ika-19

17 5 0
                                    

A month has passed. Babalik na rin kaagad sina Mommy at Daddy sa Pilipinas, habang ako naman ay hindi pa rin pwede dahil sa kontrata na pinirmahan ko under R&L. Napagdesisyunan na rin naman ni Claudia na sumama na pabalik dahil mas maalagaan siya roon kumpara dito.

"You sure you're gonna be okay here by yourself?" nag-aalala niyang tanong.

I smiled at her. "Of course. Nakaya noong wala ka pa rito, ngayon pa kayang aalis ka ulit?"

She nodded and hugged me tight. Nasa airport kami ngayon dahil hinatid ko na sila. Kaunting oras na rin lang kasi at aalis na sila.

"Take good care of yourself anak," si Mommy. I nodded and smiled at her, and I hugged them all.

"Mag-iingat rin po kayo."

Bago tuluyang umalis, lumapit muna sa akin si Claudia at may ibinulong. "Chika ka pa rin sa'ken about sa inyo ni Kuya Bry, ah?"

I chuckled and shook my head. "I already told you, Clau. We're just friends."

She doesn't seem convinced but I didn't argue about it anymore. Tatawa tawa lang siya at nagtataas ng kilay at tumango na lang ako dahil baka maiwanan na siya ng eroplano. She waved goodbye to me and I waved at her back.

Bryson wanted to come with me to airport, but he has a very tight schedule today. Hindi ko na rin naman sinama dahil babalik na rin naman ako kaagad sa trabaho pagkatapos nito.

I went straight to the site. Medyo may progress na rin dahil nakatayo na ang mga pundasyon ng itatayong building. Marami na ulit na inutos si Engr. Tan sa akin.

Ganoon lang din naman ang nangyari noong sumunod na buwan. I've been getting busier and busier dahil sa project na ginagawa namin ngayon. Regarding Bryson and I, we have been going out for dinner and some dates, lalo na kapag day off.

"The project is going well," si Ms. Teresa sa akin. Naririto kasi ako ngayon sa opisina dahil may mga paperworks na kailangan kong asikasuhin, kaya hindi muna ako pupunta sa site ngayon.

"I would like to congratulate you, Engr. Fontanilla," dagdag pa niya. I smiled and thanked her.

"I can't do this without all of the senior engineers' help," I replied. "This is also a great experience for me too as an engineer. And I'm truly grateful because you have chosen me as one of them who will be working for this project, though I'm a newbie."

"You deserve it," sabi niya habang nakangiti.

Hindi na rin naman ako nagtagal dahil marami pa akong aasikasuhin. Nakasalubong ko naman si Dennise na abala din ngayon dahil may tinitignang mga designs. Lumapit naman ako sa kaniya.

"Design mo?" tanong ko. Napatingin naman siya sa akin at tumango. I smiled. "They're excellent."

Nakita ko rin si Lucas na ngayon ay papalapit sa akin habang masaya ang aura. He waved at me. I nodded and waved back.

"Engr. Fontanilla!" he exclaimed. "Long time no see!"

I chuckled. "Long time no see, Mr. Linden."

"Diba dapat nasa site ka?" kuryoso niyang tanong. "Ano? Miss mo na agad si Bryson? Kakakita n'yo lang nung isang araw ah?"

Napatawa naman ako roon. "Grabe naman 'to. May inuutos lang si Engr. Tan, kaya ayon. Whole day ako rito sa office."

Tumango tango naman siya roon. Hindi na rin kasi kami masyadong nakakapagkita nitong si Lucas dahil hindi naman siya pumupunta sa site. It's not part of his job, though. Ako naman, laging nasa site lang. Nag aamoy semento na nga e, pero okay lang kasi masaya naman.

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon