ika-13

25 4 0
                                    

Another week has passed. Nothing new, same things just happened within the whole week. Si Bryson naman, naririto sa unit namin ngayon dahil inaya ko siya na dito na muna mag-umagahan kasama kami nina Claudia at Lolo.

Sa gitna naman ng kwentuhan ay iniba ni Bryson ang usapan.

"Ms. Teresa wants to meet you," aniya. "She's interested in your company. Mas gusto pa raw niya nang explanation since she wasn't around noong nagpresent ka sa board."

Dahil sa sobrang kagalakan ko ay hindi ko na napigil ang sarili ko sa pagyakap sa kaniya.

"OMG!" I exclaimed. "Kelan ba?"

"Tomorrow," tugon ni Bry. "I'll just pick you up. Sabay na tayong pumunta roon."

Tumango naman ako. Pumalapak naman sa tuwa si Claudia dahil mukhang makukuha na namin ang partnership with the R&L.

Dahil excited na excited na akong pumunta roon ay ginayak ko na kaagad ang aking mga isusuot for tomorrow pero nahihirapan ako sa choices na nakalapag sa kama ko ngayon.

Tinulungan na lang ako ni Claudia sa pagpili ng susuotin ko at maganda naman 'yon. Saka ko na lamang ibabalita kina Mommy at Daddy ang tungkol rito kapag siguradong naaprubahan na ang partnership namin.

The next day, sobrang aga kong gumising para mas makapaghanda sa pagpunta roon sa Amsterdam dahil ayoko na mal-late ako lalo na at 'yong CEO mismo ang makakausap ko.

It's already 7 am in the morning and Bryson is already waiting downstairs.

"Let's go?" tumango naman ako roon at sumakay na sa sasakyan.

I feel like my hands are very cold right now, and I'm quite nervous. Mas kinakabahan pa ako sa oras na ito kumpara noong nagpresent ako sa harap nang karamihan.

I got startled when Bryson held my hand. He looked at me. "Don't be tensed, you can do it."

I smiled at him. Bumaling na akong muli sa daan at huminga nang malalim. Napagtanto ko rin kinalaunan na parehas ang sinabi nila ni Lucas noon. Magkaibigan nga talaga 'tong dalawang 'to.

After a couple of minutes, we then reached our destination. Sabi nga ni Bryson kahapon, maaga raw na papasok sa opisina si Ms. Teresa dahil marami raw siyang appointments. I don't know how to explain what I'm feeling right now since I'm the first among her clients today.

Bumati naman ng 'good morning' ang mga guardia at ang ibang staff ng kompanya. Naalala ko, isa nga pala sa magmamana 'tong kasama ko ngayon.

Sakto naman dahil nakasalubong din namin si Lucas na dala-dala pa ang kaniyang bag ngayon.

"Hey!" Lucas said while waving at us. Kumaway naman ako pabalik at nginitian siya. "Balita ko may appointment ka raw with Ms. Teresa?"

Tumango naman ako roon. "Yeah. I'm quite nervous."

"Don't be!" he said. "Mabait naman 'yon... minsan? Kelangan mo lang talaga timing-an."

Lalo naman akong kinabahan doon. Mataray nga kaya siya? I mean based on her interviews, she seems to be a very feisty person. She's the serious type of woman.

Sabay-sabay naman kaming sumakay sa elevator. Mas nauna nga lang na bumaba si Lucas dahil sa mas mataas na floor kami pupunta ni Bryson. He accompanied me in going to the CEO's office. Besides, I think it's where his office is located too.

"Update me," bulong sa akin ni Bryson bago kami maghiwalay. "I'll see you later."

I nodded and smiled at him. Before entering the CEO's office, I took a deep breath and put a smile on my face para naman kaaya-aya ang mukha ko kapag pumasok sa loob ng opisina niya.

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon