I made sure I won't miss any meetings or conference for the following days because I'll be going to Batangas for a little vacation and rest. I told Tita Greta that I'll visit her within this week, so here I come.
"Dalahin mo 'to kay Greta," si Mommy habang inabot sa akin ang isang malaking tupperware na may lamang ginataang bilo-bilo.
Sumimangot ako pagkatapos kong amoyin ang bilo-bilo. "Bakit kapag magpapadala kayo sa iba, ang sarap ng niluluto niyo. Tapos kapag kami kakain, hindi kayo gumagawa nito?"
Mommy chuckled and patted my shoulder. "Tikman mo na lang 'yan pagdating mo roon. It'll be good for the whole family. Send my regards to Sebastian and his family."
I nodded and kissed her cheek before going. Nang sumakay ako sa kose ay tinignan ko muna ang aking mga gamit dahil baka may maiwanan ako. I saw the bracelet, and a smile flashed on my lips as I stared at it and wore it. Pinaandar ko na kaagad ang aking sasakyan at tumulak na pauwi ng Batangas.
"I could stay awake just to hear you breathing
Watch you smile while you are sleeping
While you're far away and dreaming"
Dahil medyo matagal-tagal din ang biyahe papuntang Batangas ay napag-isipan kong magpatugtog. Hindi mo mararamdamang mahaba ang biyahe, dahil naeenjoy mo ang music na tumutunog.
"I could spend my life in this sweet surrender
I could stay lost in this moment forever
Every moment spent with you is a moment I treasure"
"I don't wanna close my eyes..." pagsabay ko sa kanta. I was just smiling the whole trip. I feel so excited and I don't know the reason why.
Pagkatapos ng dalawang oras na byahe ay nakarating din naman ako sa Batangas. Kina Sebastian na ako dumeretso, at nakita ko na siyang nagbabantay sa labas ng gate nila.
Bago bumaba, tinanggal ko muna ang porselas na bigay ni Seb at nilagay 'yon sa bulsa ko. I'm wearing a yellow polo shirt tucked in my white shorts paired with my beige top-siders. Bumaba na ako habang dala-dala ang ginataang bilo-bilo na pinabibigay ni Mommy.
Kaagad naman akong sinalubong ni Seb habang nakangiti. "You really came."
"I'm a man of my word, Seb," I smirked. "Or should I say... woman?"
He chuckled. Inabot ko naman ang padala ni Mommy sa kaniya at kinuha naman niya 'yon. "Thank you. Tara?"
I nodded and we went inside their house. Masigla naman akong binati ni Tita Greta, at niyakap. I smiled and hugged her back.
"Matagal tagal na rin kitang hindi nakikita, Hija," she said. "Mas lalo ka atang gumanda ngayon? Engineer ka na rin!"
I smiled and nodded. "Thank you po, Tita. Parang hindi po ata kayo tumatanda? Fresh pa rin!"
She suddenly hit my arms and laughed. "Ano ka ba naman, Geo! Binobola mo na ata ako!"
Humalakhak kaming lahat at nakita ko namang naroroon din si Tito Klein, ang tatay ni Sebastian. I greeted him and he smiled at me. Dahil tanghali na rin akong nakarating dito sa Batangas ay sakto na rin sa tanghalian. Nagsalu-salo naman kaming lahat sa hapag-kainan, at nagulat ako dahil ang daming handa sa lamesa, parang may fiesta.
"Pagpasensyahan mo na ang handa neng," si Tita. Umiling naman ako kaagad habang nakatingin sa mga masasarap na putaheng nakahanda.
"Okay lang po, ang dami niyo nga pong niluto..."
May kare-kare, afritada, adobong tagalog, at may mga panghimagas pa. Nilapag na rin ni Tita Greta ang isang pitsel ng iced tea sa lamesa. We then started eating together.
BINABASA MO ANG
Cruel Summer
RomanceSummer. Pag narinig 'to ng karamihan, lahat ay natutuwa. All you can think of is vacation, travel, rest, and you can do whatever you want. In short, this is the best season for everyone. Walang iniisip na kung ano-ano. But what if not all summers a...
