Chapter 9

523 32 3
                                    

"Ms. Bikini Malabon goes to Agusta Saniel Arevallo!"


Kumaway ako at dahan-dahang nag lakad.


"Thank you so much!"


"Teh, paki-ayos naman. Kung ako judge, hindi ka mananalo." Tinarayan nya ako.


Padabog ako'ng umupo sa  sahig. Kanina nya pa ako pinag lalakad ni Casse. Nandito  kami'ng dalawa ngayon sa studio. Wala sya'ng pasok at ganoon din ako. Sumabay pa ang research namin. Nag detect kasi ako sa plagiarism link. Zero ang uniqueness ng conlucions namin. Isang daang porsyento ang plagiarize sa sentence na pinasa ni Bhetany. Malalagot talaga sa akin ang babaeng 'to pag pasok. Malayo-layo pa naman ang defense.


Isinuot ko ang malaking t-shirt na umabot sa tamalampakan. Pinag suot na kasi ako ni Ate ng swim-suit dahil 'yon ang pinaka-theme ng contest. Wala naman akong choice kung hindi, gawin ang utos nya. Maya-maya pa dumating si Ate na may dalang isa'ng bucket ng jollibee.


"Nag-abala ka pa, Ate Sarian!" Ngiting-ngiting sabi ni Casse.


Tumayo sya para salubungin si Ate. Umiling na lang ako. Wala naman problema sa akin kung close nya ang Ate ko. Sila'ng dalawa talaga ni Casse ang mag ka-sundo sa lahat ng bagay dahil magka-bives sila.


" May tanong ako," ani Casse.


"Hmm?" Uminom si Ate ng Coke.


Dumiretso ako sa lamesa para makakuha ka ng pagkain. Isang one piece spicy chicken, spaghetti at rice ang na pili ko'ng kainin.


"Paano 'yung mga contestant sa pageant na may period. Halimbawa: Sumali sila sa pageant tas may regla nga, paano 'yon?"


Umangat ang paningin ko sa tanong ni Casse. Oo nga naman. Ayon din 'yung na iisip ko paminsan-minsan.


"Kung may sasalihan sila'ng pageant—lalo na ang mga pambato natin na dadalo sa iba'ng bansa, May iniinom sila'ng gamot para huminto pansamantala ang period."


"Akin 'yan!" Reklamo ko matapos nya'ng kuhanin ang pagkain ko. Pinalitan nya ito ng salad at fresh milk.


"Malapit na laban mo, Kapatid. Kumain ka nang maraming kanin pag tapos. Pero ngayon i-maintain mo muna ang figure mo."


"Mas lalo ako'ng mawawalan ng kumpyansa kung palagi mo ako'ng pipigilan na kainin ang gusto ko."


"Do your best, Agusta Saniel." Kinindatan nya ako.


Sinamahan ko si Casse papunta sa kanila. Nag bihis sya at nag paalam na gagabihin sa pag-uwi. Pumayag naman mama nya. Basta raw mag iingat. Kung late kami matatapos, ipahahatid ko na lang sya sa driver namin o kaya sa bahay na lang sya  matulog tutal kami lang naman ni Ate ang tao doon. Alam ko namang makiki-pag kita lang sya sa boyfriend nya kaya pinag mamadali nya kaming umalis.


Umurong ako ng kaunti sa gilid para hindi mabasa ni Casse ang message ni Chef Montini. Kinuha nya kasi ang number ko at friends na kami sa instagram at facebook para madali naming ma- contact ang isa't-isa dahil sya ang magiging coach ko.


Roux Montini: Nasaan ka na? Mag aalas-sais na.


Bumilog ang bibig ko! Oo nga pala! Mamayang gabi ang night trip namin sa Monumento! Na wala sa isip ko kaya pumayag ako na gumala kami ni Casse papuntang Valezuela people's park!


Agad ako'ng nag send ng messages kay Chef.


Agusta Saniel: Oo nga pala. Sorry, Chef! Pwede ba'ng ipostpone? May lakad kasi ako....


Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon