It's been a month since Bryson and I got together. Masaya naman, and I feel so in love everytime I'm with him. I hope the same goes well with him.
Napapadalas na rin ang dinner dates namin. Kapag naman hindi dinner date at sobrang busy sa work, sa unit na lang niya kami tumatambay at doon tumutugtog ng piano. Since hindi ko naman nadadala araw-araw ang sasakyang pinahiram sa akin ni Tita Leah, hatid sundo ako ni Bryson sa site.
The construction already has a big progress. Lagi naman akong naroroon para i-guide ang mga construction workers sa pagpapatayo ng project namin. Mas naging busy lang ako ngayon dito dahil naka leave si Engr. Tan. May aasikasuhin lang daw.
On the other hand, malalaman na rin namin ang gender ng magiging baby ni Claudia by next month. I'm getting much excited! Kukuhanin daw akong ninang, e.
Regarding our company naman, mas marami nang malalaking projects na rin ang tatrabahuhin. Mom and Dad also plan to build a new business related to construction. It's another construction company.
"That's a good idea po," I said over the phone. "It'll be a good source of income din, aside from the Fontanilla Enterprises."
"Yes," si Mommy. "I want you to handle that when it gets established. Hindi pa rin naman nanganganak 'tong kapatid mo, at may gusto raw siyang business na itatayo niya."
I nodded. Buti na lang dahil nasa kontrata naman namin ni Ms. Teresa na I can quit the job anytime since I'm just here temporarily.
"Kamusta naman ba kayo riyan?"
"Okay naman po. Medyo busy lang sa trabaho, tapos halos late na po ako umuuwi kaya di ko maalagaan si Lolo tulad noong una. Buti na lang dahil naririto naman po lagi si Manang Tess."
"Bakit ba hindi ka magrent muna doon sa Amsterdam? Tapos every weekend ka na lang umuwi sa Lolo mo para hindi hassle."
I sighed. "Gagastos pa po ako. Besides, mas maganda na 'yong dito ako umuuwi para kahit papaano ay may kasama pa rin po si Lolo sa gabi."
"Okay, anak. Mag-iingat kayo riyan."
"Ingat din po."
The next days were fine. Bumalik na rin si Ms. Teresa dito sa Netherlands at usap-usapan naman ang pagpapakasal nilang muli ni Sir Rylan. I bet it's gonna be on the news on the other day.
Usap-usapan pa lang naman. Naririto kasi ako ngayon sa kompanya at 'yon na lamang ang bukambibig ng mga tao roon na nakakasalubong ko.
Magkasama naman kami ni Bryson at mukhang wala namang pake sa mga bulungang naroroon. He's not even interested and doesn't care about it. I don't even know what's going on between them, but what I know for sure is that Bry and his father don't get along well with each other.
"Magpapakasal daw ulit si Sir Rylan at Ms. Tere?" tanong ko kay Bryson habang nasa opisina niya.
He looked at me and nodded. Ibinaling na niya ulit ang tingin sa mga papeles na pinipirmahan at mukhang wala talaga siyang pakielam.
"Why did you ask?"
"Uhm... wala naman. Parang 'yon ang pinag-uusapan ng lahat ngayong araw, e."
"Ahh."
My eyebrows furrowed, still confused and curious. "Anong masasabi mo?"
"Wala. Malalaki na sila, kaya na nila 'yon."
He looked at me again and smiled at me. Alam ko namang pinilit niya lang ngumiti para bawas tension sa usapan namin. I feel like he's getting uncomfortable with the conversation, kaya hindi ko na itinuloy pa ang pagtatanong noon.
BINABASA MO ANG
Cruel Summer
RomanceSummer. Pag narinig 'to ng karamihan, lahat ay natutuwa. All you can think of is vacation, travel, rest, and you can do whatever you want. In short, this is the best season for everyone. Walang iniisip na kung ano-ano. But what if not all summers a...