Lumipas ang ilang araw, at mas gumiginhawa na ang pakiramdam ko. Dahil hindi pa rin ako pinapapasok nina Mommy at Daddy sa trabaho ay ipinagmamaneho ko na lang si Claudia kung saan niya gustong pumunta dahil abala rin si Zach sa trabaho.
It feels so good to be back here in my hometown. Noong lumabas kami ni Claudia ay dumaan na rin kami sa simbahan bago umuwi para magdasal at magpasalamat.
Now that I've gone to the church, pakiramdam ko'y mas lalong gumaan ang mga dinadala ko ngayon. Lagi lang alalahanin ang Panginoon sa lahat ng oras, at manalig ka. Dahil sa paraang iyon, hindi ka Niya pababayaan at malalampasan mo rin ang lahat ng pagsubok na dumarating sa iyo.
Habang palabas naman ng simbahan ay nagkasalubong kaming muli ni Seb na mukhang papasok pa lang sa simbahan. Claudia waved at him, and he smiled and waved at us too.
"Kuya Seb!" Claudia greeted. "Wow! Ang laki na ng pinagkaiba mo!"
Sebastian chuckled and nodded. "Ikaw rin! Tagal na tayong 'di nagkita ah."
He shifted his gaze to me. I nodded and smiled at him while he was smiling brightly at me. Bumaling siyang muli kay Claudia dahil may sinasabi ito sa kaniya.
"May gagawin ka ba pagkatapos mo sa simbahan?" tanong ni Claudia kay Seb. "Tara sa bahay mamaya! I'm gonna bake lasagna."
"Uy! Favorite ko ah!" si Seb. Claudia chuckled. Sumulyap naman sa akin si Seb at nagtaas ng kilay. Nagtaas din naman ako ng kilay. "Okay lang ba kay Geo?"
"Bakit naman hindi?" tugon ko. A wide smile flashed on his lips and nodded. Si Claudia naman ngayon ay excited na excited. I looked at her and chuckled.
"Sige, dadaan lang ako sa simbahan tapos susunod na 'ko sa inyo," he said while smiling. Tumango naman kaming dalawa at nauna nang umalis samantalang si Seb naman ay papasok na rin sa simbahan.
Habang nasa biyahe naman pauwi, nagkakuwentuhan kami ni Claudia. "Grabe 'no? Lalong gumwapo si Kuya Seb!"
I chuckled. She's right, though. Sebastian was one of the campus' heartthrob when we were still in high school. Varsity ba naman, syempre maraming makakapansin sa kaniya.
Medyo halong maputi at kayumanggi ang kutis ng balat, matangkad, at brown ang kulay ng mga kaunting mabilog na mata. Noong high school 'yon. Ngayon namang may kanya-kanya na kaming mga trabaho, mas naging matured ang mukha nito. He's got more handsome too, and more masculine dahil nasa army siya.
"You know what? Bagay kayo!" she exclaimed. "Kaso, may boyfriend ka na."
"I'm single, Clau."
Tumawa lang ako nang bahagya. Nanlaki naman ang mga mata niya at kalaunan ay nagsalubong ang dalawa niyang kilay. "Huh? E ano kayo ni Kuya Bry?"
"W-Wala."
Makalipas ang ilang saglit ay nakauwi na rin kami sa bahay. Claudia then started preparing the materials and ingredients needed in baking lasagna. That's my favorite pasta dish too.
I let her do the cooking. I was just assisting her if she need anything. Habang wala pa siyang kailangan ay naroroon lang ako at pinapanood siya kung paano niya lulutuin ang lasagna.
Akalain mo 'yon, mas naging close kami noong nagpunta siya sa Netherlands. We shared each others' secrets and that made our sisterhood stronger and better. I think that's the only good thing that I got from there.
I sighed. She suddenly looked at me after I did that. She tilted her head, then turned her gaze on the lasagna she's preparing right now.
"Laki ng problema ah," she said. "Baka naman gusto mo ishare, baka lang naman."
BINABASA MO ANG
Cruel Summer
RomanceSummer. Pag narinig 'to ng karamihan, lahat ay natutuwa. All you can think of is vacation, travel, rest, and you can do whatever you want. In short, this is the best season for everyone. Walang iniisip na kung ano-ano. But what if not all summers a...