ika-25

21 5 0
                                    

Tulad nga ng sinabi sa akin ni Bry noong isang gabi, hindi na siya madalas na makakauwi dito sa apartment dahil magiging busy siya sa mga darating na araw. Nakakalungkot isipin, pero walang magagwa dahil tawag ito ng trabaho.

I'm still gonna see him everyday, though. Pero mas mababawasan ang oras namin para sa isa't isa lalo na't sa site ako magtatrabaho habang siya ay sa opisina mismo.

R&L Holdings is becoming better and better everyday. Balita ko'y may isa pa ulit silang project sa Pilipinas naman kung saan ang kapartner nito ay isa rin sa mga sikat at magaling na kompanya roon.

"Balita ko meron daw darating na bisita sina Ms. Teresa?" si Beatrice na nariritong muli sa site. Nagtaas naman ako ng kilay.

"Sino raw?"

"Ewan ko lang, parang fiancè ata?"

My eyebrows furrowed. "Kaninong fiancè?"

She shook her head. "No idea."

Her gaze shifted on my hand ang she gasped. "Oh. My. Gosh. Engaged ka na ba, Engr. Fontanilla?!"

I looked at my ring and chuckled while shaking my head. "Hindi pa. Promise ring lang."

"And eventually, it will be an engagement ring and a wedding ring!" she exclaimed. Natawa lang ako at tumango.

"Hopefully!" I said.

Bumalik na ako sa trabaho at hindi rin naman ganoong kapagod ngayong araw. Pinagmasdan ko lang ang construction na on going pa ren hanggang ngayon, at naroroon din naman si Engr. Tan na kasama ko ngayon.

Noong breaktime naman, naisipan kong magdala ng pizza para sa mga trabahador para kahit paano naman ay mabawasan ang pagod kapag nakakain sila ng masarap sarap at mainit init na pizza. Nagpasalamat naman sila at nakisalo na rin kaming mga engineers.

Nasa gitna kami ng kwentuhan nang biglang nagring ang cellphone ko at nakita kong si Bryson pala ang tumatawag. I excused myself first and went to a place farther from the crowd to talk to Bry.

"Hi!" masaya kong bati.

"Hey," he said. "I miss you."

I chuckled. "I miss you too. Musta?"

I heard him sighing over the phone. "Daming meetings. Pinag-aaralan ko pa rin kung paano patataasin ang rate ng kompanya. Medyo hectic, pero kakayanin."

"Makakaraos din tayo dyan," I said. "Kumain ka na ba?"

"Yup. Ikaw?"

"Yeah. By the way, pupunta ako dyan mamaya. I'm gonna file a vacation leave for 2 weeks. Isasama raw ako ni Tita dahil may aasikasuhin ata."

"Ganoon ba?" malungkot na tugon niya. "Then can we at least have a dinner together? Para kahit paano ay magkita man lang tayo."

"Okay," I said then smiled at what he said.

Hindi ko alam kung anong aasikasuhin ni Tita Leah. Wala lang siyang kasama at masyadong malayo na ang byahe kaya kailangan niya ng kasama, e hindi pwede si Paul dahil magsisimula na rin ang klase niya. Abala naman sa trabaho ang asawa niya at hindi pwedeng magleave dahil kakabakasyon lang nila noong nagdaan.

Dahil meron namang kasama si Lolo ay okay lang kahit ako na muna ang sumama kay Tita papunta sa pupuntahan niya. Magpapaalam lang ako sa opisina.

"Oo naman Hija," si Ms. Teresa. "Kahit gaano mo pa katagal gusto."

"Thank you po," I said. "This is just really urgent."

Madali lang naman palang kausap si Ms. Teresa. Kung sabagay, kahit anong oras ay pwede naman akong umayaw sa trabaho tutal ay hindi naman sila kulang sa engineers at anumang oras ay may ipapalit kaagad sila kung sakaling may mag back out sa trabaho.

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon