ika-27

28 5 0
                                    

"W-What?"

"I'm Bryson's fiancè," pag-uulit niya pa. "How'd you know him?"

Lutang na lutang na ako sa oras na ito. Nanggigilid ang mga luha ko dahil nadoblehan ako ngayong gabing ito ah. Pinalis ko naman ang luha ko at magsasalita na sana nang nakita ko si Bryson na naglalakad sa may pintong mukhang bagong gising, at topless.

I clenched my hands and my tears of sorrow are now turned into tears of anger. He was so shocked to see me in front of his door and he turned his gaze to the woman a.k.a. his fiancè.

"G-Geo!" tawag niya sa akin. Lalapit pa sana siya nang umalis na ako at tumakbo paalis doon.

I was crying so hard that I find it hard to breathe dahil tumatakbo pa rin ako hanggang ngayon. I don't even know where I'd go tonight, all I did was to run and run, and I don't care where I'll end up.

Bakit ang hirap?! Bakit ngayon pa?!

"Georgianna!" I heard his voice while I was running away, but I didn't turn around and just kept running. "Geo!"

Tumakbo ako nang tumakbo, walang pake sa nakakasalamuha ko hanggang sa nahirapan na talaga ako huminga at patuloy pa rin sa pag-iyak. Tumigil ako at umupo sa tabing kalsada habang patuloy ang hagulhol.

Ang dami dami ko nang iniisip, at pakiramdam ko'y hindi ko kayang malagpasan ang lahat ng pangyayari ngayon. Yumuko ako para doon umiyak dahil wala akong magawa kundi ang umiyak nang umiyak hanggang sa maging okay na ako.

"Geo," hingal niyang sinabi. I heard his footsteps getting nearer to me. He held my wrist but I immediately removed my hand.

"Geo, hindi ko alam-"

"Kaya ba hindi mo sinasagot mga tawag ko, ha Bry?!" sigaw ko sa kaniya. Galit na galit ako sa kaniya, dahil nagawa niya akong gaguhin. "Tangina, sagot!"

"Hindi ko alam na nandon si Mavie," hinawakan niya ang kamay ko pero kaagad kong inalis at lumayo sa kaniya. "Geo, maniwala ka please."

Malalaking luha ang nabuo sa mga mata ko dahil sa sobrang galit. Habang nagsasalita ako ay patuloy na pumapatak ang luha at kaagad kong pinalis ito.

"Maniwala? Paano ako maniniwala sa'yo e pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto siya ang bubungad, tapos hubad pa?! So ano 'yon, trip trip lang ganoon?!"

"Geo I didn't know-"

"Puro ka na lang hindi mo alam!" I pushed him using my index finger. "Ano pang alam mo?! Ang gaguhin ako?!"

"Mahal na mahal kita alam mo 'yan-"

"Tangina tama na!" I yelled at him. "Akala ko iba ka. Akala ko nandyan ka pag kailangan kita. Akala ko ikaw na."

"Geo 'wag ka namang ganyan," his voice broke. "Nalasing ako kanina, h-hindi ko namalayang sumama sa apartment si Mavie. I swear she's not my fiancè, I've cancelled the engagement noon pa man. Please Geo, maniwala ka please."

Kinukurot ang puso ko habang nagpapaliwanag siya. Gusto ko siyang paniwalaan pero sobrang salungat 'yon sa bumungad sa akin kanina. Pinalis kong muli ang luha ko at hinarap siya nang maayos.

"Alam mo ba kung ano'ng nangyari ngayon?" pinilit kong magsalita nang maayos. Pagod ko siyang tinignan at walang ni kaunting bahid ng pagmamahal ang tingin ko sa kaniya.

"N-Namatay na si Lolo Roman," I tried my best to sound normal but my voice broke in the end. "I've been trying to call you but you won't answer my call, hindi ko alam kung paano ako makakauwi kaagad dahil napakahaba ng biyahe mula sa pinuntahan namin."

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon