Chapter 34

718 26 2
                                    

" I killed your first born! Narinig mo ako, ‘di ba?! Pinatay ko ang anak mo!"



"A-ano'ng sabi mo?" Hindi makapaniwalang tano'ng ko.



"Pinatay ko ang magiging panganay mo dapat dahil ako ang nag opera sa ‘yo."



Namanhid ang buong sistema ko dahil sa mga narinig mula sa bibig nya.



"Bakit mo ginawa ‘yon? Bakit?!"



"Dahil mahal kita! Ayoko nang may kaagaw! Ayoko!"


"Demonyo ka'ng hayop ka! Wala'ng ginawa sa ‘yo ang anak ko! Walang sya'ng kasalanan dito! Hayop kayo! Mga demonyo! Mga walang kaluluwa! Kampon ka ni Satanas!"


"Hindi mo naman ako mahal, Agusta, ‘di ba? Na pilitan ka lang because you have no choice!"


"Minahal kita sa paraan na alam ko! Hayop ka!"


"Pero hindi sa paraan na gusto ko!"


"Kaya pinag sisihan ko'ng pinakasalan at minahal kita'ng hayop ka! Pare-pareho lang kayo! Ang kakapal ng mga mukha ninyo!"


Tumayo ako kahit nanakit ang buong katawan ko dahil sa mga pinag gagawa nya sa akin! Nanginginig ang mga kalamnan ko sa galit!


"Makakasama mo na ang panganay mo'ng anak sa langit!"


"Hindi ko hahayaan na gawin mo sa akin ang ginawa mo sa anak ko'ng satanas ka! Akala ko nakaharap ko na lahat ng kampon ng kadiliman pero sarili ko pa lang asawa ang amo nila! Nakakadiri!"


Hinatak nya ang buhok ko at muli'ng inumpog sa katapat na pader. Pinag hahampas ko ang kamay nya'ng nakasabunot sa akin! Sinuntok nya ang sikmura ko dahilan para sunod-sunod ako'ng umubo! Ginamit ko ang buong lakas para itulak sya sa silya! Tumakbo ako palabas ng kwarto. Nakakandado sa labas ang bahay!


"Agusta!" Umalingawngaw ang boses nynasa buong bahay!


Siniksik ko ang sarili sa loob ng cabinet para hindi nya ako mahuli! Kailangan ko'ng humanap ng paraan para makatakas rito! Kailangan ko'ng pumunta sa hospital para matignan ang bata'ng na sa tyan ko!


"Where are you my wife? Huwag mo na ako'ng pahirapan sa pag hahanap sa ‘yo... Mag pakita na kayo sa akin, Mag-ina ko."


Tinakpan ko ang bibig sa sobra'ng panginginig ng labi!


"Agusta! Oras na mahuli kita, Katapusan mo na! Lumabas ka na sa pinag tataguan mo hanggang hindi pa ako tuluya'ng sinasapian ng demonyo!"


Tinatagan ko ang loob! Kahit ano'ng mangyari, hindi ako lalabas ng cabinet na ito. Mamatay ka kakahanap dyan'ng satanas ka! Wala ka'ng katulad! Sinusumpa kita'ng hayop ka!


"What's the name of your daughter? Steffa?"


Tinakpan ko ang dalawa'ng tainga! May naririnig ako'ng mga boses na bumubulong sa akin! Tagatak ng pawis ang buong katawan ko! Isa-isa'ng bumabalik ang ginaaa nila sa akin. Kinagat ko ang daliri. Takot na takot ako'ng mahuli nya kami dahil alam ko'ng wala ako'ng kawala.


"Shit!" Hiyaw ko nang biglang may dumaplis na bala sa banda'ng balikat!


"Gotcha!"


Maya-maya pa'y bumukas ang pintuan ng cabinet at bumungad ang mala-demonyo'ng ngisi ni Aldrin!


"Please... Aldrin." Lumuhod ako sa harapn niya. "W-wag mo'ng idamay ‘yung anak ko. Nag mamakaawa ako."


Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon