"Seryoso ka ba dyan?" Gulat na tanong ni Ate.
Tumango ako. "Cool off kami."
"Sabi na, eh! Galingan mo ang pag tatago. Wala pa man din ako dyan. Hindi kita ma pag tatanggol kung sakali."
"Oo naman. Kumusta training?"
"Ayos lang. Tawagan kita latuh."
Ako ang na iwan mag-isa sa bahay. May kasal na pinuntahan sila Mama at Dad. Ayoko'ng sumama. Mas gusto ko'ng ma-iwan sa bahay. At least dito magagawa ko lahat ng gusto ko.
Binura ko kagabi ang nickname nya sa messenger ko. Pinalitan ko ng like zone ang dati'ng emoji. Binalik ko sa normal. Bahala sya sa buhay nya.
"Ang sarap mo naman ma-stress, Agusta. Tamang shopping lang," Natatawang sambit ni Casse.
Nandito kami ngayon sa SM sangandaan. Sya lang ang busy kaya sya ang kasama ko. Ni libre ko na rin sya ng gusto nya. Kung ano'ng binibili ko, kinukuha ko rin si Case.
"Cool off kami," Malungkot na sabi ko.
"Ha? Agad?! Bakit?"
"Mahabang kwento."
"Kailan pa? Jusko ka! Ngayon ka na lang ulit nag ka-jowa, ganoon pa ang nangyari."
Pumasok kami sa Chowking.
"Limang araw ata."
"Hindi ka ba nya tine-text o tinatawagan?"
Umiling ako. "Hindi."
"Ay sinasabi ko sa ‘yo, Kumare, i-break mo na ‘yan— Sorry po," Pag hingi nya ng tawad sa mga taong katabi namin. Ang ingay kasi talaga ng bibig.
Kinuwento ko sa kanya lahat kaya heto kami ngayon, Papasok sa restaurant ni Chef Montini. May gagawin daw kami. Ayoko sanang pumunta pero mas malakas sya sa akin. Ayoko pa sanang makita si Chef Montini. Hindi pa kasi talaga ako ready. Baka masigawan ko na naman sya kapag nag harap kami'ng dalawa. Hindi ko matanggap ang pag tatalo naming dalawa dahil sa babae'ng ‘yon. May na lalaman pa'ng privacy! Gusto ko ‘yong pinag sisigawan ako! ‘Yong tipong kahit hindi ka tinatanong, pinangangalandakan mo'ng may girlfriend ka. Wala ako'ng pakialam kahit mukha sya'ng tanga kaka-salita, malaman lang nila. Lalo na ‘yong babaeng bangus na ‘yon! Badtrip talaga!
Umalis kami matapos malamang wala doon si Icy. Day-off ngayong araw. Si Chef Montini naman busy sa kusina. Kainis. Hindi manlang sya lumabas para sumulyap. Ang ganda ko ngayong araw, mababaliwala lang.
"May ka-usap na international Chef si Boss. Ang sabi pa, May offer sa kanya."
"Talaga? Wow. International."
"Oo, Julius! At ito pa, Kailangan mag traning ni Chef Montini ng isa'ng buwan sa Laguna at pag tapos diretso na sya sa US kung saan gaganapin ang patimpalak! Ang mananalo doon ay tatanghaling pinakamagaling na tao sa larangan ng pag luluto!"
Nag katinginan kami ni Casse. Bumuntong hininga ako. Na-una ako'ng lumabas sa kanya. Nawalan ako ng gana kumain dahil sa narinig ko'ng pag-uusap ng dalawang waiter. May offer sa kanya tapos hindi manlang nag abalang sabihin sa akin. Nakakalungkot naman. Cool off kami pero hindi pa break. Dapat sinasabi nya pa rin sa kin. Ako pa ang may mataas na pride sa lagay namin ngayon. Hindi nya nga magawang tawagan ako. Nakakainis lang.
Pag-uwi ko sa bahay nakarinig ako ng mga sigawan. Malabong mga magulang ko dahil bukas pa uwi nila galing Pampanga.
"Abort that baby, Shyla!"
![](https://img.wattpad.com/cover/274809268-288-k873449.jpg)
BINABASA MO ANG
Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)
RomantikAgusta Saniel Arevallo comes from a family of beauty queens. She always obeyed her Father's command, even though it had a significant impact on her mental health. Xai Roux Montini is a chef, vlogger, and wealthy man. He was born in a perfect famil...