Tamara Sid
Habang sumasayaw kami ni Bea ay ramdam ko talaga na may naka tingin sa amin.
Kaya agad kong ginala ang aking mga mata upang hanapin ito. Pero wala naman akong nakitang kakaiba.
Bukod sa mga kasabay naming nag sasayaw dito sa dance floor at iyong iba na nag ma make out na dito sa tabi namin.
At ang mga mukha ng lasing na gaya ko na pilit kinakaya ang sarili para lang di matumba.
Katulad na lang ng babaeng kasayaw ko na nakayakap na sa akin dahil sa kalasingan. At kanina pa inuubos ang amoy ko sa leeg dahil sa kakasinghot nito.
Iba rin pala pag nalalasing ito. Nawawala sa sarili. Nagiging parang bata na nag papasuyo. Kanina pa nga ako kinukulit nito na kiss ko daw sya.
Hay hirap talaga mag alaga ng lasing. Asan na ba kasi yang si Jasmine at mukhang wala na atang balak bumalik dito ah.
Niyaya ko naman na umupo na kami ni Bea at kanina pa kasi ako nangangawit kakatayo eh. Tapos may bitbit pa akong lasing.
"Bea upo na tayo, iba na kasi ang tugtog at di na bagay yung sayaw natin sa kanta." Biro ko na lang sa kanya
"Maya na tayo upo. Gusto ko pa sumayaw eh. Please Tamara." Pakiusap naman nito sa akin.
Napa buntong hininga nalang ako at pinag bigyan na lang sya sa gusto nya.
Maya lang ay napansin ko na si Jasmine na papunta na ito sa table namin..kaya agad ko ng hinila ng banayad si Bea papunta sa aming table.
" Oh bakit ngayon ka lang bumalik? Mukhang nakalimutan mo na ata na may naiwan kang kasama dito ah." Tuloy tuloy na sabi ko dito.
"Pasensya na Tam at may nakilala lang akong chicks dyan at napa sarap ang kwentuhan namin kaya ngayon lang ako naka balik."
"Oh sino naman yang nakayakap sa iyo na parang tuko? Ikaw ha, mas mabilis ka pa pala sa akin ha." Biro naman nito sa akin na may pagka pilya pa akong tinignan.
"Ah si Bea. Nakilala ko rin lang dito. Sinamahan lang ako kasi wala ka pa eh mag isa lang ako dito. Kaya ayon halos naubos na namin iyong isang tower tas napangalahati pa namin iyong tequila."
"Di ko namalayan na naparami na pala ang inom namin kaya ayan na lasing na." Sabi ko naman sa kanya.
"Asan na nga pala iyong nakilala mo? Tanong ko dito.
" Ah nandon sa table nila. Iniwan ko lang saglit at baka kasi umalis kana at di na ako nag balik eh. Pero babalik ulit ako doon. Gusto mo bang sumama para mapakilala na rin kita?" Aya pa nito sa akin.
"Ay hindi na. Mauuna na pala ako sa iyo na umuwe. Ihahatid ko pa sa kanila ang isang ito. Baka kasi mapaano pa ito pag iniwan ko pa dito. Sabi ko na lang sa kanya.
" Oh sya sige na at aalis na rin kami. Mag text ka sa akin ha kung naka uwe ka na." Bilin ko na lang sa kanya at kinuha ko na lang ang bag ni Bea at nag ready na para umalis.
Patayo na sana ako nang biglang yakapin nanaman ako ni Bea. Paano naman daw kami makakaalis nito kung ganto naman sya kakulit.
" Tamara sayaw pa tayo, please." Dinig kong sabi nito sa akin na papikit pikit pa ang mata.
" Oo sasayaw pa tayo kaya tumayo ka na dyan para maka tayo na rin ako." Ang nasabi ko na lang para di na ito mangulit pa.
Pagiwang naman na tumayo na ito kaya mabilis lang at agad ko na syang inalalayan at ikinawit ko na lang sa aking leeg ang kanyang mga braso at hinawakan naman sya sa kanyang bewang.
Mag lalakad na sana kami nang may bigla na lang na bumunggo sa amin at dahil malakas ito ay nabitiwan ko si Bea kaya natumba ito.
"Aray naman," dinig kong sabi ni Bea. Kahit din naman ako ay nasaktan eh.
Dali ko naman na kinuha sa lapag si Bea at hinarap ang walang hiyang nang bunggo sa amin.
"Mag dahan dahan naman kayo. Luwang ng daan oh bakit kailangan pang mang bunggo. Walang mata lang." Masungit na sabi ko dito sabay taas ng mukha upang makita kung sino ito.
Agad nanlaki ang aking mata sa pagkabigla at di na naka imik pa.
Si Ma'am Angela pala ang bumunggo sa amin ni Bea. Napaka dilim ng aura nito at ang sama ng tingin nito na parang kakainin na ako nito ng buhay.
Kung di ko lang alam na may boyfriend ito eh iisipin ko na nag seselos ito.Di na lang ako umimik para di na humaba pa. Ayaw ko din na magka sagutan pa kami dahil lang doon. Kung maaari lang eh iniiwasan ko na talaga sya.
Inayos ko na lang ang kapit ko kay Bea at di na pinansin pa si Ma'am Angela na nasa harapan namin.
Inalalayan ko nang mag lakad si Bea at nang maka alis na kami. Wala na akong pakialam pa kung magalit man iyong isa o hindi.
"Tara na Bea ihahatid na lang kita sa inyo. Mukhang di mo na kakayanin pa ang mag drive eh." Sabi ko kay Bea sabay lakad na para umalis.
"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha Montenegro?" Dinig kong sabi ni Ma'am Angela sa akin. Pero di ko na lang pinansin pa at nag patuloy na lang sa pag lakad.
Wala na akong pakialam pa sa kanya. Di ko nga alam kung anong ginagawa nito dito eh. Kailan pa ito nahilig na mag bar. Pag kakaalam ko kasi eh napaka home buddy nito at wala sa vocabulary nito ang salitang bar.
Nagpatuloy na lang ako sa pag lalakad habang alalay ko ang lasing na si Bea. Nang biglang hablutin na lang nito ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Angela Mondragon
RomanceTamara Sid Montenegro isang transfer student from States maganda, mabait, matalino at mayaman. Na love at first sight sa una pa lang nilang pagkikita ni Ms. Angela Angela Mondragon isang kilalang terror na Professor, maganda, mayaman, matalino at ma...