ika-9

31 5 1
                                    

5:30 AM pa lang ay gising na 'ko. Dahil medyo mahaba nga rin ang byahe from Rotterdam to Amsterdam, ay sinadya kong gumising nang maaga para makapag prepare nang matagal at maayos.

Lolo already knew about this, and he's still sleeping. His caregiver is already here kaya naman hindi na ako mamomroblema pa sa pag-aasikaso sa kaniya.

While waiting for the next train going to Amsterdam, I decided to listen to some music para naman hindi ako mabored habang naghihintay at habang nasa biyahe.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko, at si Bry pala ang nagtext. Kaagad naman akong naexcite sa sinabi.

Bry:
Goodmorning.

Kaagad naman akong nagtipa ng irereply sa kaniya.

Ako:
Goodmorning. Nasa work ka na?

Bry:
I'm on my way. Dapat sumabay ka na lang sakin. Nasaan ka na ba?

Sakto naman dahil dumating na ang tren at sasakay na ako roon. Sumakay muna ako bago magreply. Medyo maraming tao rin ngayon pero nakahanap naman ako ng mauupuan kaya umupo na ako roon.

Ako:
On the way na rin.

Bry:
Alright. I'll see u later.

Tinago ko nang muli ang phone ko sa bag at nakinig na lamang muli sa music.

"Mapapansin mo kaya
Ako'y magkukunwari ba sa nararamdaman
Kahit walang pumapagitan"

I played that song on repeat. It gives me a chill and in love vibes. 'Yong tipong kahit malayo kayo sa isa't isa, ramdam na ramdam mo ang pag-ibig sa inyong dalawa.

"Ikaw ang tanging gustong pagmasdan
Oh, sana ako'y pagbigyan
Kay tagal nang hinihintay
Bawat saglit sumasablay"

Habang nakikinig sa kantang iyon ay biglang sumagi sa isip ko si Bryson. It has just been two weeks since I got here, and I don't know why but I really feel comfortable when he's around. He's like the savior and friend to me. And he's always making me feel safe whenever I'm with him.

Hinding hindi mahirap mahulog sa isang taong tulad niya. But still, there are a lot of things about him that I need to know. What kind of friends and family does he have, or something like that.

Makalipas pa ang maraming minuto at nakarating na rin ako sa Amsterdam. Medyo maaga naman ako na nakarating kaya marami pa akong oras para hanapin kung saan nga ba naroroon ang R&L Holdings.

It's kind of hard for me to look for something that I don't know since I'm wearing stilettos. I'm actually wearing a white long sleeve and a beige slacks paired with my beige stilettos. Mahirap, pero kakayanin naman.

Nagtaxi na ako para makarating nang mas maaga doon sa hinahanap kong building. The building is so tall, at mukha talagang isa sa mga rising companies dito sa Netherlands. Napaka swerte naman ng may-ari nito.

I went inside the building and took a deep breath dahil sa magkahalong kaba, tensyon, at pagod dahil sa paglalakad ko kanina.

I asked one of the guards there kung saan pwedeng makipag coordinate dahil mag aapply nga ako ng trabaho. Tinuro naman niya kung saan ako pupunta kaya naman tumango na lamang ako at nagpasalamat.

23rd floor.

I pressed 23 when I got inside the elevator. I'm actually here to get a partnership with this company, and I'm gonna do my very best para matanggap nila ang deal namin.

As soon as the elevator bell rang, lumabas na ako at hinanap kung saan ang office ng mag iinterview sa akin. Sinalubong naman ako noong isang babae roon. Medyo matangkad, mahitsura, at mukhang secretary ata ng isa sa mga matataas na posisyon rito.

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon