Mapapatalon ako sa upuan ko nang marinig si Bryson na nagsalita sa likod ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko habang papalapit naman ang mukha ni Bryson sa akin.
"Y-You startled me!" galit kong sinabi. "Kanina ka pa ba riyan?"
He then sat beside me, and ordered a glass of whiskey. He then shifted his weight and faced me.
"Type ka 'non," he said with so much jealousy in his tone. "Tss. Mas gwapo pa 'ko roon."
I tried my best not to smile at him. I forced myself to keep a poker face but he just keeps whining like a baby. Nakatingin lang ako sa kaniya.
"Sus, gwapo ba 'yan," pang-aasar ko pa. Tumatango-tango naman siya tapos uminom ng whiskey na kanina niya pang iniinom. Mukhang marami-rami na rin siyang naconsume na alak.
"Kung alam mo lang, maraming nagkakandarapa na babae sa'ken. Ako na nga umaayaw sa kanila, e."
"Oh e bakit di na lang sila ang girlfriend-in mo?"
He looked at me with those eyes that makes me feel in love and scared at the same time. I suddenly felt my heart pounded so hard the moment he didn't tear his eyes off me.
"Dahil ikaw ang gusto ko."
Pakiramdam ko, anumang oras ay maaring sumabog ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. I can't even see and notice other people around me right now, and all that I see is Bryson in front of me.
I wanted to say yes to him noon pa man, lalo na't may gusto rin naman ako sa kaniya, pero hindi ko alam kung bakit parang hindi pa ako handa sa kung ano man ang mangyayaring sunod pagkatapos ko siyang sagutin.
I don't wanna rush things. I want everything to happen in accordance to the God's perfect time. Kapag nangyari 'yon, wala na akong hahanapin at hihilingin pang iba.
But now, I feel like I'm ready to start a new relationship with him. Proving himself that he's really reliable and always there right by my side, I know he can bring out the best in me. I can see my future with him.
"You're very much drunk now," nag-aalala kong sinabi kay Bryson na ngayon ay mapungay na ang mga mata dahil siguro sa dami ng alak na ininom ngayong gabi.
"Kelan mo ba ako sasagutin, Georgianna?" tanong niya pa.
I sighed. "Kapag hindi ka na lasing."
He smiled brightly. "Hindi na pala dapat ako nag-inom. Sayang."
I chuckled. "Sayang nga."
Nauna na si Ms. Teresa at ang tatay ni Bryson dahil maya-maya na rin naman ang flight nito pabalik sa Pilipinas. Ang mga ibang empleyado naman ay nauna na rin pagkatapos ng dinner namin, kaya ang tanging natira na lamang ay iilan.
"Okay lang po ba si Sir Bryson?" tanong noong isang employee roon. Sumulyap ako kung nasaan si Bryson at nakitang mahimbing na ata ang tulog niya sa may bar. Bumaling naman ako doon sa nagtanong at ngumiti nang bahagya.
"Magiging okay rin 'yan, ako na ang bahala."
Tumango naman siya. Ang ibang mga engineers na nag-iinuman ay magpapaalam na rin sa amin. Sa akin na sila nagpaalam dahil wala na rin naman sina Ms. Tere, at tulog na tulog naman si Bryson.
"We'll be going, Engr. Fontanilla," sabi nung isang engineer doon.
"Ingat, Engr."
Noong kaming dalawa na lang ni Bryson ang natira doon, natigilan muna ako ng ilang segundo para isipin kung paano ko 'to isasakay sa kotse. I don't even know if he has brought his own car. Well I brought mine, so kahit iwanan ko na lang muna ang sasakyan niya at balikan na lang niya kapag okay na siya bukas.
BINABASA MO ANG
Cruel Summer
RomanceSummer. Pag narinig 'to ng karamihan, lahat ay natutuwa. All you can think of is vacation, travel, rest, and you can do whatever you want. In short, this is the best season for everyone. Walang iniisip na kung ano-ano. But what if not all summers a...