Chapter 16

524 29 8
                                    


"Huy!"


Bumalik ako sa reyalidad matapos hawakan ni Casse ang balikat ko.


"U-uy," Bati ko sa kanya.


"Nyare? Tulaley ka."


Tinawagan ko sya para may kasama ako dito sa bahay ni Chef Montini. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko kagabi. Ayaw mag sink-in sa utak ko. Umarte na lang ako'ng walang na tuklasan kinabukasan pag gising nya. Hindi ko na rin binanggit ang na laman ko. Hindi ko alam kung saan at paano mag uumpisa. Ayokong halungkatin ang nakaraan nya dahil alam ko'ng hindi pa rin nya na kakalimutan si Riva. Heto na naman tayo, Agusta. Hanggang kailan ka mamalasin sa pag-ibig?


"P-paano ba mawala 'yung nararamdaman sa isang tao?"


"Ay bakit, kaibigan?" Lumapit sya sa akin.


"Kasi mukhang gusto ko na..." Bumuntong hininga ako.


"Yown na nga ba ang sinasabi ko! Gusto mo kamong ma-wala ‘yang feelings mo kay Chef Montini?"


Tumango ako sa kanya. "Wag mo nang sabihin pangalan nya. Code name na lang. Aristotle tawag natin."


Humalakhak sya. "Gago ka! Aristotle? Seryoso? Anyways, Edi iwasan mo. Oo nga pala na sa iisang bubong kayo."


"Ayon nga, eh."


"Ako na nag sasabi sa 'yo, Kumare, Lalala ‘yang feelings mo. Wag mo na kasi'ng labanan. Malay mo naman mutual feelings. Sa inaasta nya sa harapan mo, Alam ko'ng meron. Pa-simple'ng sulyap pa. Akala siguro ni Chef—Aristotle hindi ko mahahalata ang mga kilos nya."


"Paanong ano? Hindi ko gets."


"Ay basta! Alam mo ang motto nating dalawa. Kahit mamatay man hinding-hindi tayo aamin sa taong gusto natin. Keep our pride, Agusta Saniel! Wag mo'ng ibababa ang bandera natin. Sinasabi ko talaga sa ‘yo, Mag hahalo ang balat sa tinalupan."


"Asa ka naman, Cassendi Jeremiah! Kahit mamatay ako sa selos, hindi ako aamin kay Aristotle!" Proud na saad ko!


"That's mah gurl! Pinalaki talaga kita nang maayos. Keep it up, bebi!"


Nanood kami ng Netflix bago sya umuwi. Ayaw ko pa ngang pa-uwiin si Casse pero kailangan nya talaga kasi tumawag ang mama nya. Pinapayagan sya kahit saan basta kapag tumawag ito, sagutin nya agad o kaya pag pina-uwi sya, uwi agad kung gusto nya pang maka-alis sa susunod.


"Hello, Ate?" Bungad ko sa tawag.


"Finally! Gising na si Lolo! And guess what? Sinabi nya'ng wala ka'ng kasalanan!"


"Talaga?" Nakangiting sambit ko.


"Yes. Pag mulat ng mga mata nya ikaw agad ang hinanap nya at sinabing wala ka'ng kasalanan. Pinatawagan ka ni Daddy. You can go home na, Agusta. Hindi na raw sya galit."


"Uuwi na ako?" Masayang tanong ko.


"Ngayon na kung gusto mo."


"Oo— H-hindi pa pala muna ngayon," Biglang bawi ko.


"Huh? Why?"


"Uuwi ako, Oo. May gagawin muna ako. Paki-sabi kay Lolo na masaya ako'ng gising na sya."


Pumunta ako sa Grocery store para bumili ng mga ingredients. Mag seset-up ako ng thank you party kay Chef. Binili ko ang pinakamahal na karne para sa kanya. Gusto ko sya'ng lutuan para pag-alis ko, hindi sya malungkot. Pag tapos ng dinner namin aalis na ako. Pag-uwi ko sa bahay binuhat ko ang round table papunta sa may balcolony at sinunod ko ang uupuan namin. Nag lagay ako ng table clothe at kandila sa gitna. Saktong nag text sya na alas-syete sya uuwi. Marami ako'ng oras para mag handa.


Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon