Kinapa ko ang cellphone sa ilalim ng unan. Inis ko ‘to'ng pinatay. Umagang-umaga, tawag agad. Hindi ba nila alam ang free time?
"Ano ba!" Reklamo ko.
"Agusta," Umiiyak na aniya.
"S-sino ‘to?"
"Si Dahlia."
"Loka ka! Bakit ka umiiyak?"
"Pwede mo ba ako'ng ihatid sa pier? Hindi kasi sumsagot sila Monique at Casse."
"O-oo... Oo... Nasaan ka ba ngayon?"
"Tapat ng trinoma."
"Wait me."
Mabilis ko'ng kinuha ang jacket pag tapos ay lumabas ng Condo. Mabuti na lang at wala'ng na gaganap na traffic. Naabutan ko sya'ng naka-upo sa gilid bitbit ang mga maleta. Bumaba ako ng kotse para puntahan sya.
"Saan ka pupunta?"
Inangat nya ang tingin sa akin. Mugtong-mugtog ang mata. Umupo ako sa tabi nya.
"Hindi... Hindi ko naman talaga ginawa ‘yon. Bakit ko ikakalat ang scandal video ni Miles? A-alam ko ‘yung pakiram kaya..." Humagulgol sya.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa. Tinawagan ko ang sekretarya.
"Alisin nyo si Miles de Caprio bilang endorser ng beauty product."
"Baki—"
"Just do what i want. Wala ako'ng pakialam kahit mag bayad tayo ng mahal para sa new endorser. Ayoko sa babae'ng ‘yan."
"Noted po."
Sa pier ng Cavite kami pumunta. Sa Mindoro sya pupunta, sa Lola nya sa may father side. Hindi na matigil ang mga luha ko hanggang makarating kami sa daungan.
"Umiiyak ka pa rin? Samantalang tumigil na ako," Na tatawang aniya.
"Paano aalis ka na naman. Pwede ba'ng dito ka na lang? O kaya samahan mo ako sa condo. Si lolo at Ate Sarian ang nandoon."
"Dadalawin ko ang pamilya ko doon."
"Babalik ka naman dito, ‘di ba?"
"S’yempre naman. Pwede ba naman ako'ng hindi pumunta sa kasal nila Patch?"
"Sige na... Alis na. Mag ingat ka."
"Salamat," Bulong nya.
Pinanood ko sya'ng sumakay sa loob ng barko. Pinag titinginan na nga ako ng mga tao dahil sa iyak ko. Ang bigat lang kasi sa pakiramdam na aalis na naman sya.
Kung kailan maayos na lahat atsaka pa umalis si Dahlia. Malungkot ako'ng umuwi sa condo. Hindi na ako nag abala pa'ng mag-ayos ng sarili. Simpleng pantalon at hoody ang suot ko.
"Goodmorning," Bati ko sa Guard.
"Goodmorning po."
Ako mag-isa ang na sa elevator, Wala'ng kasama. Diniin ko ang pag pindot para sa mag sara agad. Ayoko'ng makasabay si Xai Roux.
"Goodmorning, Ma'am," Nakangiting bati niya.
Umurong ako sa pinaka-dulo para hindi kami mag dikit.
"Don't talk to me."
"Pumunta si Monique kanina dito."
Nilingon ko sya. "Hmm?"
BINABASA MO ANG
Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)
RomanceAgusta Saniel Arevallo comes from a family of beauty queens. She always obeyed her Father's command, even though it had a significant impact on her mental health. Xai Roux Montini is a chef, vlogger, and wealthy man. He was born in a perfect famil...