I wasn't able to sleep well last night. Nagpatugtog na rin ako ng mga kanta na maaring makapagpatulog sa akin ngunit ni kaunting antok ay hindi ako dinadalaw. That's why I decided to drink milk. Buti na lang meron pa.
Ininom ko naman ang gatas ko habang nakatambay sa balkonahe. It's past 12 midnight and it's quiet now. Kasabay nito ang malamig na simoy ng hangin na lalong masarap sa pakiramdam habang nakikita ang kagandahan ng Netherlands.
I took a deep breath, baka sakaling dadalawin na ako ng antok, ngunit wala pa rin. Napasulyap naman ako ngayon sa balkonahe ni Bryson, at mukhang tulog na tulog na rin siya. Walang kailaw-ilaw sa unit niya. I sighed.
I checked my phone to see if there's any message from someone. Nakita ko naman doon na nangungumusta sina Mommy at Daddy, at nagchat din sa akin si Claudia dahil ipinagmamalaki ang mga achievements niya sa school.
Tinawagan ko naman si Mommy. It's already pat 6 o'clock in the morning there, and I believe they are already awake by now.
"Hello? Geo," Mommy said excitedly. I can see her eyebrows furrowed after. "Why are you calling right now? Hating-gabi diyan ah."
"I can't sleep," sabi ko. "Musta po?"
"Ito, okay naman," tugon niya. "Your Dad and I are now preparing for work. Si Clau naman, tulog pa. Mamaya pang 1 pm class niya."
Tumango-tango naman ako sa sinabi.
"How about you? Kamusta ka riyan?" tanong naman ni Daddy na sumingit ngayon sa camera. "Bakit hindi ka makatulog?"
I sighed. "I don't know, pero ngayon lang naman po ulit ako nagkaganito. Siguro'y talagang hindi lang ako dinadalaw ng antok. But don't worry, I'm fine here."
"Matagal-tagal ka na din diyan anak," ani Mommy. "Kelan mo balak umuwi?"
"Hmm," nag-isip naman ako roon. "Maybe I'll stay a little bit longer? Para may kasama rin si Lolo rito. Besides, I still need to help Tita Leah in looking for a house for Lolo."
Mom and Dad nodded. Kinalaunan naman ay kinakailangan na raw nilang gumayak para sa trabaho.
"We gotta go na, Geo," si Mommy. "We'll talk after some time again."
"Mag-iingat kayo dyan anak," si Daddy naman na kumakaway-kaway ngayon sa camera. I nodded and smiled at them while waving.
"Opo, mag-iingat din po kayo diyan," sabi ko at binaba na rin ang telepono. Sakto naman, ubos na ang gatas na iniinom ko. Baka sakaling aantukin na ako maya-maya.
I checked the time and it's almost 1 AM already. Sumulyap muna ulit ako sa unit ni Bryson at saktong bumukas ang ilaw. Nagulat naman ako roon, at naisip baka kakarating lang niya, or baka hindi rin makatulog. Hindi ko na inintindi at pumasok na lamang sa loob.
Humiga naman na ako sa kama, at hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako. The next day, I woke up later than the usual time that I wake up. I went outside for a morning jog that I do all the time.
Nakasabay ko naman si Bryson na ngayon ay nagj-jogging din. I removed my earphones and greeted him while jogging towards him.
"Hey," sabi ko.
"Good morning," aniya. "Ingat, baka madapa. Mafall pa saken."
I scoffed and laughed at the same time. He chuckled too.
"Kaya pala humangin bigla," biro ko. Napatawa naman siya sa sinabi ko. Hindi na namin pinatagal pa at pagkatapos ng kaunting usap na iyon ay nagpatuloy na ulit kami sa pagj-jog nang kaniya-kaniya.

BINABASA MO ANG
Cruel Summer
Любовные романыSummer. Pag narinig 'to ng karamihan, lahat ay natutuwa. All you can think of is vacation, travel, rest, and you can do whatever you want. In short, this is the best season for everyone. Walang iniisip na kung ano-ano. But what if not all summers a...