The next day, I woke up to a message sent by Seb. Kinusot ko muna ang mga mata dahil bagong gising bago tuluyang tinignan ang text.
Seb:
Good morning! Duty na 'ko ngayong umaga.Kaagad naman akong nagtipa ng irereply sa kaniya.
Ako:
Good morning. Ingat ka.Hindi ko na hinintay ang irereply ni Seb at bumangon na rin ako dahil kailangan ko pang maging maaga sa trabaho. As usual, may mga papeles pa akong dapat ayusin at baka pumunta rin sa site para macheck ang progress ng mga proyekto namin.
"Alis ka na agad?" si Claudia. Tumango naman ako habang umiinom naman ako ng tubig para malunok ang lahat ng kinain kong tinapay. "Oki, ingat."
Umalis na ako at dumeretso na sa pagpasok sa trabaho. Medyo nastuck lang sa traffic dahil rush hour. I checked the clock and it's already 9 AM. Tanghali na ako.
Sa haba ng traffic, nakarating ako sa office ng 10 AM. Late, pero okay lang. Sinalubong naman ako ng guard at binati ng magandang umaga. Tumango ako at ngumiti, sabay bati rin sa kaniya.
I got startled when I saw Bryson sitting on the couch inside my office. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay siya na kaagad ang nakita ko.
"Ay anak ng pating!" I exclaimed.
Napalingon sa akin ang mga empleyadong naroroon at bigla akong nahiya kaya pumasok na lang ako ng tahimik. I glared at Bryson.
"What are you doing here?" pagtataray ko.
"I'm here for my proposal," he said. He then looked at his wristwatch and looked at me. "You're late."
"Pake mo?"
"Bakit ba ang sungit sungit mo?" tanong niya. Naupo naman ako sa upuan ko pagkatapos maayos ang mga gamit na dala-dala ko pagpasok.
"Bakit ka ba kasi nandito?" I said as I opened a file and looked at it. I wasn't looking at Bryson this time.
"Baka lang magbago isip mo. May I remind you, this is R&L we're talking about," he confidently said. I looked at him, and he's now smirking while looking at me intently.
Ibinaling kong muli ang tingin sa papeles na inaayos at umiling. "We have a lot of projects. Walang space para sa R&L n'yo."
I really put a stress on R&L. Nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang side ng desk ko sabay lapit sa akin.
"Baka naman hindi mo lang kaya ang presence ko kaya ayaw mo tanggapin ang offer ko, 'di kaya?" may bahid ng panunuya sa boses niya na ikinairita ko naman.
I leaned back as he leaned closer to me. Mabuti na lamang dahil marami pang espasyo sa likod kaya nakalayo pa rin ako kahit paano, kahit hindi ako makahinga dahil sa biglaang paglapit niya sa akin.
His lips formed a devilish smirk. Napakurap kurap naman ako at inayos ang pagkakaupo. He then stepped back and crossed his arms while standing in front of me. He raised his eyebrows.
"Baka naman kasi ayaw ko lang makatrabaho ka?" sumbat ko naman.
"Bakit? Can you give me a valid reason why you don't wanna work with my company?"
"I already told you, we're very busy."
"Parang 'di naman, sabi ng sekretarya mo," he said. I rolled my eyes and shook my head. "Gan'yan ba talaga kayo sa clients n'yo? Basta basta na lang dinedecline, e hindi pa naman napapag-usapan ng board?"
Hindi pa rin siya nagbabago. Ang kulit kulit, e sinabi ko na ngang hindi pwede! Ang daming iba, nagtitiis pa sa kompanya ko. Ano bang balak nito sa'ken?
BINABASA MO ANG
Cruel Summer
RomanceSummer. Pag narinig 'to ng karamihan, lahat ay natutuwa. All you can think of is vacation, travel, rest, and you can do whatever you want. In short, this is the best season for everyone. Walang iniisip na kung ano-ano. But what if not all summers a...