Sa tatlong araw na lumipas, maganda naman ang naging takbo ng buong maghapon. Bry and I always keep updated with each other, kahit gaano kabusy. Naging abala na rin kasi ako dahil ako na ang nagd-drive kapag may aasikasuhin si Tita.
Araw-araw ko namang kinakamusta si Lolo. Aling Tess said he's doing well, kaya kampante ako. Mukha namang ilang araw lang ang kinakailangan at makakabalik na rin kaagad kami.
"Dami pa ring meetings," pagod na sinabi ni Bryson habang kausap ko sa telepono. "Daming upcoming projects na kinakailangan iapprove, e."
"Kaya mo 'yan love, ikaw pa," I cheered him up. "Ganyan talaga kapag magiging CEO ka na. Labas tayo pagkabalik ko."
"Dapat lang. Miss na miss na kita e. Napakalungkot ng mga araw ko kapag 'di kita kasama."
I chuckled. "Sus! Baka naman may iba ka nang inaatupag dyan kaya busy ka na lalo."
"Kung meron man akong ibang aatupagin bukod sa trabaho, ikaw lang 'yon Georgianna. Handa akong magpakabusy sa'yo kesa sa trabaho. Kelan ka ba kasi uuwi, nakalimutan ko na tuloy kung pa'no ka humalik."
"Bry!" suway ko. Humalakhak naman siya habang namumula naman ako dahil sa hiya. Natanaw ko naman si Tita Leah na ngayon ay paparating na mula sa pinuntahan. "Sige na, nandito na si Tita. I love you."
"Okay, I love you too. Update mo 'ko ah."
Tita Leah came and we started driving again. We stopped by the nearest fastfood chain to eat lunch since we've been driving for a lot of hours now. Mukhang sa business ang inaasikaso ni Tita at napakahalaga siguro.
Pagkatapos kumain ay may pinuntahan lang ulit kami at kalaunan ay umuwi na rin. Pagod sa pagkadrive ko buong maghapon, pero masaya naman.
The next day, nagising ako ng 8 am dahil ngayon na nga pala ang gender reveal ni Claudia. Sayang nga lang dahil wala si Lolo at nasa malayo, at ganoon na rin kay Bry dahil sobrang busy sa trabaho.
Ang daming pasuspense ng event na 'yon at may ilan pang bagay na ginawa bago malaman ang tunay na kasarian ng bata.
"Ready na ba kayo?" sigaw nung isa kong Tita. Nakita ko naman sina Claudia, may katabing lalaki sa unahan. Siguro'y siya ang ama ng batang dinadala ng kapatid ko.
"In 3, 2, 1..."
"It's a girl!" nagsigawan at palakpakan ang mga taong naroroon at nalugod din kaming dalawa ni Tita Leah habang naroroon sa labas ng bahay at kavideocall ang mga nasa Pilipinas.
Nagpaputok din ng party poppers pagkatapos na pagkatapos ireveal ang gender.
"Congratulations, Clau!" Tita and I said. Kumakaway kaway naman si Claudia sa camera at nagpapasalamat. Naroroon din ang mga iba naming kamag-anak kaya naman nagkaroon na rin ng kaunting kamustahan.
"By the way, I would like you to meet my boyfriend," si Claudia. Tinawag naman niya ang boyfriend niya na lumapit kaya nakita ko sa camera. "This is Zach."
Tumango naman si Zach at bumati sa amin. I haven't met him personally, and I don't think we've met even for once. But based on what I'm seeing right now, mukhang may hitsura din ang batang ito.
Hindi naman nagtagal at binaba na rin namin ang tawag pagkatapos ng ilang saglit na kasiyahan habang nag-uusap usap tungkol sa magiging anak nila Claudia.
Nagtataka naman ako dahil mag alas nuebe na ng umaga at hindi pa rin nagtetext o kahit anumang paramdam si Bryson. Naisip ko siyang itext.
Ako:
Hey, nasa work ka na ba?I waited for his reply pero ilang oras na ang nakakalipas at wala pa rin siyang kahit anong reply. Baka naman busy lang. Imposible namang tulog pa 'yon hanggang ngayon dahil may trabaho siya.
BINABASA MO ANG
Cruel Summer
RomanceSummer. Pag narinig 'to ng karamihan, lahat ay natutuwa. All you can think of is vacation, travel, rest, and you can do whatever you want. In short, this is the best season for everyone. Walang iniisip na kung ano-ano. But what if not all summers a...