Chapter 35

956 35 1
                                    

P.s: Kindly listen to this song ☝️ While reading... Especially the proposal part. Song title: The past.

"Delivery for Ms. Agusta Saniel Arevallo," Rinig ko'ng sambit ng lalaki'ng ka-usap ni Ate sa labas ng condo.

"Kanino galing?" Taka'ng tanong ko pag lapit sa kanila.

"Hindi nya po sinabi ang pangalan sa akin. Pero nag bigay po ng code name. Vlogger daw po sya."

"Vlogger?" Taka'ng tanong ni Ate.

Nag kibit balikat ako. Wala ako'ng idea kung sino ang nag padala sa akin. Kinuha ko ang parcel kay kuya. Dumiretso ako sa kwarto. Binuksan ko ito gamit ang gunting. Na hirapan pa nga ako'ng umupo dahil sa tyan ko. Kumunot ang noo ko nang makita kung ano'ng laman. Pang baby na damit, medyas at kung ano-ano pa. Galing pa sa iba'ng bansa ang gamit. Alam sa buong kumpanya ko ang tungkol sa pag bubuntis.

Isa siguro sa mga empleyado. Palagi nila ako'ng pinapadalhan ng kung ano-ano. Pumapasok ako kahit medyo malaki na any tyan. Nitong last last mont ako tumigil. Kailangan ko'ng mag pa hinga at mag handa sa darating na panganganak. Hindi madaling mag buntis. Magigising ka sa madaling araw na gutom pero hindi mo ma ipaliwang ang gusto mo'ng kainin. Kapag hindi ko ma-explain ang pag kain na gusto ko, umiiyak ako. Na gigising sila Lolo at Ate dahil sa mga pag ngawa ko. Ewan ko ba. Parang tanga.

Nag unat ako. Puro tulog at kain ang ginagawa ko these past few months. Kailangan maging healthy ng babay, payo ni Doc. Mag gym ako pag tapos manganak at ThermiVa. Hindi naman masisira ang session ko dahil wala ako'ng asawa at wala ako'ng plano'ng mag asawa na. Na stress ako sa kanila.

"Kailangan ko pa lang pumunta sa opisina," biglang saad ko kay ate.

"Huh? Ano ka ba! Malapit na due date mo tapos pa gala-gala ka dyan!"

"Sandali lang ako roon. Kailangan ko talaga'ng pumunta."

Inalalayan nya ako paalis ng condo. Mabuti na lang at wala roon si Lolo. Hindi ako basta-basta pinapalabas. Baka raw may pangyari sa pinakamamahal nya'ng apo sa tuhod. Bago kami dumiretso sa opisina, Pumunta kami kay Shyla.

"Agusta! Oh? Bakit ka tumatakbo!"

Yinakap ko sya. "I miss you, Shyla! Nasaan ang pamangkin ko?"

"Tulog sa taas. Gusto mo ba'ng makita? Gigisingin ko."

Hinampas ko ang braso nya. "Na tutulog. Papasyal ulit ako dito pag tapos ko'ng manganak, okay?"

"Take care, ha? Ninang ako ng anak mo!"

"Oo naman! Nasaan nga pala asawa mo?"

"Na sa state.. business... Alam mo naman."

"Nag kikita naman ba kayo ni Lolo?"

"Oo. Spoiled na spoiled ang anak ko. Kung alam mo lang jusko!"

Nag paalam kami sa kanya ni Ate at tuluyan ng dumiretso sa opisina. Nakangiti ang lahat ng tao sa akin. Minsan pa'y hinahawakan nila ang tyan ko. Binasa ko ang mga suhestyon nila. May nakita ako'ng kompetisyon. Lahat ng malalaking kumpanya ng Skin care kasali. Ang premyo ng nanalo ay mag kakaroon ng isa'ng branch ang kumpanya all over the world! Napatalon ako sa tuwa! Sinigawan pa ako ni Ate dahil sa ginawa ko! Mahal na mahal nya talaga ang anak ko na akala mo'y anak nya.

"Ang oa mo ha. Dapat nga ikaw ang unang mag ka-anak sa ating dalawa kasi ikaw ang panganay tapos na unahan pa kita. Ang balak ko sana, maging single rich tita in the future tapos ako ituturing na nanay ng anak mo kasi busy ka sa trabaho tapos lalayo loob nya sa 'yo-Aray!" Pinitik nya ang noo ko!

"Puro ka kalokohan! Kapag nag mana sa 'yo ang pamangkin ko, ewan ko na lang talaga! Ilalayo ko sya sa 'yo dahil mamaya baka puro kalokohan na naman ang ituro mo?"

Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon