ika-30

22 6 0
                                    

"Oh my gosh, I didn't know ganoon kalala ang nangyari sa inyo!" Claudia exclaimed as she took a sip of her pineapple shake. Shook her head and then looked at me. "So you kept all of that by yourself for the past 2 years?!"

I sighed and simply nodded. Ininom ko na lang rin ang juice na inorder ko habang naririto kami sa mini restobar at maya-maya rin lamang ay babalik na rin sa cottage namin.

"Unbelievable. Why didn't you tell me?"

"E'di nastress ka pa, e buntis ka no'n," sabi ko. "Besides, okay na 'ko ngayon. 'Yon ang mahalaga."

I smiled at her, and she doesn't seem convinced by what I said. Inubos lang namin ang iniinom namin at umalis na rin doon para magtampisaw muli sa dagat.

Gabi na, at ayoko namang maglangoy nang gabi dahil natatakot pa rin akong maligo sa dagat. Kita ko naman ang mga taong masayang nakikipagkuwentuhan sa kanilang mga kaibigan habang nag-iinom. Nakakamiss naman sina Lucas at Dennise. Kamusta na kaya sila?

Ever since I went back here in the Philippines, I never got the chance to communicate with them, kahit mga simpleng kamustahan lang. Masyado akong naoccupy ng kirot na nararamdaman ko noon, at kailangan kong dumistansya sa kanilang lahat para makalimot talaga.

"Sigurado ka bang ayaw mo talaga sumama sa Netherlands, anak?" ulit pa ni Mommy noong gabing iyon. I just smiled at her and simply shook my head.

As much as I want to visit Lolo and Lola there, I don't think I'm gonna be okay once I see the country. Ewan ko ba, pakiramdam ko'y talagang babalik at babalik ang lahat kapag pumunta ako roon, kahit gaano ako ka-okay ngayon.

"Hindi pa naman sigurado kung kailan ang alis dahil napapag usapan pa lang naman," si Daddy. "Pero kung matutuloy ang pag-alis namin, ikaw na muna ang bahala sa kompanya, Geo."

"Yes, Dad."

Noong gabing iyon, hindi agad ako makatulog dahil siguro hindi ako sanay na natutulog sa ibang lugar. Besides, hindi pa rin talaga ako dinadalaw ng antok.

Napag-isipan kong lumabas muna ng cottage. Mukhang mahimbing na ang tulog ni Claudia pati na rin nina Mommy at Daddy kaya lumabas muna ako para magpahangin.

Kung gaano kainit kanina, ay siya namang kalamig ng simoy ng hangin ngayong malalim na ang gabi. Masarap sa pakiramdam, kasabay ang tunog ng pag-alon ng dagat. Ang dami tuloy pumasok sa isip ko.

I was just staring blankly at the sea while standing. Hindi rin naman ako magtatagal kaya hindi na ako umupo, at parang pinapahid ang aking buhok dahil sa hangin.

I closed my eyes and took a deep breath. It's been 2 years. Ang dami na ring nangyari. From Fontanilla Enterprises, I became the director of FCC. Mom and Dad still guide me, though. Pero ang sarap sa pakiramdam na may sarili kang kompanya, at kahit maliit ay masaya ako sa ginagawa ko.

Si Claudia naman at si Zach ay ikakasal na by next next month. I'm so excited to attend their wedding. Pati si baby Zia ay malaki na rin. She's already 2 years old, and knows how to walk. How cute.

Pagkalipas ng ilang minuto na nakatambay ako sa may dalampasigan ay dinalaw na rin ako ng antok. I yawned. Dahil sa lakas ng hangin ngayong gabi ay biglang sumuot ang ilang buhangin sa mata ko, dahilan para ako ay mapuwing,kaya kinusot ko ito.

It took me a couple of seconds to make my eyes get better, and as I opened my eyes, I saw a familiar man from afar, standing at the other side of the shore. Kinusot kong muli ang mga mata. The familiar man was very far from me, kaya baka naman namamalik-mata lang ako sa nakita.

Imposible.

Hindi ko na pinansin 'yon, at bumalik na lang ako sa cottage dahil inaantok na ako at kailangan ko nang matulog.

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon