ika-35

18 6 0
                                    

Bryson and Lucas were so drunk last night. Si Sebastian lang ang hindi gaanong nalasing sa kanilang tatlong mga lalaki. Mataas kasi ang alcohol tolerance nito.

I just can't believe what happened after they all drank. Sumuka na nang sumuka si Lucas samantalang si Bryson naman ay halos matulog na doon sa bar. I just asked Seb a favor, and I know he's against it but he just couldn't help but granted my favor.

Dennise had no choice last night but to go home early with Lucas, so the three of us were left at the bar. Ito na naman tayo kay Bry, e. Ang hilig mag-inom pero pag nakarami naman, ang hirap iuwi.

"I'm sorry, Seb. I just can't leave him here," I said.

He sighed. "Yeah. I understand."

Dahil nga nasa army si Seb ay madali niyang naitayo si Bryson at inalalayan papunta sa kotse. Bryson can't drive the car, so he's gonna ride on Seb's car.

"Sure ka ba?" nag-aalala kong tanong kay Seb. "Pwede namang ipagdrive ko na lang siya pauwi, tapos uuwi na rin ako pagkatapos."

"Kahit idrive mo na lang ang sasakyan niya," aniya. "Sabihin mo na lang kung sa'n siya nakatira tapos sumunod ka na lang sa akin."

Tumango naman ako roon. He still keep his calm face, but I know that he's tired. Above than that, sino ba namang gustong maghatid sa karibal mo, 'diba?

Sinundan ko lang sila habang papunta na sa bahay ni Bryson. Medyo natraffic pa as usual, kaya medyo natagalan bago kami tuluyang nakausad at makarating sa bahay niya.

I got off his car first, and then I immediately went to Bryson and Seb to assist Seb as he carries him. Sinalubong naman kami ng isang kasambahay doon ni Bryson, kaya doon ko na lang binigay ang susi ng kotse nito.

Sa sofa na lang ibinagsak ni Seb si Bryson, at mahimbing na mahimbing na ang tulog nito. A thought suddenly came to my mind.

What if he didn't drink that day?

What if hindi dumating si Mavie? Kami pa kaya hanggang ngayon?

Ano na kayang nangyari sa kanilang dalawa?

I sighed. Natauhan ako bigla nang tinatawag na ako ni Sebastian. Nakita kong may suka ang dami ni Seb kaya kaagad ko naman itong nilapitan.

"May damit ka bang dala? Nasukahan ka!" I said.

He looked at his t-shirt and he muttered a curse. Tumingin naman siya sa akin at itinuro ang kotse niya gamit ang nguso. "May damit ako roon, makikikuha na lang ako. Nasa trunk, sa loob ng bag."

Kaagad naman akong tumango at kinuha na ang damit na tinutukoy niya. He has a lot of clothes inside that bag, and I'm not gonna wonder why because he really needs to change clothes from time to time.

He changed his t-shirt. Sabi niya'y pagkauwi na lang daw siya maliligo dahil gabi na rin at kailangan na naming umuwi. Tumango naman ako at nagpaalam na doon sa kasambahay at sinabing siya na ang bahala kay Bry. Tumango naman ako at ngumiti.

Pagkarating sa bahay namin, hinarap ko muna si Sebastian bago bumaba.

"Kung gusto mo naman... pwede ka muna rito matulog," sabi ko. He tilted his head and looked at me with a ghost of smile on his lips. "W-Well, traffic. Bago ka pa makauwi sa inyo."

"Ayos lang?" he asked. Umiwas ako ng tingin at tumango. "Sure?"

"Oo nga," I said. "Pero that doesn't mean anything, ah? Baka may ineexpect ka e. Siyempre, gabi na gano'n. Baka kasi pagod gano'n... pero walang meaning talaga!"

He chuckled. "Wala naman akong ineexpect, ah? Ikaw siguro may iniisip na iba?"

My eyes widened and immediately shook my head. He laughed. "Cute mo, Geo."

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon