ika-33

19 6 0
                                    

A month has passed and finally, our project has been finished. Nagpaparty naman ako sa lahat ng mga trabahador ko dahil sa isa na namang pulido at napakagandang gawa nila.

"Let's just enjoy the night and let's celebrate another victory!" I said as I hosted the party too. May mga inuman doon para sa lahat, at masaya ang mga naroroon.

I don't drink that much, that's why I just kept having conversations with my co-engineers who were in-charge with the project. Maingay rin dahil nasa isang ktv bar kami, at ang iba ay medyo may tama na kaya malakas na rin ang pagkanta sa karaoke.

"Congratulations to us!" one of the engineers said. I nodded and smiled at her as we tossed our beers and drank it.

"So what's the next project after this?" tanong naman ng isa.

"R&L," I said. "They plan to build a residential real estate."

"Residential? That's new. R&L is famous for commercial buildings. Maybe they want to explore more," sabi naman nung isa. "It's a priviledge to work with them!"

"Hindi ba't ex mo si Bryson Rodriguez?" tanong sa akin ng isang kausap ko roon. Hindi agad ako nakasagot at napainom na lamang ng beer na hawak-hawak ko. "Pero sa pagkakaalam ko, engaged na siya ngayon."

"Huh?" 'yong isa naman. "Wala naman akong nabalitaang gano'n? I mean yeah I've heard that he's engaged to a Juarez, but I think it's been cancelled."

Hindi ako nagsasalita at patuloy lamang na nakikinig sa usapan nila. Hindi naman ako ganoong kainteresado, lalo na't kung ganoong engagement na naman ang topic. Allergic na ata ako roon.

Late na rin naman natapos ang party, at marami na ring nalasing kaya isa-isa muna namin silang itinawag ng taxi. Ang iba naman, sinamahan muna pauwi para masiguradong nakauwi ang mga katrabaho nang maayos.

"Engr. Fontanilla!" lasing na sinabi ng isang trabahador. "Thank you!"

Mapungay na ang mga mata nito at papikit pikit lang. Natawa naman ako nang bahagya at tumango sabay kaway sa kaniya. "Thank you ren!"

They all went home, while I'm the only one left inside the bar. Kailangan ko rin kasi linisin at ligpitin lahat ng mga kalat para hindi na ganoong mahirapan ang mga taga linis dito. Besides, there might be misplaced belongings that I may forgot before I go home.

Napag-usapan rin namin ni Seb na susunduin niya ako ngayon dahil saktong tapos ng duty niya ay natapos rin ang aming party. I told him that I could take a taxi, but he insisted. He's waiting outside.

"Seb," I said. Lumingon naman siya at ngumiti sa akin. "Let's go."

"I told you, you don't have to pick me up," I said while he's driving. "Pagod ka na sa trabaho, tapos dadaanan mo pa 'ko rito."

"Mas panatag ako kapag alam kong nakauwi ka na."

Tumango naman ako at bumaling nang muli sa daan. Gabi na rin kasi at ibinaba na niya muna ako sa bahay bago tuluyang umuwi sa tinutuluyan dito sa Maynila.

"Thanks," I said and smiled. He nodded and I got off the car. Hinintay niya muna akong makapasok sa loob ng bahay bago tuluyang umalis.

I got startled when I turned on the lights and Claudia was there, standing in the kitchen while drinking a glass of milk. Buti na lamang dahil hindi ako nakapagsalita kaya hindi ko magigising ang mga natutulog.

"You startled me!" sigaw ngunit pabulong ko kay Claudia.

She drank her milk and smirked at me after. "Gentleman naman ni Kuya Seb. Anyare naman kaya sa isang ex?"

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon