ika-15

23 5 0
                                    

"What?" he asked me.

"I'm in love with you too," sabi ko sa kaniya. Bakas naman ang gulat at halo-halong emosyon sa mukha niya nang sinabi ko sa kaniya 'yon. "But! That doesn't mean we're officially together. Ligawan mo muna 'ko."

Sumaltik naman si Bryson sa sinabi kong 'yon. I smirked. Aba baket? Akala niya ba ay madali akong makuha? Hell no!

"So what are we?" tanong niya habang nakanguso.

"Friends?" sabi ko naman. He groaned while I chuckled. "Hindi na tayo highschool!"

"Ikaw 'yong parang high school diyan e," pabulong niyang sinabi. Tumawa na lamang ako at napailing.

"I'll say yes to you eventually," sabi ko. "Kapag niligawan mo na 'ko."

"Hindi pa ba 'to panliligaw sa'yo?" tanong niya. Umiling naman ako roon. He sighed.

Nakailang girlfriend na ba ito at hindi ata alam kung paano ang sistema ng ligawan? O baka naman dahil sa taglay nitong kagwapuhan ay hindi na niya kinakailangang manligaw dahil ano mang oras ay sasagutin na agad ito ng babaeng tipo niya?

We stayed there in his unit for a couple of hours more, but I still have to go home as early as I can even though we're just neighbors.

Noon namang pauwi na ako ay hinatid pa rin ako ni Bryson sa tapat ng unit ko, at bago ako tuluyang umalis ay hinalikan ko muna siya sa pisngi niya.

"Thanks for tonight," sabi ko habang nakangiti. "Nagulat ako sa confession mo."

He chuckled. Aakma naman siyang halikan akong muli sa labi pero pinigil ko yon gamit ang aking index finger. He pouted like a baby, pero hindi pa siya tumatalab sa akin ngayon. Maybe next time, Bry.

"Goodnight,"  nagtatampo niyang sinabi pero pabiro.

I chuckled. "Goodnight, Bry."

The next day is my first day at work. Since I'm a newbie there, I'll be at the office for a couple of days I think? Because I need to be briefed regarding the do's and don'ts, and how the system works in R&L Holdings.

Nagulat naman ako nang biglang nakita si Bryson na nasa tapat ng pinto. He smiled at me, and he's off to work now.

"What are you doing?" tanong ko.

"Manliligaw?" sabi niya. Nagtaas naman ako ng kilay sa kaniya. Ngumisi naman siya sa akin. Tumuloy na lang ako sa paglalakad at mukhang sabay na kaming papasok sa trabaho.

"Goodluck on your first day at work," sabi ni Bryson habang nasa byahe kami papasok sa trabaho. Tumango naman ako roon.

"Thanks," sabi ko.

"Let's have lunch together," aniya. "Where do you want to eat?"

"Ikaw bahala," sabi ko naman. Tumango naman siya roon.

"How about dinner?" tanong naman niya. Napatawa naman ako kase talagang gusto niya planuhin lahat, e ang aga aga pa naman.

"Chill ka lang," natatawa kong sinabi. "Papasok pa lang tayo sa opisina tapos pang gabi na agad iniisip mo."

"Excited lang," he replied. Napailing naman ako at tawang tawa. He then chuckled softly, too.

Pagkarating naman doon sa kompanya ay naghiwalay na kami ni Bryson dahil mas mababa ang floor na pupuntahan ko.

"I'll see you later," aniya. Tumango naman ako at ngumiti. He was about to kiss me but I stopped him. He's pouting again and I just shook my head. Ayon, malungkot na naglalakad. I chuckled softly.

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon