Chapter 13

487 28 5
                                    

"Get out!"


Pinulot ko ang ilang piraso ng damit na hinagis nila Tita. Kinulong ni Daddy si Ate bago ako umalis para hindi nya ako makita. At ito, Pinag pepyestahan ako ng mga kamag-anak ko. Isa-isa ko'ng kinuha ang mga damit sa kalsada.


"We don't want to see your face again! Leave!"


Ngumiti ako kay  kuya Niño matapos nya ako'ng tulungang pulutin ang mga damit.


"Ma'am, limang daan lang po ang ma-ibibigay ko sa inyo dahil wala pa po ako'ng sahod. Sana kumasya itong pera kung saan man kayo pupunta."


"Hindi na, Kuya. May pinag-aaral ka pa. Salamat na lang po."


Inilagay ko sa Echo bag ang mga gamit. Kahit sinabi ni Daddy na wala akong dadalhin na kahit ano, Hindi ko sya sinunod. Mahal kaya mga damit na mga sinusuot ko. Mabuti na lang talaga at hindi ko ginalaw ang sahod ko. Kahit papaano may pang gastos ako.


Umirap ako sa ere habang tinatahak ang daan. Hindi naman sa naging duwag na ako sa mga hipokrita ko'ng kamag-anak. Wala lang talaga akong lakas na makipag-sagutan sa kanila dahil mas iniisip ko kung saan ako tutuloy na bahay ngayon. Kung paano ako mag-aaral. Ilang araw n lang mag sisimula na ulit ang klase at heto ako hindi pa ata makakapag-aral.


"Chef Manalo," Tawag ko.


"Agusta? Ano'ng ginagawa mo dito?"


"P-pwede po ba'ng makituloy dito? Wala kasi ako'ng ma-pupuntahan."


"Bakit? Pinaalis ka ni Sir Sandro?"


"Opo—"


"Honey, Bakit—Sya 'yong anak ng amo mo, 'di ba? 'Yong tumalak sa lolo nya!!"


Gulat ako'ng tumingin sa Likod ni Chef. May babaeng papalabas, Asawa nya.


"Salamat na lang po," Paalam ko.


"Pero Agusta—"


"T-tinawagan po ako ng kaibigan ko kanina... Bago pumunta dito. Doon na muna ako sa kanila."


Bumuntong hininga ako. Alam ko'ng nakarating na sa mga kaibigan ko ang nangyari bukod kay Dahlia na na sa Madrid. Kakapalan ko na ang mukha ko. Nag tungo ako sa bahay ni Chef Montini. Ayokong matulog sa kalsada, Walang aircon. Bago ko pa tuluyang ma-pindot ang doorbell, Bumukas ang gate.


"Saniel," Gulat na aniya.


"Chef... Pwede ba?"


Sumilay ang ngiti sa labi nya. "Palagi ka namang pwede. Pumasok ka na. Nag luto ako ng pagkain dahil alam kong babalik ka."


"Paano mo naman na laman?"


"Basta. Kutob ko lang."


"Bakit ka nga pala na sa labas?" Sumingkit ang mata ko.


"Inaabangan kita."


Na-una ako sa kanyang pumasok sa loob. Pag dating sa may dinning area, nilantakan ko agad ang pagkain. Wala ako'ng pakialam kung isipin nya man na patay gutom ako.Na gutom ako sa pag lalakad. Naligaw-ligaw pa ako kakahanap ng bahay niya.


"Chef!" Biglang tawag ko.


"Hmm?" Ibinaba nya ang mug.


" 'Di ba may pasok ka ngayon?"


"Um-absent ako. Nag paalam naman ako."


"Huh? Bakit? Malaki kaltas kapag hindi pumasok ng maayos. Dapat nag pasa ka ng letter na may sakit ka para di kaltasan sahod mo—kahit wala ka naman talagang nararamdaman. Bakit ka nga pala—"


Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon