Chapter 1

2K 58 55
                                    


"Tangina oh! Padaan! Padaan!"

Sinenyasan ko si Casse na Manahimik.

"Mura ka nang mura—putangina naman! Aray!" Malakas na sigaw ko matapos may bumangga sa aking mga lalaki'ng nag tatakbuhan!

"Mura pala nang mura ha. Sino ngayon nag mumura?"

"Tara na nga!"

Mag kaklase kami ni Casse noong first year high school at may reunion ang batch namin. Hindi pa nga ako pinayagan ni mama na umalis pero dahil BDO ako, I find ways. Pag tatakpan naman ako ni Ate kapag nag kataon. Partner in crime ko kaya 'yon.

Pag dating namin sa Drunkyard, Nandoon na sila'ng lahat. Kaming dalawa na lang ang hinihintay. Natagalan ako sa pag takas kay mama. Halos mamatay-matay ako sa pag baba sa second floor.

Alas-onse na ng tabi kaya sure naman ako'ng tulog na si mama at daddy.

"Agusta! Casse!" Tawag ni Ani sa amin.

"Hi, Guys! Sorry late kami. Traffic kasi dyan sa daan," Pag sisinungaling ko.

"Ayos lang. Ma-upo na kayo at um-order."

Sa dulo kami umupo ni Casse. Wala naman sila'ng sinabi na mag simpleng damit kami. Puro mga naka-over sized t-shirt at short ang mga girls. Hiyang-hiya ang pa backless ko at high waist jeans.

"Ano oras uwi?" Tanong ko kay Casse.

"Kahit ano'ng oras. Wala namang magagalit sa akin. Baka ikaw wala ka ng uwian kapag na lamang laklakera ang mahinhin nilang anak."

"Shh! Sa bahay lang ako mahinhin kasi 'yung mga pinsan ko, aspiring beauty queens. Bawal sila 'yung bara-bara lang."

Naka-ilang shots na ako. Hindi pa rin umeepekto ang alak sa sistema ko. 'Yung iba tumba na. Si Casse pasimple'ng tinatapon ang Alak sa gilid. Akala nya hindi ko na kikita ang ginagawa nya. Maduga talaga kahit kailan.

"Ingat, Guys!"

Nag arkila kami ng Taxi pa-uwi.  Ako ang unang hinatid dahil sa Maysilo ang bahay ko. Sa Panghulo pa si Casse.

"Kuya!" Tawag ko sa Guard namin.

"Sino po sila—Ma'am? Gabi na po ha," Takang tanong nya at pinag buksan ako ng gate.

"Wag mo naman sabihin kila Lolo, Daddy, sa mga Tito at Tito ko," Paki-usap ko.

"Wag na lang po kayo tatakas, Ma'am. Mapanganib po sa gabi. Malakas po kayo sa akin. Hindi ko mag susumbong."

"The best talaga, Kuya Nino!"

Sa pinaka-dulo pa ang bahay namin. Madadaanan ko ang bahay ng mga Pakialamera ko'ng Tito at mga Tita.

Bago'ng pag subok na naman!

Nakahinga ako nang maluwang dahil sarado ang ilaw pag pasoi ko sa bahay. Nakaramdam ako ng ginhawa matapos tanggalin ang suot na heels.  Tamad ako'ng pumunta sa switch para buksan ang ilaw.

"Saan ka galing?"

Napatalon ako sa gulat. Nanatili ang tingin ko sa pader na kaharap.

"Agusta Saniel," Seryosong tawag ni Daddy.

Pumikit ako ng mariin!

"Hi, Daddy!" Bati ko.

"Where have you been?"

Wala ako'ng masabi. "Uhmm... Oh...ah..Ano..."

"Night out na naman, Agusta?! Ilang beses ko ba'ng sasabihin na baka mapahamak ka! Daig ka pa ng mga pinsan mo. Tulog na sila ng ganitong oras habang ikaw pa-uwi pa lang."

Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon