ika-17

24 5 0
                                    

Today is the first day of me working at the site. Ngayon na kasi sisimulan ang paggagawa ng project na tatrabahuhin namin.

Hindi kami nagsabay ni Bryson dahil pinahiram ulit sakin ni Tita Leah ang sasakyan niya since meron pa daw naman silang ibang magagamit. Besides, Bry's gonna work in the company, while I won't.

"Naasikaso mo na ba ang mga pinapaasikaso ko sayo?" tanong ni Engr. Tan sa akin. Tumango naman ako roon. Kinalaunan ay umalis naman siya para bisitahin ang mga materyales maging ang mga trabahador rito.

Medyo maaraw na ngayon pero hindi naman ganoon kainit compared sa Pinas. Many people are working for this project, and some of the workers are our company's people.

I am busy scanning the blueprint to study it, then I went to check their works. Naroroon din naman ang ibang mga senior engineers, kaya nagmamasid masid lang ako roon para malaman ko rin ang mga dapat gawin.

Buti na lamang dahil mababait naman ang mga kasamahan ko rito ngayon. Nagpunta 'yong sekretarya ni Ms. Teresa dahil nagdala ng mga meryenda para sa aming lahat. We have here palabok, coke, and even sandwiches.

"Salamat po nang marami," sabi ng mga trabahador.

Konti lang din naman kasi ang mga may lahing trabahador, at halos lahat ng mga construction workers dito ay puro mga Pilipino na galing sa Pilipinas. Tulad nga ng sabi ko kanina, ang iba ay import namin from Fontanilla Enterprises.

Nagkuwentuhan at tawanan naman kami sa kalagitnaan ng init at pagod sa unang araw ng trabaho. Nagpakilala kami sa isa't isa, at nagkuwentuhan din tungkol sa buhay ng bawat isa.

Ito namang isang engineer na in-charge din sa project ay medyo nakakavibes ko na rin ngayon. Babae, at mukhang mas matanda lang sa akin ng dalawang taon. She's Engr. Beatrice Halili.

"Did you know?" she said. "This project will be the comeback project ni Sir Bryson."

My eyebrows furrowed. "Comeback project?"

She shifted her weight as she took a bite of the sandwich she's eating right now. "Yes, comeback project. Well, I'm not surprised if you don't know the issue last year, pero bumaba ang mga sales at market ng R&L. Binagsak ni Sir Bryson."

That got my attention even more. Anong meron kay Bryson noon na hindi ko alam? And why didn't he tell me about this? Sabagay, di pa naman kami magkakilala noon. Patuloy na lamang akong nakinig sa sinasabi ni Beatrice.

"Ayon, medyo natagalan din naman siya bago makabalik ulit sa R&L," dagdag pa niya. "Kung alam mo lang kung gaano kalaki ginalit ni Ms. Tere! Ah grabe!"

Hindi naman ako sumasabat sa pagsasalita niya at napainom na lamang ng coke na hawak hawak ko ngayon. Tumingin naman ako sa kawalan.

"Tapos ano nangyari?" tanong ko naman ulit kay Beatrice.

"Ayon," tugon niya. "I overheard Sir Bryson and Ms. Teresa's conversation last time. Sabi ni Sir Bryson, he'll handle this project..."

She's pertaining to this project that we are working on.

"... and once this goes well, then he'll be able to prove them that he's deserving to be the heir of the company."

"Akala ko ba siya naman talaga ang tagapagmana?" kuryoso kong tanong.

Umiling naman siya. "Not really. I mean, yes he's gonna be the heir, but after what he's done last year, medyo hindi na ganoon kabuo ang tiwala nila rito. Well, ako man! I don't think I'll be able to trust the one who dragged the company once. But I think he's gonna be the next CEO, anyway. I can see he's doing his best naman."

Cruel SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon