Chapter 3

732 40 18
                                    

"Oh, Ano ngayon ang problema mo?" Inis na tanong ko.


"Na shocked rin ako sa nalaman ko. Hindi na ako mag tataka kung bakit ganoon sa 'yo si Lola."


Binato ko sya ng hawak na bote. Sa gilid ko lang naman pinatama. Gulat na gulat ang reaksyon ng mukha nya.


"Mas lalo ka'ng masha-shock kung hindi ka aalis sa pamamahay namin."


"I hate you! Hipokrita!"


Sarkastiko ko sya'ng tinawanan. "Back to you, Shyla. Mag sama kayo ng mga Tita at Mama mo."


Inis sya'ng lumabas ng bahay. Kinuha ko ang Dust pan at walis tambo sa kusina. Inilagay ko ang mga bugbog.


Sya agad ang bumungad sa akin pag baba ko. Huminga ako ng malalim matapos mapatingin sa kuko ko.  Nag palit ako ng damit. Kinuha ko ang mga gamit tapos lumabas ng bahay. Huminto ako  nang makita si Lola sa labas. Dinidiligan nya ang mga halaman namin.


"Lola," Nakangiting tawag ko. "Pasensya na po sa nangyari noo—"


"Ayos lang." Aniya. "Pero huwag mo'ng asahan na  itatrato kita'ng apo. Anak sa labas ang tatay mo ng asawa ko."


"Lola..."


"Kung sa tutuosin nga, Hindi dapat kayo nakatira dito sa pamamahay ko. "


Nawala ang ngiti sa labi ko. "Pasensya pa rin po."


Nilagpasan ko sya. Nag abang ako ng taxi sa labas ng gate.  Sabado ngayon at aalis kami ni Casse. Si Monique naman palagi'ng hindi pwede. Busy sa asawa at pag-aaral.  Nag kita kami ni Casse sa tatawid.  Bumili na rin kami ng mga pagkain para sa picnic. Pizza, junkfood, juice at mga streetfood.


"Tagalag, Kuya," Sabi ko sa Trycicle driver.


"Saan po sa tagalag?"


" 'Yung may i love tagalag po..."


Sa likod ni Kuya sumakay si Casse habang sa loob ako. Nakita ko'ng maraming pumupunta doon. Noong nakaraan ko pa sinasabi kay Casse mna pumunta kami. Ngayon lang na tuloy kasi hindi kami busy. Wala naman si Daddy dyan sa bahay kaya makakalabas ako. Si Mama na sa parlor nya. Si Ate palagi naman na sa studio 'yon.


Pagbaba ko ng trycicle maraming mga tao ang nandoon. May iilan pang motorist at bikerist ang nag stop dahil sa ganda ng view. Nag latag ako sa dulo ng dala'ng tela.


"May bago'ng Chef sila Daddy," Wala sa sarili'ng sambit ko pag-upo namin.


Binuksan nya ang v-cut. "Oh? Anong gagawin ko? Jojowain?"


"Wala ka'ng kwenta'ng ka-usap. May balita ka kay Thorch at Pacco?"


"Kay Thorch, Meron. Palagi ko kasi'ng ka-usap 'yon. Pero kay Pacco, Wala. Grabe. Mapanakit mga kaibigan natin."


"Sino naman kaya ang mag kakaroon ng lovelife ngayon?"


"Ay, teh!" Tumayo sya bigla! "Feeling ako na!"


Tinawanan ko naman sya. "Tatawanan kita kapag na broken ka."


"Wala ka'ng kwenta talaga, Agusta! Napaka mo! Tumayo ka dyan! Dalian mo! Nag-iinit ang ulo ko sa 'yo!"


Sinandal nya ang cellphone sa may railings para mkapag-sayaw kami.


"Missing my love. Dahil wala ako'ng boyfriend, Tayo na lang. Ako naman jowa mo," Nginisian ko sya.


Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon