ika-28

25 6 0
                                    

Konti lang ang tulog ko sa byahe habang sakay ng eroplano. I was sitting beside the window, and I was just staring at the sky for so long. Sina Mommy at Daddy ay lagi akong kinakamusta at sinasabi ko lang lagi na okay ako. Kahit hindi naman talaga.

At night time, Mom and Dad were sleeping while I'm still here, hindi dinadalaw ng antok. I was still staring at the sky. Pinagmamasdan ko lang ito habang unti-unti ring pumapatak ang luha sa aking mga mata.

To be honest, I really didn't expect all of these to happen. From Lolo's death to the break up. Hindi ba pwedeng kahit ilang araw na pagitan lang bago kami magbreak ni Bryson? Bakit kailangang sabay pa?

Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing naalala ang lahat ng nangyari sa Netherlands. Lalo na 'yong sa amin ni Bry. I've been so in love with him, and I don't think I can easily move on. But I will.

Ang sakit. Hindi ko inakalang magagawa niya sa akin 'to. I'm willing to give everything to him, but he lied to me. Akala ko tamang tao na, mukhang hindi pa pala.

I was crying silently, afraid to wake Mom and Dad up. Ayokong nakikita nila akong umiiyak hanggang ngayon. Patuloy lang ang pag iyak ko dahil naalala ko ang sinabi ng isang taong hindi ko na maalala kung sino.

"Iiyak mo lang 'yan. Magiging maayos din ang lahat."

I didn't notice I fell asleep. Pagkagising ko ay umaga na, at paga ang mga mata ko dahil magdamag akong umiyak nang umiyak.

Isa pang stop over at nakarating na rin kami sa Pilipinas. Gabi noon, kaya habang maglalanding na ang eroplano ay nakikita ko na ang mga maliliit na ilaw ng Maynila. I closed my eyes and took a deep breath.

This is it.

Pagkababa na pagkababa ng eroplano, kakalimutan ko na lahat.

Sinalubong na kaagad kami nina Claudia at ng boyfriend niya. She hugged me as soon as I got near her. She's teary-eyed and she hugged Mom and Dad as well. Napatingin naman ako sa boyfriend at pagod siyang binati. Tumango naman siya sa akin at bumati pabalik.

Hindi kami dumito sa Maynila. We went to Batangas and will stay there for the mean time dahil doon kami makakapag relax. Besides, it's our hometown and we were just staying here in Manila because of work and of course, our studies back then.

Tahimik ang lahat habang nasa byahe. Ako naman, hindi nagsasalita at nakapikit lamang ang mga mata habang nakasakay at nakikinig ng musika.

Bitaw, hihilom din ang sugat
Yakapin ang mga oras
Titigil din ang ulan
Titigil din ang ulan

Tears started to fall again. I just kept my eyes closed and let the tears fall. Hindi ko na pinalis ang aking mga luha at hinayaan na lamang na mabasa ang neck pillow ko.

Kumapit ka sa dalangin
Pakinggan mo ang aking hiling
Ika'y babangon muli
Ika'y babangon muli

Just like what was said in the song, hihilom din ang sugat. Titigil din ang ulan. This song hits so hard, lalo na sa sitwasyon ko ngayon kaya hindi ko na maiwasang maging emosyonal.

Pagkarating namin sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto para magpahinga. Ang daming notifications mula sa social media ko na mga chats at messages. Tinignan ko naman ang mga iyon at naroroon ang chats ng mga kaibigan ko. They sent their deepest condolences and I just reacted a heart to their messages.

Nakita ko kung sino ang may pinakamaraming message sa akin.

It was Bry.

I turned my WiFi off and went to bed. Ayoko nang mag-isip. Pagod na akong umiyak. Gusto ko na munang magpahinga.

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon