ika-24

19 5 0
                                    

Days have passed and everything went back to normal. Naging okay na rin naman siya kahit paano at maganda naman ang naging takbo ng mga nagdaang araw. I was still busy with my work at the site, pero hindi na ganoong kahectic dahil bumalik na si Engr. Tan.

Hindi muna kami magkasama ni Bry ngayong buong araw dahil marami rin siyang kelangang gawin sa opisina. Aniya'y kaliwa't kanan daw ang meetings niya at sunod sunod ito kaya hindi ko na rin pinilit na makipagkita sa akin dahil paniguradong pagod na pagod ito pagkatapos. 

After work, napag isipan ko namang mag grocery muna dahil konti na lang ang stock na nasa apartment. Kailangan ko na ring bumili ng mga essential needs at gamot na rin para kay Lolo.

Dumaan muna ako sa ibang mga botique para magtingin ng mga damit na maari kong magustuhan at bilhin na rin kung gusto ko ito. Wala namang makitang maganda so nagderetso na lang ako sa supermarket.

It took me an hour and half in buying foods and many more. Medyo mabigat ang mga bitbit ko ngayon dahil nakalimutan kong magdala ng push cart kahit palabas lang ng supermarket. Sakto naman dahil nakita ko ang tatay ni Bryson. I'm not sure if I'm going to greet him or not.

"Oh! Georgianna Fontanilla," he said and flashed a smile on his face. I smiled awkwardly and nodded.

"Sir, good evening po," sabi ko. He chuckled and shook his head.

"Tito na lang, Hija. Magkapartner naman ang kompanya na'tin. Isa pa, mukhang malapit kayo sa isa't isa ng anak ko."

Naalala ko naman ang kwento ni Bryson. Well, kung titignan naman talaga ang kaniyang ama ay mukhang mahitsura din noong kabataan niya. Hawig din sila ni Bryson sa ibang parte ng mukha.

But a question keeps popping in my mind right now. How could he do that to his own family? And is it true that he's the reason why Bry's mom died?

"Pauwi ka na ba, Hija?" tanong pa niya. Natauhan naman ako bigla at mabilis na tumango. Tinignan naman niya ngayon ang mga plastic na hawak hawak kong ang laman ay mga pinamili ko. "I'll help you carry that. Mukhang mabigat."

Medyo malayo ang naparkingan ko kaya medyo awkward dahil hindi ko naman kaclose ang tatay niya tapos ganoon pa ang narinig ko tungkol sa kaniya. Hindi ako nagsasalita, hanggang sa siya na ang naunang magsalita.

"I'm pretty sure you've already noticed that Bryson and I are not close, right?" tanong niya. I awkwardly laughed a bit to break the tension and awkwardness because the topic is too much serious.

"Nakita ko siyang umalis sa araw ng kasal namin, umalis siya noong gabing nasa reception na," sabi pa niya. "At kita ko ring sinundan mo."

I looked away because I don't really know what to feel. I feel like I'm guilty of what happened. Pero ano naman ang ikakaguilty ko, 'diba? E wala naman akong ginawang mali.

"P-Pasensya na po."

"Wala namang problema, Hija. Hindi ko rin masisisi ang anak ko lalo na't malaki ang kasalanan ko sa kaniya."

He sighed. "We were once close back then. Baka nga nakwento na niya sa'yo kung bakit kami bigla na lang nagkalamigan."

Hindi na ako sumagot dahil baka isipin naman niya na ganoon ang ikinukwento ng anak niya sa harap ng iba. Ayoko naman noon.

"Maybe if you knew what I did in the past, baka mag-iba rin ang pagtingin mo sa akin tulad ng ginawa ni Bryson."

"Opo... a-ay este! hindi... ko po..."

Though hurting inside, he just laughed a bit. "So you knew, Hija."

"Ah eh..."

"Ayos lang naman. Hindi ko rin masisisi ang anak ko kung ikukuwento niya sa ibang kakilala niya."

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon