Mabilis ako'ng tumayo para kuhanin ang malaking basahan. Agad ko itong inilagay sa sahig para masipsip ang mga tubig.
"Kami na po, Ma'am. Kalma lang kayo."
"Sorry talaga. Hindi ko sinasadya."
Bumaling ako sa lalaki'ng kararating ngayon. Takang-taka ang itsura nya habang nakatingin sa akin.
"Bakit?" Tanong ko.
Agad sya'ng umiling. "Bihis lang po ako, Chef," Paalam nya kay Chef Manalo.
"Pakidalian, Chef. Marami tayo'ng lulutuin."
Sa huli, Lumabas ako ng kitchen. Baka kung ano pa ang masira at masanggi ko doon. Nag hintay ako sa isa'ng bakate'ng upuan. Ang haba pa rin ng pila. Parang hindi umuusad. Mas lalo pa nga ata'ng humahaba ang pila. Ang dami na ng nag luluto sa loob pero hindi pa rin makaya ang buyers.
Huminga ako nang malalim.
Nasanggi ko talaga 'yung kaldero dahil sa kakaibang Awra ng lalaki kanina. Ang lakas ng dating na kahit sino mapapalingon kapag na kita sya. Nag hintay ako ng kalahating oras bago makuha ang order.
Kapag sinuswerte ka nga naman oh.
"Ito na, Ma'am," Aniya.
"Name?"
"Bakit?"
"Hm, Well... For your information, Anak ako ng may ari."
"Alam ko. Bakit mo kailangan tanungin ang pangalan ko?"
"Sasabihin ko kay Daddy na may bago'ng pasok." Tinaasan ko sya ng kilay.
"Alam na ng daddy mo. Naka-back ground check na ako. Ito na ang pagkain." Inilayo nya ang paper bag at bilao sa akin. "Mag bayad ka."
Tumaas ang gilid ng nguso ko. "Restaurant namin ito kaya bakit ako mag babayad?"
"Business is Business, Ma'am. Kung ayaw ninyong malugi ang restaurant na ito, Mag bayad ka kahit anak ka ng may-ari."
Inis ko'ng kinuha sa kanya ang pagkain. Tumakbo ako paalis doon. Nakita ko pa sya'ng nakatanaw sa akin.
Kumain kami ni Ate sa studio. Bibigay ko na lang sa mga street children ang natira naming pagkain. Hindi sya pwede'ng kumain ng madami. Kailangan ni Ate i-maintain ang katawan nya. Mabuti pa ako, Sigeng kain. Malaya ako sa lahat.
Binigay nya na ang pera'ng hinihingi ko at cellphone. Ni-log in ko lahat ng social media accounts ko doon. Binago ko ang story high lights sa instagram at facebook. Nag order din ako ng bago'ng casing sa shoppee.
Sunod ako'ng pumunta sa CMU. Susunduin ko 'yung dalawa. Nag text sa akin kanina. Gala kami after class nila.
Agusta Saniel: Saan na? Kanina pa ako dito.
Monik: 'Di pa tapos.
Casse Austero: Pababa na ako ng gate.
Nakikita ko nang palabas si Casse ng gate. Kumaway ako mula sa kinatatayuan para makita nya.
"Naka-magnum ka na naman, ano?" Natatawang bungad nya.
"Wala ka kasi'ng pambili ng ganoon."
"Bilhan kita kahit sampu."
"Talaga ba? Nangungutang ka nga sa akin. Oh, bayad mo pala? Sampu piso lang, Casse. Mag bayad ka naman. Last year pa 'yon."
BINABASA MO ANG
Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)
RomanceAgusta Saniel Arevallo comes from a family of beauty queens. She always obeyed her Father's command, even though it had a significant impact on her mental health. Xai Roux Montini is a chef, vlogger, and wealthy man. He was born in a perfect famil...