ika-39

20 6 0
                                    

Kinaumagahan, nagising ako na nakayakap sa akin si Seb. When I moved a bit, he got awake and looked at me as he smiled.

"Good morning," he said while still hugging me.

"Good morning," tugon ko naman.

Hinawi niya ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko at niyakap akong muli. I chuckled and hugged him back. After a couple of minutes that we were hugging each other, I tapped his back and released my hug.

"Tara na, tanghali na," I said. Mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.

"Mamaya na, minsan lang tayo magtabi e..." kinurot ko naman siya dahilan para mapa-aray siya. I giggled.

"Tara na, baka hinahanap na tayo nina Tita. Isipin pa may ginagawa tayong kakaiba rito."

Kumalas siya nang bahagya sa yakap at tinignan ako habang nanliliit ang mga mata at nakangiti. I raised my brows at him. "Bakit? Gusto mo ba?"

Hinampas ko naman siya kaagad at lumayo. "Sebastian!"

He laughed. Bumangon na rin ako kinalaunan at maging siya ay bumangon na rin. Inayos ko ang kama bago kami lumabas sa kwarto. Pagkalabas naman ay gising na gising na si Tita, at naghahanda nang muli ng umagahan namin.

"Gising na pala kayo," si Tita. Tumango naman kaming dalawa. "Halina kayo't kumain na tayo ng umagahan."

I went to the bathroom first to wash my face and fix my hair. Pagkatapos naman ay dumeretso na rin ako sa hapag-kainan upang makisalo sa pagkain.

Maagang umalis si Tito kaya ako, si Seb, at si Tita Greta lamang ang nagsalu-salo ngayong umaga. Baka hindi na rin kami magtagal dahil kailangan ko rin pumasok ngayon. Si Seb naman ay may aasikasuhin ata sa Manila kaya doon din siya pupunta ngayon.

"Tutulak na ba kayo papuntang Maynila ngayong araw?" tanong ni Tita Greta. Tumango naman ako habang ngumunguya ng pagkain.

"Opo," sabi ko pagkatapos. She nodded.

"E ayos naman ang tulog niyo kagabi?" tanong niya. Seb and I looked at each other and nodded. I twisted my lips to hide my smile. "Mukhang maayos nga."

We chuckled and continued eating breakfast. Ilang kuwentuhan pa ang naganap habang nasa hapag-kainan nang nagulat naman ako dahil may sinabi si Tita sa amin.

"Hindi ako chismosa ha, pero kayo na nga?" She giggled. "Nakabukas kasi ang pinto kagabi, e narinig ko usapan niyo."

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil nahihiya. She even had to hear and witness that! Si Sebastian ang nagsarado ng pinto at napatingin ako sa kaniya. He just looked at me with those guilty eyes.

"Hindi ko alam..." he whispered.

Okay lang naman, it's not a big deal. Nakakahiya lang kase nakita pa ni Tita. We're supposed to be the one telling her, but she already knew about it. Tita Greta laughed.

"Pag kayo ang nagkatuluyan hanggang sa huli, ang hiling ko lang ay maraming apo ha," she giggled and tapped Sebastian's shoulders. "Hirap ng iisa lang e."

"Masusunod, Mama," Sebastian chuckled and winked at me. I'm not ready for this conversation. I feel like my face is heating up so bad.

"Excited po anak nyo Tita oh," sabi ko habang nanliliit ang mga mata kay Seb. He scoffed and laughed while looking at me.

"Ako ba talaga, Geo? Noong isang araw ka pa ngang ano dyan e-"

"Ano ano ano?" sumbat ko. Tita Greta laughed and just shook her head. On the other hand, Seb mocked me then laughed again.

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon