng ganito.



Agad akong yumuko sa kanya at ninakawan ulit sya nang mabilis na halik sa labi. Sabay takbo ko sa aking kotse at paandar nito. Subrang lakas nang kabog nang dibdib ko sa aking ginawa. Di ko kasi mapigilan ang sarili ko na di ulit tikman ang mga malalambot nitong labi na napakasarap halikan.



Kita ko na napa tanga lang ito sa may pinto at parang pina process pa ang nangyari. Maya lang ay nakabawi na ito at binalingan ako nang masasamang tingin.



Agad ko naman pina harurot ang kotse ko paalis.



Narinig ko na lang ang sigaw nito sa akin na nang gigigil.



"Humanda ka sa akin bukas Montenegro, nakakarami ka na ha!!!!" Yon na lang ang aking narinig at nakalayo na ako dito.




Malaki ang ngiti na nag drive na ako pauwe sa bahay.





Ms. Angela MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon