Chapter 40

7.5K 258 5
                                    

Tamara Sid


Nandito pa rin kami ni love sa aking kwarto ng may biglang kumatok sa pinto.


"Senorita Tamara, baba na daw po kayo sabi ng Mom nyo at kakain na daw po." Dinig kong sabi ng aming kasambahay.


"Sige po baba na rin po kami!" Sigaw ko naman dito.


"Love tara na sa baba, andito na pala sila Mom. Tamang tama para makilala mo na rin ang future in-laws mo." Ngiti kong sabi dito sabay hila patayo dito.


Pansin ko naman ang biglang pamumutla at pamamawis ng mga kamay nito. Nakahawak kasi ako sa kanyang kamay eh. Kaya napansin ko rin agad iyon.


"Love sa ibang araw na lang kaya," kabado nitong sabi sa akin. Di ko naman mapigilan mapangiti dito.


Ang cute nya kasi pag kinakabahan. May kinatatakutan din pala itong si Angela eh.


"Tara na love. Huwag kang kabahan ok. Mababait kaya yang parents ko. Matagal na rin nila hinihiling sa akin na makilala ka nila." Pampalakas ko naman ng loob dito.


"Basta love pag di  nila ako gusto eh. Ipag tanggol mo ako ha. Huwag mong hayaang kawawain nila ako doon." Bilin nya sa akin.


"Love di mangyayari yun. Pero kung sakali na di ka nila magustuhan eh handa ako na ipaglaban ka sa kanila." Sabi ko ditong deritso na naka tingin sa kanyang mga mata.


"Promise mo yan ha?" Pag hingi naman nito ng assurance sa akin..


"Opo love, promise po." Sabi ko dito habang naka taas pa ang kanang kamay.


"So, tara na sa baba?" Pag aaya ko na sa kanya.


Medyo alanganin naman na tumango na lang ito.


"Sige love, baba na tayo. Baka kanina pa nag hihintay sila Tita dyan sa baba eh." Napipilitang tumayo naman na ito sa aking kama.


"Love ok lang ba ang itsura kong ito? Hindi ba nakakahiya na naka pambahay lang akong haharap sa kanila." Medyo conscious na sabi pa nya.


"Hay naku love. Ok lang yan. Halika na at baka kung ano nanaman ang mapansin mo." Sabi ko dito sabay hila na sa kanya.


Di naman na ito naka angal pa at kumapit na lang ng mahigpit sa aking mga kamay. "Takot na takot lang love ah." Pang aasar ko pa dito.


Inirapan lang naman ako nito at kinurot sa aking tagiliran.


"Aray ko naman love, masakit kaya." Pag papaawa ko pa.


"Bwisit ka kasi. Alam mo na ngang kinakabahan na yung tao eh mang aasar ka pa talaga." Inis na sabi naman nito.


Di na lang ako umimik at baka mag beast mood pa ito. nagpatuloy na lang kami sa pag baba sa may hagdan.


Di na namin naabutan sa may living room sila Mom. Malamang nasa dinning table na siguro ang mga ito.


Mas lalo ko naman naramdaman ang pag higpit ng hawak nito sa akin nang matanaw na namin sila Mom na naka tingin na sa amin pag pasok namin sa loob ng dinning room.


Tahimik lang ang katabi ko habang nag lalakad na kami palapit kila Mom.


Nang makalapit na kami ay agad tumayo na ang aking mga magulang at naka ngiting sinalubong kami ni love.


"Oh anak may bisita pala tayo di mo sinabi agad at ng nakapag paluto ako ng mga specialty natin." Nakangiting sabi sa akin ni Mom.


"Ang ganda mo naman iha. Buti at naka pasyal ka dito sa aming bahay. Pasensya ka na at wala kasing nabanggit itong anak kong ito eh." Baling naman ni Mom kay love.


"Ok lang po Ma'am. Biglaan din lang po kasi ang pag punta ko dito." Medyo kabado pa rin na sagot naman ni love.


"Ah Mom, Dad meet my girlfriend Angela Mondragon. Angela parents ko nga pala." Pakilala ko sa kanila



"Nice to meet you po. Ma'am, Sir." Sabi naman ni love sa kanila sabay abot ng kamay nito para sana makipag handshake.


Kita kong namilog ang mga mata ng parents ko agad naman niyakap ni Mom si love.



"Naku iha, huwag mo na kaming tawaging Ma'am at Sir. Mommy at Daddy na rin ang itawag mo sa amin. Hindi ka na iba at parte ka na rin ng pamilyang ito." Todo ngiting sabi ni Mom.


"Oo nga iha. Huwag kang mahihiya ha. Ganito lang talaga kaming mag asawa. Sabik kasi kami na makilala ang nag papasaya sa aming anak eh."


"Alam mo bang matagal na namin inuungot dito kay Tamara na papuntahin ka na dito sa bahay ng makilala ka naman namin." Sabi naman dito ni Dad.


"Ikaw naman Tamara, dapat maaga pa lang eh nag sabi ka na, na papasyal pala dito itong si Angela. Ni hindi man lang tayo naka pag handa nakaka hiya tuloy kay Angela." Pagsita naman sa akin ni Mom. Sabay tingin sa akin ng masama.


"Ok lang po Ma'am este Mommy pala. Di rin naman po kasi alam ni Tamara na pupunta ako dito." Pag tatanggol naman sa akin ni love.


Agad ko naman hinawakan ang kamay nito na nasa ilalim ng lamisa at pinisil ito ng bahagya. Tanda ng pasasalamat ko sa kanya.


Naka ngiti lang naman na binalingan ako nito ng tingin.


"Mom nga pala professor ko po si Angela sa isa kong subject." Biglang sabi ko sa kanila. Mas maganda na rin ito para minsanan lang ang sabi.


Medyo natigilan naman sila sa pagkain. Gayon din si love at mukhang hinihintay din ang magiging reaction ng parents ko.


Nakita ko na nagkatinginan muna sila Mom and Dad bago nag salita si Dad.


"Ok lang sa amin yan anak. Sabi nga namin sa iyo noon pa kung saan ka masaya naka support lang kami sa iyo ng mommy mo." Nakakaunawang sabi ni Dad.


Binalingan ko naman ng tingin si Mom. Tinanguan lang ako nito at nginitian.


Dahil dito ay di ko na napigilan na tumayo at yumakap sa kanilang dalawa habang umiiyak.


"Salamat po Mom, Dad di nyo lang po alam kung gaano kahalaga sa akin ang approval nyo." Sabi ko dito habang umiiyak. Panay lang naman ang haplos ni Mom sa likod ko.










Ms. Angela MondragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon