ika-18

22 5 0
                                    

Ang kaninang umiiyak ay medyo kalmado na at tumahan na. Mom and Dad are still here, and we are having a conversation together over dinner.

"So how are you here, anak?" tanong ni Mommy kay Claudia na ngayon ay hinihimas-himas ang tiyan niya.

"I-I'm good po..." she replied, still a bit uncomfortable. I do understand that's the way she acts, kase kung ako man ang nasa posisyon niya ay halong emosyon ang mararamdaman ko sa oras na ito.

Claudia's belly has grown even more. Mas kita na ngayon ang umbok ng tiyan niya. Mom touched her belly.

"I wish it'll be a girl," aniya.

"Mas gusto ko kung lalaki," si Daddy naman ngayon na abala sa pagkain ng cake na binili namin kanina. "Kotang kota na 'ko sa mga babaeng kasama ko sa bahay."

We all laughed heartily. Si Lolo naman ngayon ay nakikipagkuwentuhan na rin sa aming lahat ngayon at patuloy pa rin ang tawanan namin habang magkakasama sa hapag-kainan.

"I really am sorry for this, Mom and Dad..." seryosong sinabi ni Claudia sa kanilang dalawa. Umiling na lamang si Mommy at ngumiti.

"That's a blessing," aniya. "Tanggap na namin, anak. All you need to do is to relax, and we'll support you no matter what."

Tumingin naman sa akin si Mommy at nginitian ko siya. At least unti-unti na silang nagkakaayos, at makakabuti rin 'yon sa dinadala ng kapatid ko.

Kaunting kwentuhan pa ang naganap, hanggang sa napapunta na ang topic sa negosyo. Kinamusta naman ni Mommy at Daddy ang trabaho ko under R&L, at kung ano na ang estado ng mga trabahador namin doon.

"Well, okay naman po. Everything's going well," sabi ko. Tumatango-tango naman silang dalawa roon.

"That's good to hear anak," si Daddy naman ngayon. "Your Mom and I actually have a meeting with Teresa that's why we also came here in Netherlands. Maganda oportunidad ito, lalo na't nagsisimula na ang partnership natin sa kanila. Besides, it's also a great opportunity for us to collide once again."

I nodded. Hindi na ako nag open pa about kay Bryson dahil ayoko na aasarin na naman ako. Besides, he's just my suitor, and I don't want to open up about someone na hindi ko pa naman boyfriend.

"Mabuti na nga lamang dahil nakabangon silang muli sa pagkakalubog noon," sabi pa ni Daddy. "Maybe their acting CEO that time still doesn't know how business works."

He's talking about Bryson. Bigla naman akong naging hindi komportable noong sinabi 'yon ni Daddy. It feels like minamaliit lang nila ang kakayahan noon ni Bry.

"I'm sure he's improved now," I contradicted. "We all have weak spots, and I believe we can improve ourselves to avoid committing the mistakes we've done before."

"Still, dapat alam niya ang mga dapat gawin para maging stable ang kompanya. Hindi basta-basta nakaupo ka lang roon."

"I'm sure he did his best, Dad. Wala naman sigurong may gusto na magkaganon ang kompanya nila noon," medyo may diin na ang pagkakasabi ko.

Nagtaas naman ng kilay si Daddy at bahagyang ngumiti sabay ang panliliit ng mga mata na tila may malisya sa sinabi ko.

"Is there something going on between the two of you?"

May face heated. "W-What? Nothing!"

"Uy! Si Ate, in denial!"

"Hindi kaya!"

They all laughed while I'm gonna explode in no time because of slight embarrassment. Tinapik naman ni Daddy ang balikat ko habang natatawa pa rin.

"Ayos lang naman, Geo. You're of age, baka naman tumandang dalaga ka niyan."

Nagtawanan ulit sila habang ako naman ay namumula at nag iinit na ang pisngi dahil sa hiya at iritasyon. Bigla namang may nagdoor bell, at tumingin si Claudia sa akin habang tawa nang tawa. I just glared at her.

"Here he comes!" she hummed while walking towards the door to open it.

Excited na excited naman sina Mommy at Daddy kung sino ang naroroon sa labas ng pinto. Bigla naman akong kinabahan dahil baka nga si Bryson ang darating. Kabado dahil naeexcite, siguro?

Lahat kami ay nakaabang sa pinto upang tignan kung sino nga ba ang naroroon. Bigla naman akong nadismaya nang marinig ang sinabi ng kapatid ko.

"Oops!" Clau exclaimed. "Pizza delivery naman pala."

She chuckled. Pagod akong sumandal sa likod ng upuan ko. Nang sumulyap ako nang isa pa nang may narinig na footsteps ay nagulat ako nang si Bryson pala 'yon. He's holding two boxes of pizza, still wearing a suit. I shifted my weight.

"Good evening po," Bryson politely greeted everyone inside.

"Hello Hijo," bati ni Mommy sa kaniya. "You must be the Rodriguez they were talking about."

His eyes darted on me. I looked away and glared at Mommy while Daddy's chuckling softly. Nagtaas lamang si Mommy ng kilay at napabuntong hininga na lamang ako.

"Tuloy ka!"

Nilapag ni Bryson ang two boxes ng pizza na naroroon. Sakto naman dahil pwede rin itong panghimagas.

"Sakto ang pizza ah," sabi ni Claudia. "I'm craving that din kasi, e. You know... pregnancy cravings."

Bryson smiled and nodded. Inalok naman namin siyang kumain ng dinner pero nakapagdinner na raw siya. Marami rin silang napag-usapan nina Mommy at Daddy dahil magkakasundo sila sa larang ng business. I was just there, sitting silently while listening to their conversation.

"Georgianna didn't tell me you are such a good-looking man in person!" Mommy exclaimed.

Ngumingiti-ngiti lang don si Bryson habang sumusulyap sa akin habang ako naman ay namumula sa tuwing ginagawa niya iyon sa akin.

"Mabait pa!" si Lolo naman. "Kaya boto ako diyan para sa apo ko, e. Si Georgianna na lang ang tinatanong," sabay baling sa akin. Umiwas na lamang ako ng tingin at umiling nang pabiro.

Mukha namang nagugustuhan rin ng dalawa si Bryson. Masaya naman ako para doon. Nagtatawanan pa sila habang nagkukuwentuhan, samantalang kami naman ni Claudia ay nasa balcony para magpahangin.

Claudia took a deep breath. "This feels so refreshing, Ate. Isn't it?"

I smiled and nodded at her. Napatingin na lang din ako sa kawalan.

"Nabawasan na rin ang pag-aalala ko dahil hindi na galit sa akin sina Mommy at Daddy," she continued. "I can finally have inner peace."

"I'm glad you guys are finally okay now," I said happily. She hugged me.

"Thank you Ate," she said. Kinalaunan naman ay kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at nagkibit ng balikat. "May sinabi ka sa kanila 'no?"

I laughed. "Ano namang sasabihin ko?"

Her eyes narrowed. "Sus! Meron yan!"

I chuckled. "Sis, kahit naman wala akong sabihin maiintindihan nila 'yon. Anak ka nila, e."

She's getting convinced now. Lumingon naman ako sa loob at napagtantong aalis na pala si Bryson. Pumasok na kaming muli ni Claudia sa loob at nagpaalam na kay Bryson.

"Thanks for the food, Kuya!" Claudia said.

Tumango naman si Bryson habang nakangiti sa kaniya, at nagpaalam na sa aming lahat. Tumango na lamang ako roon. After he left, sina Mommy and Daddy naman ang sunod na aalis. Hinatid ko na sila sa baba at kumaway na habang papaalis na sila.

They are currently staying in Amsterdam, and they have called a chaffeur. I keep insisting on sending them there but they won't let me dahil gabi na raw. Hindi ko na rin naman pinilit kaya hinayaan ko na lamang sila.

"Ingat po kayo," I said.

"Mag-iingat rin kayo," si Daddy. "We'll visit again."

Tumango naman ako roon, at umalis na rin sila pagkatapos. Hindi na ako nagtagal pa at pumasok na rin kaagad sa loob dahil gabi na.

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon