Music. Musika. Kasa-kasama na natin 'to sa araw-araw na pamumuhay. Whether you're sad, happy, in love, angry, or even when you feel like there's something missing in you, tulad ko.
I am busy listening to music while looking at the view of the trees and the field while in the car. Nasa bukid kami at ramdam na ramdam ang preskong hangin sa sumasampal sa akin dahil bukas ang bintana ng sasakyan.
"Nilibot ang tahanan
Tagpuan, wala ka
Pa'no hihilom ang sugat na gawa sa pagmamahalan?
Pagmamahalan"I closed my eyes to feel the meaning of the song even more, and I was about to nap when the car stopped that made me realized we're already in the destination. Biglaang swimming 'to kasama ang pamilya kasama sina Mommy, Daddy, at si Claudia, ang nakababata kong kapatid. Family bonding daw.
Pinatay ko naman ang patunog ko at nilagay na rin sa loob ng bag ang earphones ko. Nagising naman na si Claudia at bumaba na kaming lahat.
"Reservation under Philip Fontanilla," sabi ni Daddy. We were patiently waiting while sitting on the bench.
Sama-sama kaming pumasok sa loob ng beach resort at nagpunta na sa villa na para sa amin. Just by looking at the sea, I feel mesmerized by the view. Napakasarap sigurong tumira dito. Araw-araw mong makikita ang dagat, araw-araw ka rin maglalakad kapag sisikat o lulubog ang araw, at parang araw-araw ka na ring namemeditate. I find it calming.
"Saan ko po ito ilalagay?" tanong ko kay Mommy sabay angat ng hawak kong bag na puno ng mga damit.
"Sa table na lang 'nak," tugon niya. Tumango naman ako at inilapag ang mga gamit sa table. Lalabas na 'ko para pumunta sa may dagat ng tinawag ako ni Claudia.
"Georgianna! Wait lang! Sama ako!" sigaw niya mula sa banyo. I rolled my eyes and looked back.
"Anong Georgianna? Gumalang ka nga!"
I heard the toilet bowl flush and the door opened. Kaagad ko namang tinakpan ang ilong ko dahil mabaho ang dumi niya.
"Yuck! Ang baho!" panunuya ko pa.
She scoffed. "Mahiya ka nga! May tae bang mabango," sabay irap. I chuckled.
"Mag alcohol ka na, bagal mo kumilos!"
Kaagad naman siyang nag-ayos ng sarili at sumama na sa akin palabas ng villa. It's so refreshing dahil hindi naman ganoon kalakas ang hampas ng alon sa dagat at masarap din ang simoy ng hangin. Medyo mainit nga lang.
Marami rin ang tao sa beach ngayon at marami ang mga nakikita kong nags-sun bathing. Nang iginala ko naman ang aking mga mata, marami rin ang kumakain. Nakakagutom rin naman kasi lalo na't medyo mahaba ang byahe, pero mas pipiliin ko munang magtampisaw sa dagat.
"Picturan mo nga 'ko rito sis," utos ni Claudia.
Binigay naman niya phone niya sa akin at pinicturan ko na sya. After ilang shots, mukhang satistfied naman siya sa mga kuha ko.
She hugged me tight. "OMG! You're the best! Ang dami mong talents, bakit hindi ka magtayo ng photo studio?"
I chuckled. "Dami mo na naman sinasabi. Magaling lang kumuha ng litrato, photo studio kaagad?"
"Hmp," tugon niya. "Bakit? Magaling ka rin naman tumugtog. Bakit hindi mo ishowcase?"
"Naks, showcase ah," sabi ko habang natatawa. We were walking along the shore when her eyebrows furrowed.
"Bakit nga pala di ka na tumutugtog ngayon ng piano?"
Bigla akong natigilan. I don't know what to say, and it feels like all the memories that I've had back then came back the second she mentioned that.
"Ever since you came back from Netherlands, hindi ka na tumugtog ulit," dagdag niya pa. "Did something happen?"
I stopped walking and faced her. I forced a smile.
"Ganoon talaga ang buhay, kapatid," I said in a playful tone. She just shook her head and we continued walking.
Dahil sa sinabi niyang 'yon, ang daming memories ang nagflashback saken. Ewan ko ba, konti lang naman masasayang ala-ala ko roon. At ayoko nang bumalik pa, lalo na kung ang maalala ko lang ay 'yong bagay na ayoko nang balik-balikan pa.
Kinagabihan naman, our family decided to eat dinner na. We had a little conversation about a lot of things, and we even had tawanans and kulitans while eating.
"Are you enjoying the night?" tanong ni Daddy. We smiled and nodded. He smiled as well and we continued eating.
Marami pa kaming napagkwentuhan tungkol sa kung ano-ano nang bigla namang naging seryoso ang tono ng pagsasalita ni Dad.
"Maiba pala ako," sabi niya pagkatapos niyang uminom ng tubig. "What if... magbakasyon tayo sa ibang bansa? Hindi 'yong puro dito na lang tayo sa Pilipinas."
Seems like Mommy agreed to what Dad said. Mukhang okay lang din naman kay Claudia. I just kept eating when Dad called me.
"Saan nyo ba gustong pumunta?" tanong naman ni Mommy.
"Netherlands?" tanong naman ni Clau.
"What do you think, Geo?" tanong niya.
"Hmm," sabi ko. "I don't think I'll be able to make a vacation leave after this. I need to work."
"Puro ka na lang trabaho, anak," nag-aalalang sabi ni Mommy. "Don't you think you've been stressing yourself too much lately?"
"Anong lately, Mom?" sabat naman ni Clau. "She's been overworking for the past 2 years na 'no!"
"Ito naman, hindi ba pwedeng nagtatrabaho lang nang maayos para mapromote? Or para hindi sayang 'yong sweldo na makukuha ko."
"Or maybe, you work too much para makalimot."
I just shook my head and didn't say anything. Hindi na rin ako tumingin kina Mommy at Daddy dahil makikita ko lang ang hindi kaaya-ayang reaksyon sa kanilang mga mukha.
"You're 25 na," sabi ni Mommy. "You don't have to push yourself too much anak. It's time for you to take a break at least for once? At your age nga e, kasal na 'ko sa Daddy ninyo."
"Ibang generation na 'yon, Ma e," sabi ko pa. "Besides, I'm taking a break! Right now oh."
"Ayaw mo na ba talaga bumalik sa Netherlands, Geo?" tanong niya pa. She doesn't know the story back then, though.
"Para saan pa, Mom?" tanong ko. "As if may gagawin pa 'ko don. Besides, I don't wanna go back there na."
"Ayaw mo na because?" si Claudia naman ngayon.
"Tigil-tigilan mo 'ko sa kakaganyan mo Claudia susubuan na kita ng tinapay sa bunganga mo," sabi ko.
"Ito naman nagj-joke lang e, beastmode yarn?"
Mommy sighed. She looked at me intently. "Tell me, ano ba talagang nangyari sa loob ng anim na buwan na nandoon ka sa Netherlands, anak?"
I stopped chewing my food and looked at my Mom.
"It was a very cruel summer, Mother."
BINABASA MO ANG
Cruel Summer
RomansSummer. Pag narinig 'to ng karamihan, lahat ay natutuwa. All you can think of is vacation, travel, rest, and you can do whatever you want. In short, this is the best season for everyone. Walang iniisip na kung ano-ano. But what if not all summers a...